"Where are you going, my Akira? Is there something between you two?" Nakataas ang kilay ni tita Rose habang nakatingin sa kamay ni Kalisto na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa pulsuhan ko. Kaagad kong binawi ang aking kamay at tumingin sa ibaba.
"Hmmm? Answer me, Akira. Is this your boyfriend?" Ulit pa ni tita sa tanong. Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Stupid Akira, say something! Mabuti nalang at sumagot si Kalisto.
"No po, tita Rose. We're new friends po. We just met today." Aniya. Magkakilala sila ni tita? Palipat-lipat ngayon ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Is that true, Akira?" Baling niya saakin. I nodded. "Yes, tita. I met him at my favorite spot here in school." Puno ng sensiridad ang aking boses. Nawala ang kanyang pagdududa sa mukha at napalitan ng panghihinayang.
"Oh that's sad. I thought you're finally getting a boyfriend." Binalingan niya si Kalisto at tinuro ito gamit ang kanyang mamahaling bag. "And you! I also thought you're finally having a girlfriend!" Natawa naman ang aking katabi sa sinabi ni tita Rose. Habang ako ay hiyang-hiya! I don't know how to handle this kind of situation! Even though I want to act cool, I can't. Especially kung love life ko ang pinag-uusapan.
"Tsk." Nabaling ang tingin namin kay Ran nang suminghal ito. Salubong ngayon ang kilay niya. Hindi niya na rin kasama ang kasintahan. "Why would you think that mom? 'Ate' Akira is not even Kalisto's type. He wants hot girls." Asik niya.
"Hey! That's not true, Ran." Awat ni Kalisto. Hindi na siya nakangiti ngayon at seryoso na ang kanyang boses.
"That's rude, Ran. Don't say something like that." Pangaral ni tita Rose sa kaniyang anak. Ngunit tila walang naririnig si Ran. Magkasalubong pa rin ang kilay nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hindi na ulit umimik. Lumayo pa ito saamin at nagsuot ng earbuds.
"I'm so sorry, Kalisto and Akira. Kanina pa wala sa mood 'tong si Ran. I don't know why. Baka nag-away sila ni Sophia. 'Yung girlfriend niya." Paghingi ng paumanhin saamin ni tita. Kaya nga siguro mainit ang ulo niya dahil nag-away sila ng partner niya. Hindi niya rin kasi ito kasama ngayon.
"No worries, tita. Sanay na po ako d'yan sa anak niyo. Daig pa po niya ang babaeng may dalaw. Bilis magbago ng mood." Tatawa-tawang sagot ni Kalisto. Sumang-ayon kaming dalawa ni tita Rose sakaniyang sinabi. Totoo kasing mabilis magbago ang mood niya. Kapag masaya siya, mawala lang ang atensiyon mo sakanya ng ilang segundo ay galit na kaagad siya.
"Yeah hahaha. Let's not talk about him. Do you guys ate lunch naba?" Biglang tanong ni tita. Bago pa man kami makasagot ay tumunog na ang aking sikmura! Dahil sa sobrang hiya, tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang kamay. Rinig ko ang tawa nina Kalisto at tita Rose. Sobrang nakakahiya!
"Well hahahahaha, I think we already know the answer, tita. hahahaha." Sinilip ko si Kalisto at sinamaan siya ng tingin. Nakita naman niya ito kaya tinaas niya ang dalawang kamay habang tumatawa parin!
"Yeah hahaha we sure does. Let's go!" Habang naglalakad ay dinig ko parin ang kanilang munting hagikgik. Nasa likod nila ako, kasama si Ran na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. Nagc-cellphone parin ito at tila walang pake sa paligid.
Ilang minuto rin kaming naglakad hanggang makarating kami sa school cafeteria. Inilibot ko ang aking paningin at hindi makapaniwala sa nakita! Kung noon ay maganda na ito, ngayon ay mas pinaganda pa!
The entrance features floor-to-ceiling glass doors, etched with unique patterns, opening into vast, airy space bathed in natural light. Inside, the ceiling soars high, adorned with cascading crystal chandeliers that cast a soft, sparkling glow over the entire area.
Luxurious seating areas are scattered throughout the cafeteria. Each table is set with fine porcelain dishes and silverware.
"Wow." Bulong ko. Si Kalisto ay normal lang ang ekspresyon. Siguro ay nakita na niya ang bagong desenyo nito kaya hindi na siya nagulat.
"I didn't know na iniba nila ang cafeteria. I must say it looks much better now." Napatango naman siya sa aking sinabi.
"Yeah. That's also my reaction when I first saw this renovation." He answered while smiling.
Dahil sa sobrang dami ng estudyante, medyo nahirapan kaming humanap ng pwesto. The location we got was near the order station. Which means it's all the way to the other side of the cafeteria's entrance.
"Ran, Akira, seat here. Me and Kalisto will order some foods." Ani ni tita Rose. Tumango naman ako at naupo. Si Ran ay pumwesto sa tabi ko! Hindi ko nalang siya pinansin.
Nang makalayo sina Kalisto ay ibinaba ni Ran ang kanyang telepono. Inalis din niya ang earbuds na nasa tainga niya. Tumingin siya saakin. Mukhang wala parin ito sa mood.
"Stop talking to Kalisto." Asik niya. Seryoso ang tono nito at puno ng diin.
"Why? We are friends already." Sagot ko. Nag-igting ang panga niya at kumuyom ang kamay. What's his problem?
"He's a playboy. Hindi lang halata pero he is! I always saw him fooling around with other girls." Nainis naman ako sa narinig. Sinisiraan niya ba si Kalisto? They were friends for pete sake!
"Stop saying bad things about people, Ran." Hindi niya ako pinansin at padabog na isinuot ulit ang kaniyang earbuds.
"Don't say I didn't warn you." Huling sabi niya bago tumutok sakanyang cellphone. Napailing nalang ako. He's sounded like a jealous boyfriend! Ganito ba talaga siya kapag nag-aaway sila ng girlfriend niya?
Ilang minuto pa akong nakatunganga bago nakitang pabalik na sina tita Rose at Kalisto. Nang makalapit sila ay napansin ko ang kakaibang pagtingin ni Kalisto kay Ran. Ngunit mabilis itong nawala nang makita niyang nakatingin ako sakanya. Ngumiti siya saakin at kumaway.
Itinaas niya ang kanyang hawak at iniabot ito saakin. French fries?
"Tita Rose said that you love fries. So, I bought you the largest one while we wait for the food." Biglaang saad niya. Nagliwanag naman ang mga mata ko at kaagad itong kinuha!
"Omg! Thank you, Kal!" Pagpapasalamat ko. Nagkamot siya ng batok at tumingin sa paligid. Nakita ko pa si tita Rose na nakatingin saakin. Nang-aasar ang tingin nito! Umiling ako sakanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Kakagat na sana ako sa fries pero tumunog ang cellphone ko.
Kaagad ko itong kinuha at tinignan. Mayroon messages from an unknown number. Napalingon ako sa katabi ko dahil pagkabasa ko palang ng messages ay alam ko na kaagad kung kanino ito galing.
[2 new messages]
From: unknown
'I see. You ignored my warning.'
From: unknown
'Don't f*****g smile at him, Akira.'