Chapter 44

980 Words

Xzyrile's Point of View *TOK!*TOK*TOK* Nagising ako nang marinig ang pagkatok ng nasa labas ng pinto ko. Nakatulog pala ako habang umiiyak nang hindi ko namamalayan. Umunat muna ako bago tumungo sa pintuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si mommy na nakangiti, pilit ko lang itong nginitian at pinapasok sa kwarto ko. Umupo kami sa kama ko. "Anak, Xzyrile, nagawan na namin ng paraan ang issue na yun" nakangiting saad ni mommy. "Talaga po?!" nabubuhayan ng loob na saad ko. "Oo anak, ayos na ang lahat. Wala ka nang dapat ikabahala pa" Tumango sa akin si mommy. Buti naman at nagawan nila ng paraan! Pero.....paano naman kaya nila naayos. "Pero.....paano niyo po naayos?" nagtatakang tanong ko. "Tara, bumaba tayo. Let's watch the news. You will see what happened?" Sabi ni mommy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD