Troy Mercado The next day, ito `yong araw na kailangan kong pumunta sa Cebu para sa isang convention na pinapa-puntahan sa `kin ni Papa. This is also the day I promised to Michelle sasamahan ko siya papunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang inakala niyang anak namin matagal na panahon na ang lumipas. Simula ng malaman ni Michelle ang tungkol kay Zach, na buhay pa ang anak namin, nababagabag na siya. Minsan na siyang hindi mapakali dahil sa kaiisip kung sino ba talaga ang kawawang batang nakalibing doon. Malaki ang hinala namin na may kinalaman ang Papa niya rito at siya lamang ang makapag-sasabi sa `min kung sino ba ang batang `yon. Pagkababa namin sa kotse, kaagad kaming sinalubong ng isang matandang babae na nagtitinda ng mga bulaklak at kandila. Bumili kami ni Michelle ng dalawan

