Xzyra's Point of View Umuwi agad ako sa bahay ko. At doon ako umiyak ng umiyak sa sala. Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito. Mga naka-post ito sa f*******: at nakatag ako. Post 1: Kunwari pang inosente, malandi rin pala. Post 2: Mag-break sana kayo ni Harvey! Manloloko ka! Post 3: What a s**t, hindi pa nakuntento kay Harvey nakipag-s*x pa sa iba! Post 4: Hindi mo deserve si Harvey, manloloko ka! Hindi ko na binasa ang iba pa. Nasasaktan ako. Kahit hindi naman ako ang gumawa nun, nasasaktan ako sa mga sinasabi nila sa akin. Umiyak ako ng umiyak muli. Bumalik muli sa akin ang mga sinabi ni Harvey kanina. Sumigaw ako para mailabas ang sama ng loob ko. "Kahit kelan hindi kita minahal, Xzy. Ang tulad mong walang puso at demonyo? Nagpapatawa ka ba? Ikaw?! Mamaha

