Troy Mercado Kasalukuyan na kaming nasa eroplano ni Iyah pabalik sa Maynila. Madaling araw pa lang at hindi pa sumisikat ang araw, kaunti pa lang ang tulog namin atmedyo inaantok pa rin dahil saparty na dinaluhan namin kagabi. Idagdag pa ang engkwentro ko kay Yvonne na naging dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Sakit ng ulo hindi dahil naka-inom ako, kung hindi dahil sa kanya mismo. Sa presensya niya mismo. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba talaga siya ng bait at ginawa niya ang ganoong bagay. Hindi niya alam ang ginagawaniya. Ayaw niyang saktan ko siya pero sa ginagawa niya, masasaktan talaga siya. At the very first place, alam na niyang wala akong nararamdaman sa kanya. Siya langang nagpupumilit, siya lang rin ang masasaktan. It was not my intention but I have to. Ginawa ko lang kung ano a

