Xzyra's Point of View
At kung bakit puro 'daw' ako. Like matalino daw siya at bobo daw ako. Well, you know later tinatamad ako i-kwento.
Pa-suspense ba ako? Well, wala kang magagawa. Story ko 'to, kaya maghintay kayi! Haha.
Matapos ang ilang mga minutong pagjo-jogging ay bumalik na ako sa bahay ko at naligo at nagbihis. Pagkatapos ay pinatuyo ang ko buhok ko at nagsuklay saka ko tinali ko ang buhok ko papony-tail.
Time Check: 9:13 A.M.
Medyo malayo pa naman ang oras at malapit lang naman rito ang DSU. Kaya nag-drive muna ako papunta sa malapit na coffee shop. "Happy Gale Coffee Shop" yung pangalan ng coffee shop na'to.
Pumunta ako sa counter. Trip ko ngayong mag-espresso. Kaya...
"1 espresso nga" ako.
"132 pesos po ma'am" sabi nung babae.
Naglabas ako ng 200 sa wallet ko at binigay yun sa kanya.
"I received 200 pesos" siya at sinuklian ako ng 68 pesos.
Pumunta ako sa mesa na malapit sa glass door.
Nilabas ko ang script ko at kinabisado ang mga linya ko. Hindi na ako nahihirapang magkabisado dahil matagal na rin naman akong umaarte.
Maya-maya pa ay dumating na ang in-order kong kape.
"Here's your coffee, ma'am. Thank you for coming" siya. Tinanguan ko lang siya kaya umalis na siya.
Sumimsim ako sa kape ko habang binabasa pa rin ang mga lines ko.
***
Xzyra's(Margaux) Point of View
Nandito ako sa classroom at nakapahalumbaba habang palihim na tinititigan si Vince sa gilid ng mga mata ko.
Shhh, lang kayo, ah!
Ikalawang semestre na ngayon. Ang bilis lumipas ng mga araw, nuh!?
Maya-maya pa ay pumasok na si Prof. Jiana.
"Okay class, you have a new classmate! Please come in!"
'Ikalawang-semester na may transfer pa din?!'
At pumasok na nga ang transfer 'kuno'. At nagulat ako nang makilala ko ito.
"I'm Quaine Patricia Pendleton, 19 years of age. It's nice meeting you all here!" Siya habang may mala-colgate smile. Naghiyawan at sumipol ang mga lalaki at pumalakpak lang ang mga kaklase kong babae. May ibang inirapan pa siya.
Nakita kong iginala niya ang paningin niya.
But, wait! Hindi siya basta-basta transfer lang. SHE'S MY BESTFRIEND!!!!!
Naguusap naman kami gabi-gabi. Pero hindi niya sinabi sa aking uuwi siya!
Natigil ang paningin niya sa akin at nagtama ang mga mata namin, mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"Ms. Pendleton, kindly sit next to Mr. Bedingfield" sabi ni Prof. Jianna. Nakita ko kung Pano nabura ang ngiti ni Pat nang sabihin yun ng prof namin.
Sinunod na ni Pat ang sinabi ni Prof at naupo sa kanan ni Vinve . Pat ang tawag ko sa kanya. Short for Patricia.
Omo! Hindi ko akalaing magkikita kami ngayon pero nakakatampo siya hindi niya man lang sinabing uuwi siya at dito siya magt-transfer. Lagot sakin yan mamaya!
Nagturo na si Prof. Jianna at ang iba pang Prof. hanggang sa mag-lunchtime.
Nang lumabas na si Prof. Bravery ay agad kong nilapitan si Pat at binatukan.
"Aray!"
"Hoy, bruha bakit hindi mo sinabi sa aking uuwi ka pala! Edi sana nasundo kita sa airport! Hindi mo rin sinabing dito ka rin mag-aaral!" Ako. Bigla siyang nag-pout. Aww, ang cute.
"Gusto ko lang namang surpresahin ka! At mukhang successful naman, hehehe" siya.
"Ahh, nga pala eto si Vince Dione Bedingfield" ako at ipinakilala ang nasa tabi ko na ngayon.
Biglang na wala ang ngiti ni Pat.
"Ah oo, kilala ko na siya nagkita kami noon sa Canada" siya at pilit na ngumiti.
Hinawakan niya ang kamay ko at medyo lumayo kami ng kaunti kay Vince.
"Pero, Bedingfield siya, diba magkaaway ang mga pamilya niyo?! Hindi ba sila nagalit?" Bulong niya sa akin.
"Hindi naman nila alam, eh"
"Eh, paano kung malaman nila?! Paniguradong magagalit sila sa inyo!"
"Hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin, hindi ba?" Ako. Hindi kasi alam ng mga tao na magkaaway ang mga pamilya namin. Akala nila nasa good condition kami. At dahil kaibigan ko si Pat, kaya sinabi ko sa kanya. Isa kasi siya sa mga pinagkakatiwalaan ko. Kasi nga kaibigan ko siya.
"Syempre naman, hindi! Pero, tandaan mo, Margaux, walang sikretong hindi nabubunyag" paalala niya sa akin dahilan para kabahan ako.
"Pero, huy! Akala mo hindi kita nahahalata kanina, ah! Palihim mong tinititigan si Vince! Hulaan ko....may gusto ka sa kanya noh?!" Siya dahilan para mamula ako.
"W-Wala nuh!"
"Ayyy shooowsh! Don't me, Mar! Don't me! Malinaw ka pa sa clear!" Dahilan para mas lalo akong mamula.
Haist, masyado na talaga akong kilala ni Pat! Wala na akong maitatago pa sa kanya! *pout*
"S-Sige na nga, may c-crush ako sa kanya!" Pag-amin ko sa kanya.
"Crush lang ba talaga?" Siya habang may nanunuyang tingin.
'Hindi. Mahal ko siya'
Pero syempre di yun ang sinabi ko.
"Hindi-este Oo!" Ako. Tiningnan niya pa rin ako ng nanunuyang tingin.
Tapos bigla siyang ngumisi.
"Okay, sabi mo, eh" sabi niya na parang hindi naniniwala.
Hindi ko nalang siya pinansin at lumapit kay Vince
"Sabay na tayong tatlo ngayong mag-lunch" ako. Tumango naman si Vince at ngumiti at nagpaumuna. Kanina pa siya tahimik, bakit kaya?
Ipinilig ko ang ulo ko at sumunod kami sa kanya.
***
EDITED.