Troy Mercado
linggo ng umaga, nasa Manila North Cemetery kami upang ihatid sa huling hantungan ang dalawa sa matatalik na kaibigan ng mga magulang ko. Sobrang unexpected ng pangyayari at ng maaga nilang pagkawala. Sobrang bait na tao nila Ninong Lucas at Ninang Mildred. Sobrang close nila sa pamilya namin dahil during high school days pa lang nila ay magkakaibigan na sila. Laking panghihinayang nila dahil successful din sila sa mga field of expertise nila. Pero dahil sa car accident, maaga silang nawala at maaga ring nangulila ang nag-iisa nilang anak.
Kausap nila Mama at Papa ang ilan sa mga kaibigan nila at ang ilan sa mga kamag-anak nila Ninong at Ninang. Tanaw ko mula sa kinaroroonan ko si Kent na nakatayo sa harapan nh puntod ng mga yumao niyang magulang. Yakap-yakap nito ang mga larawan nito. Bakas pa rin sa mukha niya ang mga sariwang sugat na natamo niya mula sa aksidente. Siya lang ang masuwerteng nakaligtas sa pamilya niya.
Pinuntahan ko siya at inakbayan. "Kung nasaan man sila ngayon, Kent, sigurado akong hindi ka nila pababayaan."
Si Kent ay mas bata sa `kin ng apat na taon. Mahiyain pero matalinong bata. Alam kong hindi magiging madali para sa kanya ang tanggapin na sa isang iglap lang ay nawala na ang kanyang pinakamamahal na magulang.
"Dapat pati ako, nawala na rin, Kuya. Hindi ko alam kung paano kakayanin na ako nalang mag-isa."
"Simple lang `yan, Kent. Hindi mo pa oras ngayon. Marami pang nakalaan ang Diyos para sa `yo. Challenges lang `to na kailangan mong malampasan. At saka, sino'ng nagsabi sa `yo na mag-isa ka? Nandito kami para sa `yo. Sa `min ka hinabilan ng mga magulang mo bago sila mawala. Noon pa man, pamilya na ang turing namin sa inyo. Tutulungan ka naming bumangon, one step at a time."
Hindi na siya sumagot matapos no'n. Nanatili lang ako sa tabi buong oras hanggang sa tinawag na kami ni Papa para umuwi.
Bago pumanaw ang ina ni Kent, nakausap pa raw niya si Mama at `yong kapatid nito. Saglit na panahon lang ang nagkaroon sila at do'n nabanggit ng ina ni Kent ang huli nitong habilin na gusto nga nito sa pamilya namin mapunta ang pangangalaga ni Kent. Umalma ang ilang kamag-anak nila Kent doon at hindi pumayag na sa iba mapunta ang custody ni Kent lalo na't minor siya at nararapat na sa malapit na kamag-anak siya mapunta. Hindi nila pinatagal ang argumentong `yon dahil ayaw nila na maging magulo ang lahat sa mga panahong nagluluksa sila. Pinapatawag ng ilang kamag-anak ni Kent ang family lawyer nila sa pagbabaka sakaling nakasaad sa last will and testament ng mga magulang niya ang desisyon. Doon na nila napag-alaman na nakapangalan kay Kent ang 50% ng ari-arian ng mga magulang nila, habang ang 25% ay paghahatian ng ilang kamag-anak nila at ang natitira oang 25% ay sa mga magulang ko. Mayroon din itong trust fund na nagkakahalaga ng tatlong milyon na nakapangalan kay Papa na ibibigay niya kay Kent pagtungtong nito sa edad na dalawampu't isa. May handwritten letter din ang ina ni Kent na nagsasabing sa puder nga namin mapupunta ang pangangalaga ni Kent. Gustong umalma ng mga kamag-anak ni Kent dito pero bilang pagrespeto sa desisyon ng mga yumao, wala na silang nagawa kung hindi sundin ito.
Nasa biyahe na kami pauwi ng bahay namin. Magkatabi kami ni Kent sa likuran ng sasakyan. Tahimik lang siya buong biyahe. Tinitignan ko ang cellphone pero hanggang ngayon, wala pa akong nakukuhang text message mula kay Michelle. Tatlong araw na mula noong huli niyang text ss `kin, at `yon na rin ang huling araw na nagkausap kami ss Yahoo Messenger. Wala akong ideya kung ano ba ang nangyari sa kanya. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila pero hindi ako pinapayagan ni Papa. Baka raw kasi may problema sa pamilya nila at mas gusto nilang manahimik at lumayo muna ss ibang tao. Wala akong ibang choice kung hindi sundin iyon at maghintay ng balita mula kay Michelle.
"Miss mo na, Kuya?" biglang tanong ni Kent.
"Huh?"
"Sabi ko kung miss mo na, Kuya. Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa cellphone mo. Hindi ka mapakali."
Miss ko na nga ba siya?