bc

Cray Sandoval

book_age16+
1.3K
FOLLOW
2.4K
READ
kickass heroine
boss
popstar
sweet
bxg
icy
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

CRAY SANDOVAL ay isang mahusay na mang-aawit ng grupong 'JUST FOR YOU'. Sikat ang grupo nila at talaga namang pinagkakagulohan ng mga kababaihan.

Maliban sa gwapo ito, sikat, mabait, masayahin ay may maganda at sexy itong boses. May katawan na maipagmamalaki, ang 6 packs abs nya at ang biceps nya na ang sarap pisil-pisilin.

Lahat na sa kanya na, magandang boses, magandang mukha na kinatitilian ng mga babae, mayaman, isang sikat na singer at habulin ng babae. Kung totoosin ay hindi na nya kailangang mahirapan na maghanap ng babae dahil ang mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya.

Nababansagan din syang International Playboy dahil sa mga babaeng nali-link sa kanya. Pero kahit isa sa mga don ay walang katotohanan. Friendly lang talaga sya at sadyang ginagawan lang ng ibang tao, lalo na ng mga paparazzi ang mga nakikita nila.

Paano kapag nakilala nya ang isang babae na hindi man lang tinablan ng kagwapohan nya? Ni hindi sya nito pinapansin.

Can he make ICE MIHO FINN fall in love with him?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MASAYANG nag-uusap sina Cray at ng mga kagrupo nya sa banda nilang Just For You. Nasa loob sila ng elevator pababa ng lobby dahil may meet with the fan sila para sa mga fans nila. "Pagkatapos ng fan meeting ay kakausapin daw tayo mamaya ni Manager." Jace said, isa sa mga ka-grupo nya. "Bakit daw?" Tanong ni Asher na busy sa paglalaro ng COC sa cellphone nya. Napailing nalang si Cray. Kahit kailan hindi nito mabitawan ang phone nito. Nabibitawan lang ni Asher ang cellphone nito kapag kailangan. Pero kapag wala silang ginagawa ay 'yan nalang parati ang pinagkaka-busy-han nito. "Ewan. May sasabihin daw syang mahalaga." Hindi na sila nakapagpatuloy sa pag-uusap ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa lobby na sila. Nang bumukas ito ay sinalubong agad sila ng manager nilang si Mr. Conception. "Malapit ng mag-start. Tara na." Nauna na itong maglakad at agad naman silang limang sumunod. Nang makapasok sa hall na nasa loob lang ng hotel ay agad na nagtilian ang mga babae ng makita sila. Silang lima naman ay ngumiti at kumaway. Walang halong kaplastikan. Mahal nila ang mga fans nila, dahil kung wala ang mga ito ay wala din sila sa kung saan sila ngayon. Umupo na sila sa kanya-kanya nilang upuan at nagsimula na ang meet and great with the fans nila. Nasa Pilipinas sila ngayon para sa isang concert na gaganapin sa katapusan ng buwan. Ngayon ay unang araw palang ng buwan kaya may apat na linggo pa sila para mag-rehearsal. Isa sa Pilipinas ang nakalista sa world tour list nila. Pagkatapos ng Pilipinas ay sa Italy naman ang punta nila. Nakakapagod pero masaya naman sila. Masyado nilang mahal ang trabaho nila lalo na ang pagkanta para mapagod sila. Makita lang nila na masaya ang mga fans nila ay nawawala na ang pagod nila. "So, para sa interview. Saan nyo nakuha ang inspiration nyo sa kantang 'You Are The One' na isa sa mga hits ng album nyong Heart.U? Sinong pwedeng sumagot?" Tanong ng emcee habang nakatingin sa kanilang lima. Nagkatinginan sila ng mga kaibigan nya at nagkaintidihan. Tumaas ng kamay si Kaiden at kinuha ang mic na nasa mesa. "Yes Kaiden." Hindi pa nagkakasagot si Kaiden ay bumalot na agad sa loob ng hall ang tili ng mga babae. Ngumiti ito at tumingin sa mga fans na nagtitili. "Well, thanks to our fan. Dahil sa kanila kaya kami patuloy na nakakagawa ng mga kanta. Iniisip namin na hinaharana namin sila kaya nagkakaboo kami ng magandang kanta." Pagkatapos sumagot ng binata ay mas lumakas pa ang tili sa loob ng hall. May nagsisigawan pang-'I love you Kaiden'. Tanging ngiti lang ang sagot ng binata at kaway. "Wow. Well, except sa mga Angelx nyo. May napupusuan ba kayo?" Angelx ang tawag sa mga fans nila dahil ito ang nagsisilbing anghel nila na patuloy na sumusubaybay sa kanila kahit saan. Kinuha ni Cray ang mic at ito ang sumagot. "Wala. At hindi namin kailangan ng mga girlfriend dahil nandyan naman ang aming mga Angelx na kahit kailan ay hindi kami iiwan." Naghiyawan ang mga kababaihan dahil sa sinagot nito. Ngumiti naman sya at binigyan ito ng flying kiss. Natawa sila ng biglang nagpanggap na nahimatay ang mga beke ng magpakawala sya ng flying kiss. "Ang sweet. Kinikilig ako, isa pa naman ako sa mga Angelx." Kinikilig na sabi ng emcee. Tumikhim muna ito bago nagtanong ulit. "Tanong ko lang Cray, totoo ba na nagda-date kayo ni Sweet?" Si Sweet ay isa sa mga sikat na artista na ka-edad nya lang. Marami ang nagsasabi na bagay daw sila lalo na ng makita silang dalawang magkasama na um-attend ng charity ball. Sila kasi ang magka-partner ng gabing 'yon. Umamin sa kanya ang dalaga na gusto sya nito kaso kaibigan lang ang turing nya sa dalaga. "No. We're just friends." Ngiting sagot nya. Marami sa mga fans niya ang natuwa sa sinagot nya at may iilan din naman na nanghihinayang. Aaminin nya na maganda naman talaga si Sweet pero wala syang nararamdaman para dito. Pagkatapos ng interview ay nagkaroon sila ng mini-game. Pagkatapos ng mini-game ay nagsimula na sila sa pagkausap sa mga fans nila. Nasa gitna sya at naghihintay na umupo sa harap nya ang isa sa mga babae na gustong humingi ng mga autograph nila. "Hi." Kaway nya sa isang cute na babae. Pagkatapos ay nagsimula na sya sa pagperma sa litrato nya na libre nilang pinamimigay sa mga fans nila. "Ang gwapo mo talaga Cray." Kinikilig na sabi ng babae. Napangiti naman sya at bahagyang kinurot ang pisngi nito. "Ikaw naman, ang cute mo." Impit naman itong napatili kaya napatawa sya. Pagkatapos nilang mag-usap sandali ay lumipat naman ito kay Archer na nasa tabi nya lang. May sumunod naman na babae kaya nginitian nya ito. "Para sayo Cray. Sana magustohan mo." Kinuha nya ang isang paper bag na may lamang white mittens. Nagtataka sya kung bakit sya binigyan ng mittens. Hindi pa sya nakapagtatanong ay nagsalita ulit ang babae. "May concert kasi kayo sa Japan sa december. Snow ng mga araw na 'yon kaya baka lamigin ka. So, 'yon." Nakayuko nitong sabi. Napangiti nalang sya dahil sa nag-aalala din ito sa kanya. Hinawakan nya ang baba ng babae at inangat ito upang magtama ang mga mata nila. Napangiti sya ng mamula ito. "Thank you. Pangako gagamitin ko 'to kapag nilamig ako." "T-Talaga?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito pero bakas naman ang saya sa mukha nito. Tumango sya at binigyan ito ng isang matamis na ngiti. *** ILANG ORAS din silang nakipag-usap sa mga Angelx nila bago matapos ang fan meeting nila. Naglalakad na sila patungo sa elevator na maghahatid sa suit na inuukupahan nila habang nandito sila sa Pilipinas. Nagtatawanan sila habang naglalakad. Nagkukwento kasi ng nakakatawa si Jace tungkol sa isang gay kanina na gustong-gusto daw sya nito. "Akala mo naman papayag akong makipag-date sa kanya. Brr! Over my dead hot and gorgeous body." "Ulol! Maka-hot ka dyan. Body lang, walang hot and gorgeous." "Bakit? Totoo naman ah. Inggit ka lang." Nakangising sabi ni Jace kay Asher pero tinawanan lang sya nito. Papaliko na sila sa isang pasilyo ng hindi sinasadyang makabunggo sya at nakaramdam ng malambot na bagay. Parang tumigil ng mundo nya ng ma-realize nya na isang malambot na labi pala ang nasa labi nya. Sa sobrang gulat ay hindi agad sya napabitaw sa halik. Napakalambot ng labi ng babae, parang napakasarap angkinin non ng paulit-ulit. Akmang igagalaw na nya ang labi nya ng makarinig sya ng boses. "Okay ka lang Cray?" Para syang napaso ng lumayo sya sa babae at hinarap ang mga kasama nya. Tumikhim muna sya bago sumagot. Pakiramdam nya kasi ay may nakabara sa lalamunan nya. "Yeah." Simpleng sagot nya. Nakahinga sya ng maluwag ng makitang parang hindi naman nakita ng mga ito ang nangyaring halik nila ng babae. Nang maalala ang halik ay agad syang napabaling sa kaharap nya at napalunok ng isang malamig na tingin ang sumalubong sa kanya. Wala syang makitang kahit anong emosyon sa kulay asul nitong mga mata. Sa konting minuto ay natitigan nya ang mukha nito. Her hypnotizing blue eyes, pointed nose at ang malambot at mapupulang labi nito. Napalunok sya ng maalala kung gaano kalambot ang labi nito kanina. "Sorry miss." But not totally sorry. Sabi ng isip nya. Hindi naman kasi talaga sya sorry sa paglapat ng mga labi nila kanina. That was the softest and sweetest lips that he ever tasted, so why should he be sorry. Matiim lang syang tiningnan ng babae bago tumango. Napanganga sya ng nilampasan lang sya nito. He mean, hindi man lang ba ito magre-react sa nangyaring halik? Kung ang ibang babae pa 'yon ay baka nahimatay na sa kilig. Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo naman ang sinasabi nya. He have this handsome face to die for. Na lahat ng babae ay nagkakandarapa para lang mapansin nya, pero ang babaeng nakabunggo nya ay parang wala lang. And the question is, did she know me? Napailing nalang sya. Imposible namang hindi dahil sikat na sikat sila sa buong mundo. Nagising lang sya sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang elevator. Nakarating na pala sila sa floor kung saan ang suit nila. Hindi nya namalayan dahil sa pag-iisip nya sa babaeng 'yon. Ano bang meron ang babaeng 'yon at iniisip nya ito, eh meron lang naman itong nakaka-hypnotise na mga mata at malambot na labi. Wala sa sariling napahawak sya sa labi nya. Hanggang ngayon ay nararamdaman parin nya ang malambot nitong mga labi. Nanlaki ang mga mata nya ng biglang nabuhay ang bagay na nasa gitna ng hita nya. Fuck! What happen? Bakit biglang nabuhay? Iniisip ko lang naman ang malambot nyang labi. Napamura sya ng ilang beses ng mas sumikip ang soot nyang jeans. s**t! I need a cold, cold, cold shower. Mabilis syang pumasok sa banyo para maligo at para mawala ang init ng katawan na bigla nalang nyang naramdaman. Hindi sya makapaniwalang nabuhay ang kaibigan nya dahil lang sa naisip nya ang malambot nitong labi. Iwinisik nya sa isip ang isiping 'yon at mabilis na tinapos ang pagligo. Lumabas sya sa banyo na tanging tuwalya lang ang nasa katawan nya at tanging sa baba lang ang natatakpan. Wala naman kasi syang dapat ikahiya dahil may katawan sya na maipagmamalaki at kinatitilian naman talaga ng mga kababaihan sa twing pinapakita nito ang abs at biceps nya. Pumasok sya sa kwartong inukupahan nya. Mabilis na nagbihis at lumabas ng kwarto. Sakto namang paglabas nya ay kakapasok lang ng manager nila. Umupo sya sa tabi ni Kai. Lumapit ang manager nila sa kanila at umupo sa pang-isahang upuan. "Bukas pupunta tayo sa bahay ni CEO Finn, may sasabihin daw sya." "Ano naman 'yon?" Tanong ni Archer na may gulat. Kahit pati sya at mga kasama nya ay naguguluhan. Si CEO Finn ang may-ari ng WoodBand Entertainment kung saan sila naka-kontrata at ito ang kompanya na nagpasikat sa kanila. Sa limang taon kasi nila bilang isang boyband ay ngayon lang sila pinatawag ni CEO Finn sa bahay nito. Sa bahay talaga nito! Sa WoodBand Entertainment office lang kasi nila ito nakakausap kaya nakakapagtaka talaga. "I either don't know. Basta 'yon ang sabi nya. He's expecting us to come tomorrow." Lahat naman kami ay sumang-ayon. Wala din naman kasing mawawala sa amin kung pupunta kami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook