Chapter 12

2325 Words
MAAGANG nagising si Cray para ipagluto si Ice bilang peace offering pagkatapos ay magpapaliwanag sya na wala silang relasyon ni Ashley. Miss na miss na nya ang dalaga. Isang linggo din itong hindi nya nakita, ni kumunikasyon ay wala. Napabuga sya ng hangin ng maalala ang malamig nitong pakikitungo kagabi. Ayaw nyang bumalik na naman sila sa ganon kaya gagawin nya ang lahat para kausapin lang sya ng dalaga. "Good morning Cray." Hindi nya ito ppinansin. Naiinis parin sya dito kaya ayaw nya itong pansinin. Kung hindi lang naman kasi sya nito hinalikan ay hindi magagalit ng ganon si Ice sa kanya. "Wow!" Rinig nyang sabi ni Ashley ng makalapit ito sa kanya. Hindi parin nya ito pinapansin. Pinagpatuloy nya lang ang paghahanda sa niluto nya. "Ang sarap naman nyan. Para sa akin ba 'yan? Ang sweet mo naman Cray. Sinasabi ko na ba mahal mo pa din ako eh. in-denial ka lang." Napabuga sya ng hangin saka walang emosyong tiningnan ang dalaga na nakangiti ng matamis sa kanya. "Sinabi ko na sayo kagabi na hindi kita mahal. Ano bang hindi mo maintindihan don?" Naiinis nyang ani. "I told you so, I won't give up on you. I won't give up on us." "There's no US!" May diin nyang sabi. "Wala pa. Soon baby. Soon." Napatiim-bagang sya. Konting-konti nalang talaga mapupuno na sya sa babaeng 'to. Nagpapasalamat sya ng dumating ang mga kaibigan nya. May makapagpigil na sa kanya kapag napuno sya. "Wow! Sarap naman nyan Cray. Pinge! - - aww." Hinimas-himas ni Asher ang kamay nito na tinampal nya. "Hindi para sayo 'yan." Sinamaan nya ito ng tingin. "Wag mo ng pakialaman yan Ash, para 'yan sa nililigawan nya." May panunuksong sabi ni Jace. Napailing nalang sya. "Talaga? So para sa akin talaga 'yan?" Natahimik sila ng magsalita si Ashley. Napairap naman sya. Hindi talaga sya titigilan nito. "Hindi. Para 'yan kay Ice. Kay Ice! Naintindihan mo? Ikaw ba si Ice?" Napanguso ang dalaga sa sinabi ni Kaiden. Siniko ito ni Archer. "What? Assumera eh." "Sungit." Bulong ng dalaga na narinig naman ni Kaiden. "Wag kasing assumera ng hindi ka napagsusungitan." Sagot ni Kaiden. Inirapan lang ito ni Ashley. "Good morning Ice." Bati ni Archer sa dalagang kapapasok lang. Hinanda nya ang ngiti bago bumaling sa dalaga saka ito binati. "Good morning Ice." "Quoi de bon li matin?" Malamig na sabi nito. Lahat sila ay napakunot ng noo sa sinabi ng dalaga. Hindi kasi nila maintindihan ang sinabi nito. Kahit gusto nilang magtanong ay tinikom nalang nila ang mga bibig. Sa lamig palang ng pananalita nito ay halata ng wala ito sa mood. Baka bugahan pa sila ng yelo nito. Nakatingin lang sila sa dalaga na nagtimpla ng kape pagkatapos ay umupo sa palagi nitong inuupuan. Kinuha ang tablet nito pagkatapos ay nagsimula ng magpipindot. Huminga ng malalim si Cray at kahit na malamig parin ang dalaga ay ngumiti parin sya. Hindi sya susuko. "Ice para sayo. Niluto ko 'yan." Inilapag nya ang nilutong beef stick na paborito ng dalaga. Napahinto si Ice sa pagpipindot sa tablet, tiningnan ang niluto nya. Ilang segundo nitong tinitigan ang niluto nya saka sya tiningnan. Lihim syang napalunok ng tiningnan sya nito ng walang emosyon. "I don't eat breakfast." Malamig na sabi nito saka binalik sa tablet ang atensyon nito. Biglang nawala ang ngiti na inihanda nya para rito dahil sa sinabi nito. Nong okay naman sila, kahit hindi ito kumakain ng agahan, kapag luto naman nya ay kumakain parin