chapter three.

1586 Words
Troy Mercado Matapos ang birthday celebration ni Michelle, mas naging busy kami parehas. Hindi kami masyadong makakapagkita ngayon dahil fully loaded ang schedule namin. Normal naman ang lahat sa `min matapos no'ng nangyari no'ng birthday celebration niya. Nabigla lang daw siya kaya niya nagawa `yon. Yes, naging awkward kami sa isa't isa during the party pero nairaos naman namin ang gabi. Si Jason naman, `yong ex boyfriend ni Michelle, nakulong siya ng ilang araw para sa kaso niyang attempted r**e kay Michelle pero nakapagpiyansa at pansamantalang nakalaya. Naging laman ng balita `yon dahil anak naman siya ng isa sa mga kapartido ng Papa ni Michelle. Ilang araw din naranasan ni Michelle na hindi tantanan ng media pero mabuti nalang ay kasama niya madalas si Drew, matalik niyang kaibigan. "Anak, may iniisip ka ba?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mama. Umayos ako ng pagkakaupo sa sala namin at hinarap siya. "Wala naman, Mama. Nasaan si Papa?" "Nandoon siya sa opisina niya, may tinatapos lang. Alam mo naman `yang Papa mo, busy na tao," tumabi siya sa `kin at sinenyasan ako na mahiga raw ako sa kandungan niya. Wala naman akong ibang magawa kung hindi sundin `yon. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Parang ang lalim ng iniisip mo, Troy. May gumugulo ba sa `yo?" "Wala naman, `Ma. Naisip ko lang po kung kumusta na kaya si Michelle. Huling pagkikita namin ay no'ng birthday pa niya at may hindi pa magandang nangyari no'n. Imagine Mama, her ex boyfriend attempted to r**e her, not just once, but twice and I witnessed how Michelle cries for that. Iniisip niya tuloy na mahinang tao babae siya. What do you think, `Ma?" Hindi naman maipinta ang ngiti ni Mama sa `di ko malaman na dahilan. "Concern ka sa kanya?" "Siyempre, `Ma. Kaibigan ko siya." "Kaibigan nga lang ba, Troy?" "Mama, ilang beses ko pong sasabihin sa inyo na wala pong namamagitan sa `min." "Wala pa sa ngayon," natatawang saad ni Mama. Bigla naman niyang pinisil ang ilong ko. "Alam mo, Troy, kung ako rin ang nasa kalagayan ni Michelle, ganoon din ang mararamdaman ko. Manghihina ako at pakiramdam ko, wala akong kakampi at walang tutulong sa `kin sa ganoong sitwasyon. It may be easy to say but Michelle has to be strong. She need to cope with that. Magandang move na `yong pinakulong nila `yong ex niya even though nakapagpiyansa `to. Kailangan ni Michelle ngayon ng mga taong hindi siya iiwan at susuportahan siya. Kailangan niya ngayon ng mga taonh sasamahan siya sa laban niya ngayon. Hindi madali ang pinagdadaanan niya pero kapag naramdaman niyang hindi siya nag-iisa, lalakas ang loob niya." "Kaya nga po, `Ma, pinangako ko sa kanya na kung kailangan niya ng tulong, nandito lang ako sa kanya. Even in a short period of time na nagkakilala kami, I'm more than willing to help," nahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong ang laki ng ngiti ni Mama. "Bakit ka nakangiti, `Ma? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Masaya lang ako for you, Troy. Nagbago ka somehow but in a good way. I see some changes in you pero gusto `yong nakikita ko sa `yo. Kung ano man ang nagagawa sa `yo ni Michelle kapag magkasama kayo, wala akong tutol doon. Masaya ako bilang Mama mo na nakakarinig ako ng mga ganyan mula sa `yo. Proud ako bilang Mama mo." Ilang saglit lang, biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung kanino galing ang message. It was from Michelle. Nilingon ko si Mama at hindi na naman maipinta ang ngiti niya. Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at kinuha `yong mga gamit ko. "`Ma, aalis po muna ako." "Mukhang may date kayo ni Michelle, huh? Sige na, Troy. Magbihis ka ng maganda, magpabango ka, mag-ayos ka. Ako na magsasabi sa Papa mo." Napakamot nalang ako ng ulo ko at nagmadaling umakyat sa kuwarto ko para magbihis. Ginawa ko kung ano ang sinabi ni Mama. Naligo ako, nagbihis ako ng maayos at inayos ko ang sarili ko para magmukhang presentable. Nang makarating kaagad ako sa bookstore na meeting place namin, kaagad ko siyang hinanap. Inisa-isa ko siya sa mga aisle hanggat ss nakita ko siya sa mga shelf ng mga kwentong pambata, nagbabasa. Pero mas napansin ko `yong suot niya kaya napangiti ako. Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya. Ilang shots ang nakuha ko bago ko itinabi ang cellphone ko at nilapitan siya. "Kanina ka pa ba rito?" tanong ko. Napalingon naman siya sa `kin at ibinalik na ang librong hawak niya. "Hindi naman. Halos kararating ko lang din," umatras siya ng kaunti at biglang umikot. "Maganda ang taste mo sa damit, Troy, huh. Sobrang nagustuhan ko `to. Maraming salamat dito. Bagay ba sa `kin?" "Of course. I made sure na babagay sa `yo `yan. Ang ganda mo ngayon, Michelle." "Salamat." nakangiti niyang tugon. Naglakad na kami palabas ng bookstore. I askes her kung bakit bigla siyang nagyayang lumabas, gusto lang daw niya. Hindi na ko nagtanong at sinundan nalang siya sa paglalakad. We both decided to watch movie but this time, it's my choice. Gusto naman daw niyang makabawi dahil natulugan niya ako nakaraang lakad namin. Wala ng screening ng Pirates of the Carribean dito kaya pinili ko nalang ay `yong Fast and Furious. Tinanong ko siya kung okay lang na `yon ang panuorin namin, okay lang daw sa kanya. Well, she have no choice. Natapos ang movie at maging si Michelle ay nag-enjoy sa pinanuod niya. Paglabas namin ng sinehan, panay na ang kuwento niya sa mga napanuod namin. Sobrang na-amazed siya sa mga napanuod niya. Naglalakad na kami papuntang food court ng may makita akong pamilyar na mukha. Sinubukan kong umiwas ng daan pero huli na ang lahat. "Troy, nakita ka rin namin. Nabagot kasi kami ng Papa mo sa bahay kaya naisipan naming mamasyal nalang dito. Dito ka rin pala namamasyal?" ani Mama. "`Ma, alam mong dito ang punta ko," nilingon ko si Michelle at nakangiti lang siyang naghihintay sa likod. "`Ma, `Pa, si Michelle po pala." "Napakagandang bata naman nito," lumapit si Mama kay Michelle at bigla itong niyakap na siyang kinagulat ni Michelle. "Kailan mo ba sasagutin `tong anak namin? Naiinip na kong ipakilala ka niya sa `min, eh." "Mama naman!" nakakahiya. Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil sa kahihiyang sinasabi ni Mama kay Michelle. Lumapit si Papa sa `kin at inakbayan ako. "Michelle, huwag mo nalang pansinin `yang asawa ko. Sobrang naexcite lang `yan mula no'ng malaman na may kinikita pala `tong anak ko. Saan niyo na balak pumunta ngayon?" "Kakain na dapat kami, `Pa. Naghahanap nalang kami ng makakainan." "Tamang-tama. Sumabay na kayo sa `min. May reservation kami ng Mama niyo rito." Hindi ko alam kung magandang ideya ba na sumabay kami kila Papa. Kilala ko si Mama, hindi niya tatantanan si Michelle. Kukulitin niya lang `yon at nakakahiya kay Michelle `yon. Si Papa na namili ng kakainan namin since sabi niya, may reservation sila ngayon. Mukhang planado ni Mama `to dahil table for four ang nakareserve. Tinignan ko si Mama pero tinaasan niya lang ako ng kilay at napailing nalang ako. Nagkibit balikat nalang si Michelle at natawa nalang. Inalalayan ko ns paupo si Michelle at saka ako naupo sa tabi niya. "Pasensya ka na kay Mama. Makulit talaga `yan pero mabait `yan." aniko. "Ano ka ba? Okay lang `yon, Troy. Si Mama ganyan din. Siguro, ganoon na talaga lahat ng nanay kapag naninibago sa mgs nakakasama ng anak. Nakucurious din kung sino mga nakakasama ng anak." "Naiintriga kamo. Kung ano man ang nasasabi sa `yo ni Mama, pagpasensyahan mo na. Pinagpipilitan niya kasing nililigawan kita kaya gustong-gusto ka niya makilala." "Nakukwento mo ko sa kanya?" nagtatakang tanong ni Michelle. Napaatras ako ng kaunti dahil sa sinabi ko. Nakangiti niya kong tinititigan at naghihintay ng sagot. "Minsan lang naman." Uniwas na ako ng tingin kay Michelle. Nagsalubong naman ang mga mata namin ni Mama at nginingitian niya lang ako. Hinuhusgahan na ko nito. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa `kin. Dumating na ang mga in-order namin at nagsimula na kaming kumain. Hindi pa rin natatapos si Mama sa pag-uusisa kay Michelle hanggang sa dumating na `yong puntong pati si Papa, nagtatanong na rin. Parang nasa hotseat si Michelle sa ginagawa nila. Pero hindi man lang nababother si Michelle sa ginagawa ng mga magulang ko at patuloy lang siya sa pagsagot ng mga tanong nila. Until Michelle mentioned that her father wants to meet Papa. Nabanggit ko na rin `yon kay Papa pagkauwi ko galing no'ng birthday celebration ni Michelle pero until now, hindi pa rin sila nakakapagmeet dahil parehas silang busy. Pagkatapos naming kumain at makapagpahinga ng kaunti, nagdesisyon na si Michelle na kailangan na niyang umuwi. Gusto sana siya ihatid ng mga magulang ko pero saka nalang daw dahil may driver naman siyang kassma. Nagpaalam na muna ako kila Mama na ihahatid ko muna si Michelle at hintayin nalang nila akong makabalik. Hinatid ko na si Michelle sa parking lot kung saan naghihintay ang sundo niya. "Pasensiya ka na ulit kila Mama at Papa." "Nag-enjoy naman ako kasama sila, Troy, kaya okay lang," humakbang siya palapit sa `kin at humalik sa pisngi ko. "Siyempre, nag-enjoy din akong kasama, Troy, as always. Salamat din. Mauuna na ko. Ingat kayo pauwi." Pumasok na siya sa loob ng sasakyan nila at kumaway na sa bintana. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Michelle, what have you done?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD