Kinabukasan, maaga akong nagising hindi lang dahil maaga ang convention kung hindi dahil kailangan ko pang sunduin si Iyah sa airport. Kulang na kulang ang tulog ko. Dapat kasaby ko na rin siya kahapon papunta ritokaso nagkaroon daw ng biglaang emergency sa bahay nila kaya nahuli siya. Sinabihan nalang niya akong susunod siya kinaumagahan.Nang makita ko na siya, kaagad kaming umalis at nagpunta sa gaganapan ng convention. Pagdating doon, naupo na kami sa respective seats namin. Tama lang ang pagdating namin dahil kasisimula pa lang ng event. Mabuti nalang at nakapag-almusal muna kami ni Iyah bago puunta dito dahil para sa `kin, nakakabagot ito. Idagdag pa ang kakulangan ko sa tulog. Hindi sa pagma-mayabang pero na-tackle na sa `kin ni Papa ang mga pinag-uusapan nila dito. Taon taon na rin