ito. Napabuntong-hininga nalang sya. Hindi nga pala sila okay. Ramdam nya ang titig ng mga kasama nya sa kanya. Hindi kasi alam ng mga ito na hindi sila ayos ng dalaga. Pilit na ngiti ang binalik nya sa nagtataka na may kasamang awang tingin sa kanya ng mga kaibigan. "Good morning everyone!" Sabay-sabay silang napatingin sa entrance ng kusina at nakita si Wyatt. Kilala nila ito dahil sa restaurant na pagmamay-ari nito sila palaging kumukuha ng pagkain, lalo na kapag ginagabi sila. Naningkit ang mga mata nya ng makita ang binata. Ano namang ginagawa ng asungot na 'yan dito? "Oh! Look who's here." Napatingin sila sa tinitignan ni Wyatt. Nakatingin ito kay Ashley. Nakita naman nya kung paano ito nagulat ng makita ang binata. Nagtaka tuloy sya. Magkakilala ba ang dalawa? "What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?" Singhal ni Ashley kay Wyatt. Ngumisi ito. "Sinabi ko na sayo na hindi kita type. 'Wag mo na akong susundan." "Wow!" Hindi makapaniwalang sabi ni Wyatt. "Hindi ko alam na may assumera palang nakakapasok sa bahay na 'to?" Lumapit ito sa dalaga. "Who do you think you are para sundan kita. Are you worth it?" May pang-iinsultong tanong nito. Namula sa sobrang inis si Ashley sa sinabi ni Wyatt pero taas-noo parin itong sinagot ang binata. "Kung hindi mo ako sinusundan, anong ginagawa mo sa bahay na 'to?" Taas-noong tanong nito. Parang may kuryente na nasa gitna ng tingin nila sa isa't-isa. Kulang nalang ay magbugbugan na ang dalawa. "Is this your house?" Ngising tanong nito na ikinatahimik ng dalaga. Tinalikuran na ito ng binata saka lumapit kay Ice. "Babe!" Biglang kumulo ang dugo nya ng tawagin ito ng binata ng babe. Gusto nyang suntokin ang binata ng humalik ito sa pisngi ni Ice. "What are you doing here?" Tanong ni Ice sa binata. "I have something for you." May binigay itong envelope na kulay itim na may kasamang kulay ginto. Kinuha ito ni Ice saka binuksan. Kumunot ang noo ng dalaga ng mabasa ang nasa loob. Na-curious tuloy sya kung anong laman non. "Is this a joke?" "What do you think?" Baliwalang tanong nito. Naningkit ang mga mata nya ng makitang kumuha ito ng beef stick saka kinain. "Hmm, this is good. Sinong nagluto?" "Ako. May problema ka?" Nginisihan sya nito na nakapagpainis sa kanya. "Nothing." "Wyatt!" "What?" Bumaling ito kay Ice nang tawagin sya nito. Hindi nya alam kung bakit biglang sinamaan ng tingin nito ang dalaga. "I hate you." "Aww." May pang-asar na boses nito. "Don't worry I know you don't mean it." Sabi nito saka binalik sa tablet ang atensyon. Inirapan lang ng binata ang dalaga. Hindi nya maiwasan na magselos. Jealousy is killing him. Ayaw nya na may ibang lalaki na lalapit sa dalaga, hahawak, mas lalong-lalo ng ayaw nyang may humalik dito kahit na beso lang 'yon. Pero alam nya sa sarili nya na wala syang karapatan. Hindi nya pag-aari ang dalaga. Nanliligaw palang sya at parang wala na itong balak na sagutin sya dahil sa nangyari. Pero hindi sya susuko. Over his gorgeous, hot, sexy body. Kung napaamo man nya ang dalaga noon, mapapaamo nya ulit ito ngayon. Umupo sya sa harap nina Ice at Wyatt. "Hindi mo ba sya kakausapin?" Tanong ni Wyatt sa dalaga. Kumakain lang ng tahimik ang mga kasama nya. Kahit hindi ito nagsasalita ay alam nyang nakikiramdam lang ang mga ito. Titig na titig sya sa dalawa na nag-uusap. Kahit hindi nakikita ng binata ang masama nyang tingin ay tinitignan nya parin ito ng masama. His killing Wyatt on his mind. "Maybe later." Sagot ng dalaga na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap. Si Wyatt naman ay kinakain na ang niluto nya na para sana sa dalaga. "ErotiClub. 8PM." Simpleng sabi ni Wyatt. "Okay." Napasimangot sya ng um-oo ang dalaga sa sinabi ni Wyatt. Pupunta na naman ito sa club ng hindi man lang sila ayos. Dapat na talaga nyang kausapin ang dalaga. Ayaw na nyang kinakain sya ng selos. Bahala na kung wala syang karapatan sa dalaga basta ang gusto nya maging maayos na sila. Bago pa nya matawag ang dalaga ay may pumasok na namang bisita sa kusina. "Good morning everyone." "Chief!" Unang bumati si Wyatt saka tumayo para makipag-man to man hug sa CEO. "Oh Wyatt. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng CEO. "May binigay lang kay Ice. Aalis na din ako. Hihi busog na din ako eh." Bungisngis na ani nito. "Ikaw talagang bata ka." "Mauna na ako chief." Bumaling ito kay Ice. "See you there Ice." Itinaas lang ng dalaga ang isang kamay bilang tugon. Nagpaalam din sa kanila ang binata bago umalis ng tuloyan. "Good morning CEO Finn. Napadalaw po kayo?" Tanong ni Kaiden. "Oh yeah. Sasabihin ko sana sa inyo na, total nandito na si Ice ay sya na ulit ang manager nyo. And for Ashley." Tumingin ito sa dalaga. "I know Mr. Finn." "I disagree." Napatingin silang lahat kay Ice ng magsalita ito. Nakatingin na ito sa kanila habang nakasandal sa upuan. "What do you mean Ice?" Nalilitong tanong ng matanda sa apo. "I disagree to your decision chief." "Why?" Napabuntong-hininga ito. "Gusto kong ipagpatuloy ni Ms. Tonzo ang pagiging manager nila. I have a company to handle chief. Ilang linggo na akong hindi nakakapasok." Napayuko sya sa sinabi ng dalaga. Pakiramdam nya ay kasalanan nila kaya hindi ito nakakapasok. Kung hindi dahil sa kanila ay baka hindi nagka-problema ang kompanya nito sa ibang bansa. "Napag-usapan na natin 'to Ice. Dito muna sila maninirahan habang nandito sila sa Pilipinas." "Hindi ko naman sila pinapaalis chief. They still can stay here." "Napag-usapan din natin na ikaw muna ang manager nila." "I know. At pumayag lang ako dahil on vacation ang manager nila. But now that they have an manager, why still need me? Let Ashley do the manager thing." Tumayo na ang dalaga mula sa pagkakaupo. "I have an empire to rule." Tahimik silang lahat hanggang sa maka-alis na ang dalaga. In a minute, nakarinig nalang sila ng isang sasakyan na paharurot na umalis. Napabuntong-hininga ang CEO. Sila naman ay nakayuko lang. Pabigat lang ba talaga sila sa dalaga? Pilit lang ba ang pag-asikaso nito sa kanila? Parang pinipiga ang puso nya sa masasakit na narinig mula sa dalaga. "Ashley." Tawag ni CEO Finn sa dalaga. "Sir?" "Let's talk." Sabi nito saka tumalikod at umalis. Tiningnan muna sila isa-isa ng dalaga bago ito umalis para sumunod sa CEO. Napabuga sya ng hangin saka napasandal sa inuupuan. "Cray?" Tawag sa kanya ni Jace. Napabungtong-hininga ulit sya. "We're not okay." Simpleng sabi nya. Kahit hindi ito nagsasalita ay alam nyang gustong-gustong magtanong ng mga kaibigan nya. "It's because of Ashley, right?" Napatango sya sa tanong ni Kaiden. "That brat!" May inis na ani nito. "Hey!" Saway ni Asher dito. "She's still my sister." "Yeah right." Sabi nito sabay irap. "Ano bang nangyari?" Tanong ni Jace. Tiningnan muna nya si Asher saka huminga ng malalim bago nagsimulang ikwento ang nangyari kagabi. Magkakaiba kasi silang lahat ng kwarto kaya hindi alam ng mga ito na lumalabas sya. "The f**k!" Agad na komento ni Archer ng matapos syang magkwento. "Language Archer." Saway sa kanya ni Jace. "Sorry. Nagulat lang ako eh." Nag-peace sign pa ito. "Pero seryoso, nagalit si Ice ng makita ka nyang hinalikan mo si Ashley?" Sinamaan nya ito ng tingin. "Damn man! Hindi ko nga sya hinalikan. Sya ang humalik sa akin." "Okay, okay. Easy dude. Okay, sya na ang humalik." Gusto nyang sapakin si Archer dahil tinatawanan pa sya nito. "So galit si Ice kasi nakita..." "Paulit-ulit?" May inis nyang sabi. Tumawa lang ang binata sa kabila ng masasama nyang tingin na binibigay dito. "Ito naman, high blood agad. Para nagtatanong lang." "Alam mo, isang tanong nalang bibigwasan na kita." "I surrender your majesty." Napairap nalang sya. "Anyway, kung nagalit nga si Ice dahil sa nakita nya, baka naman nagselos." "Bakit naman magseselos 'yon? Ni minsan nga hindi nya sinabi sa akin na gusto nya ako." Nakangusong sabi nya. Ilang linggo na silang magkasama ni Ice, ni minsan ay hindi man lang sinabi nito na gusto sya nito. Kahit na sinabi na nya na gusto nya si Ice ay wala naman itong sinabi pabalik. Kaya nga ginagawa nya ang lahat para magkagusto din ito sa kanya. Kaya imposible na nagselos si Ice dahil don. "Ay ang slow." Tiningnan nya ng masama si Archer. "Hindi ka pa ba gusto ni Ice sa lagay na ipinapakita nya?" Hindi sya nakasagot. "I mean, iba ang trato nya sayo. Iba sya kung tumingin sayo." "Anong ibig mong sabihing iba sya kung tumingin sa akin?" "May spark." Nag-gesture pa ito sa kamay ng spark. "Iba ka nya kung tratuhin. Nakikita namin sa mga galaw nya na importante ka sa kanya. Hindi lang naman ako ang nakakakita eh, nakikita nyo rin 'yon di ba guys?" Sabay-sabay na tumango ang tatlo. "See? Ikaw lang ata ang hindi nakakakita non eh. Dapat sa lahat ng tao, ikaw ang nakakaalam dahil ikaw ang kasama nya." Tumango ang mga kaibigan nya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Archer. "Alam ko pero," napatungo sya. Parang nahihiya sya sa susunod nyang sasabihin. "Kahit minsan hindi naman nya sinabi sa akin na gusto nya ako. Alam ko na action speaks louder than word pero mas maganda parin na may action, may word para sigurado." Napasapo sa mga noo ang mga kaibigan nya. Alam nyang nakakabakla ang pagiging torpe nya. Oo, iba nga ang trato sa kanya ng dalaga. Malambing ito at inaalagaan sya pero ni minsan ay wala itong sinabi. Ayaw man nya bigyan ng malisya ang ginagawa ng dalaga ay hindi nya maiwasan. Mahal nya ito, at natatakot sya na kapag umamin sya dito ay hindi sila tugma ng nararamdaman. Damn! Parang sasabog na ang isip nya sa kakaisip ng mga what if. Napatingin sya kay Kaiden ng tapikin nito ang balikat nya. "Gaya mo, natatakot lang din sya. Gaya mo, hinihintay nya lang din na sabihin mo na mahal mo sya. Hanggang kailan ka maghihintay? Hanggang kailan mo sya paghihintayin?" Bigla syang napaisip sa sinabi ng kaibigan. "Ikaw ang dapat unang magsabi, ikaw ang lalaki. Ang lalaki ay hindi dapat pinaghihintay ng matagal ang prinsesa nya." Napangiti sya ng may ma-realize. "Alam mo dude? Tama ka. I won't let my princess wait again." Ngumiti sya nang may pumasok na ideya sa isip. "But I need all your help." Sa gagawin ko Ice, I'll make sure you will say you love me too. I promise that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD