Chapter 2

2078 Words
PUMASOK ang sinasakyan nilang SUV van sa isang magara at malaking itim na gate. Nang bumukas ito ay bumungad sa kanila ang isang mansion. Ganon nalang ka mangha ang gumuhit sa mukha nya ng makita ang isang malaking mansyon. Napaganda non. The color of the house is black and gray. Modern style, wala syang masabi sa ganda ng bahay. Malaki ang bahay nila na naipondar nya simula ng pumasok sya bilang singer. Pero walang sinabi ang bahay na ito sa bahay nya. Nang bumaba sila ay nakita nya ang apat na sasakyan na lahat ay kulay itim. Isang Ferrari La Ferrari, Porsche, Ashton Martin at sports car. Hindi na sya magtataka kung lahat 'yon ay kay CEO Finn. Napakayaman naman talaga kasi nito. Maliban sa Wood Band Entertainment ay marami pa itong negosyo. Naunang pumasok ang manager nila sa isang double door at saka sila sumunod. Kung nakakalula sa labas ay mas nakakalula sa loob. Sumalubong sa kanila ang isang magandang living room. May dalawang mahaba at dalawang pang-isahang leather sofa. There are two stairs that lead to the second floor. May mga painting sa bawat sulok ng bahay. Halata sa mga painting na mamahalin iyon. "JFY, I'm glad that you came." Napabaling sila sa hagdanan na nasa kaliwa dahil doon nanggagaling ang boses. Lahat sila ay ngumiti ng makita nila si CEO Finn na pababa ng hagdan. Kahit may kaedaran na ang CEO ay makikita mo parin ang taglay nitong kagwapohan. "CEO Finn. Good morning." Sabay-sabay nilang bati sa matanda na ngayon ay nasa harapan na nila. "Magandang umaga din. Please be seated." Itinuro nito ang mahabang sofa kaya umupo na din sila. Umupo naman ang matanda sa pang-isahang sofa. Tumikhim muna sya bago nagtanong kay CEO Finn. "Bakit nyo po kami pinatawag CEO Finn?" Ngumiti naman ang matanda at tinitigan sila isa-isa bago sinagot ang tanong nya. "Well, nabalitaan ko kasi na dito kayo sa Pilipinas ng isang buwan para sa concert nyo. Sa hotel kayo tumutuloy, right?" "Yes CEO Finn." Sagot ng manager nila. Tumango-tango naman ang matanda at nagpatuloy sa pagsasalita. "So I suggest na dito nalang kayo tumuloy sa bahay na 'to, for one month, habang nandito kayo. Mas mabuti na 'yon para makatipid kayo at may malaki kayong space, kaysa naman sa nagsisiksikan kayo sa hotel." Napanganga sila, lalo na sya sa sinabi ni CEO Finn. Halata sa mukha nila ang gulat pero ang matanda ay nakangiti lang ng matamis. Sa loob ng limang taon nila sa entertainment ay ngayon lang nag-offer si CEO Finn na sa bahay muna nito sila tumuloy, kaya naman gulat na gulat talaga sila. "Sigurado ba kayo CEO Finn?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Archer. Tumango naman ang matanda at itinaas ang isang daliri ng may maalala ito. "And oh, may pansamantalang mag-aalaga sa inyo." "Ho?" "Yes. As you see, I gave Mr. Conception a one month vacation." Napatingin sila sa manager nila na nagtatanong dahil hindi nila alam na magli-live pala ang manager nila. Imbis na magsalita ang manager nila ay nagkibit-balikat lang ito. "Pero paano ang concert namin CEO Finn? Sinong maglo-look up non?" "'Yon na nga ang sinasabi ko, may pansamantalang mag-aalaga sa inyo. Don't worry, she's good." Magtatanong na sana sya ng marinig nya ang she, ibig sabihin ay babae ang papalit pansamantala sa manager nila. Baka naman hindi nito magawa ang trabaho ng mabuti dahil baka ma-distract ito sa kanila. Napatingin sila sa hagdanan ng may boses na nanggaling don. "Chief, what are you doing here?" Ganon nalang ang gulat nya ng makita ang nagmamay-ari ng malamig na boses. Palihim syang napalunok ng makita ang simple nitong soot. Naka-plain black T-shirt at faded jeans lang ito, naka-messy bun pa ang buhok nito. Pero kahit simple lang ito manamit ay napakaganda parin nito. Nang magsalubong ang mga mata nila ay ni wala man lang syang nakitang bahid ng gulat. Wala at ang malamig na mga mata ang sumalubong sa mga titig nya. Ganon nalang ang pagtataka nya ng biglang tumibok ng hindi normal ang puso nya. What the hell is happening to me? Ilang minuto din silang nagtitigan bago ito lumapit kay CEO Finn at humalik sa pisngi. "Meet them Ice. This is Mr. Conception, the manager of JFY band. That is Archer Davis, Kaiden Miller , Jace Willson , Asher Moore , and Cray Sandoval." Turo sa kanila isa-isa ni CEO Finn. Tanging tango lang ang sinagot nito at hindi parin nagbabago ang blanko nitong mukha. "And this is my only granddaughter, Ice Miho Finn." Laglag panga sya ng marinig ang sinabi ni CEO Finn. s**t! Ilang ulit syang napamura sa isip nya dahil sa narinig. Ibig sabihin, apo ni CEO Finn ang aksidente nyang nahalikan. Tignan mo nga naman ang mundo, napakaliit. Alam nya na may apo ang CEO pero kahit kailan ay hindi nya pa ito nakikilala dahil ni minsan ay hindi naman ito dumalaw sa WB entertainment building kaya hindi nya alam kung anong itsura ng apo nito. Napakuyom sya ng kamao ng makita kung paano ngumiti ang mga kaibigan nya sa dalaga. Hindi nya alam kung bakit naiinis sya, ayaw nya ng may ngumingiti o nang-aakit sa dalaga. Parang gusto nyang suntukin ang mukha ng mga kaibigan nya pero pinigilan nya lang. "Sya ang pansamantalang mag-aalaga sa inyo." Umawang ang labi nya sa sinabi ng matanda. Akala nya ay ang sinabi nito kanina ang gumulat na sa kanya, hindi nya alam na may mas ikakagulat pa pala itong sasabihin. Baka naman may sumunod pa itong sasabihin na mas nakakagulat. "What are you saying Chief?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Nagsalubong ang kilay at halata sa mukha ng dalaga na nagugulohan ito. "Dito muna sila sa bahay mo habang nandito sila sa Pinas para sa world tour concert nila. Isang buwan lang naman apo. Please?" Biglang nanlambot ang ekspresyon ng mukha ng dalaga ng mag-please ang matanda. Bumuntong hininga ang dalaga. "Fine. Just for a month." "Thanks Ice." Tumango lang ang dalaga bilang tugon. Bumaling sa kanila si CEO Finn na may matagumpay na ngiti. "Si Ice muna ang bahala sa inyo. Sya muna ang sasama sa inyong mga gathering at rehearsal habang nandito kayo sa Pilipinas." Tumango-tango naman ang mga kasama nya bilang pagsang-ayon. Okay lang sa mga kasama nya ang sitwasyon na binibigay ng CEO nila. Pero mukhang sya ay medyo hindi. Dahil siguro sa aksidenteng halik na nangyari kahapon lang. He still can remember the feeling when her lips on his. It's was so soft and sweet. Parang gusto nya ulit maramdaman ang malambot nitong mga labi sa labi nya. Naiiling-iling sya sa naisip iya. He can't do that. She's the granddaughter of CEO Finn. Malaki ang utang na loob nya sa matanda. He need to respect it. Napatingin sya sa katabi nyang si Asher ng sikuhin sya nito. Sinenyasan sya nito at itinuro ang CEO gamit ang mga mata. Bumaling sya sa CEO at nakatingin ito sa kanya. "Ho?" "Tinatanong kita kung okay lang ba sayo na dito muna kayo pansamantala?" Napatingin sya sa dalaga at napalunok ng nakatingin ito sa kanya ng malamig. Mukhang naghihintay din ito sa sagot nya. "Okay lang naman po CEO Finn. It such an honor to stay here at your house." Napatango-tango ang matanda sa tinugon nya at ngumiti ng makahulugan kaya napakunot noo sya. Anong ibig sabihin ng ngiting 'yon? "This is not my house. It's Ice." Gulat syang napatingin sa dalaga na wala paring emosyon habang nakatayo sa tabi ng lolo nya. Ibig sabihin sa dalaga ang malaking mansyon. "I have to go chief. Magkikita pa kami nina Zaver." "Anong oras ka uuwi?" Nagkibit-balikat ang dalaga. "I don't know." "Okay. Ingat ka." "I will." Humalik ang dalaga sa pisngi ni CEO Finn at umalis na. Mas kumonot ang noo nya. Who the f**k is Zaver? Boyfriend nya ba ang Zaver na 'yon? I need to know. Cause the time that her lips crash on mine, she's already mine. Kahit may boyfriend na sya ay wala akong pakialam. Basta akin ka Ice Finn! *** PANAHARUROT ni Ice ang Aston Martin nya papunta sa tambayan nila ng barkada nya. Napailing sya ng maalala ang mukha ng binata. May maliit na ngiti ang kumawala sa labi nya ng maalala ang gwapo nitong mukha. Napahawak sya sa labi nya. She still can remember his lips. Ito ang unang beses na nakaramdam sya ng ganito. Ano ba ang meron ang binatang 'yon at laging gumugulo sa isipan nya. Pumasok sya sa isang village at pinarada ito sa isang itim na bahay. Nang makaparada na sya ay bumaba at pumasok sya sa bahay. Bumungad sa kanya ang mga kaibigan nya na nagtatalo. "Sabi ng sa Hot Club eh." Angal ni Wyatt na nakaupo sa mahabang sofa habang may hawak na isang bote ng beer. "Mas maganda nga kasi sa Innosex." Segunda naman ni Dylan na kaharap lang ni Wyatt. "Mas maraming chicks sa HC kaysa sa Innosex." "Kung chicks lang pala ang pag-uusapan, mas marami sa Innosex. Pangalan palang ng bar alam mo na." Dumiretso sya sa mini bar na malapit lang sa pwesto ng dalawang binatang nagtatalo. Umupo sya sa stool at humarap sa counter. "What's yours madam?" "Whiskey please." "One whiskey, coming up madam." Napailing nalang sya sa inasta ni Zaver. Hindi nya alam kung ano ba talaga ang gusto nito. Minsan gusto maging bartender dahil cool daw tignan habang nagmi-mix ng mga inumin. Minsan naman gusto maging chef. Pero lahat ng gusto nya ay nauwi lang sa pagiging businessman. Ito lang kasi ang tagapagmana ng mga Balley kaya wala syang magawa kundi ang sundin at hawakan ang kompanya ng mga magulang nya. "Anong problema ng dalawang 'yan?" Turo nya kay Wyatt at Dylan na hindi parin natatapos sa pagbabangayan. Tinungga muna ni Aiden ang martini nya bago sumagot. "Nagtatalo sila kung saan daw tayo magba-bar next week." "Mga baliw ang mga 'yan." Dagdag naman ni Bolt. Napairap nalang sya. Nagsalita ang hindi. "Here's your whiskey madam." Kinuha nya ito at iniisang lagok lang pagkatapos ay sumenyas kay Zaver ng isa pa. "Spill it." Hindi sya lumingon kay Aiden. Kahit 'yon lang ang sinabi ng binata ay alam nya kung anong ibig nitong sabihin. Alam na alam na nila kapag may problema ang isa sa kanila. Simula pa kasi bata ay magka-kaibigan na sila. Matalik na magkaibigan at business partner ang mga magulang nila kaya ganon din ang nangyari sa kanilang anim. Sa kanilang anim ay sya lang ang babae kaya naman alagang-alaga sya ng mga ito. Minsan napapairap nalang sya sa ka-oa-han ng lima. Simula ng magdalaga sya ay hindi pa sya nagkaka-boyfriend dahil sa lima. May magtatangka palang manligaw sa kanya ay tinatakot na ng mga ito. Pero kahit hindi nila 'yon ginawa ay hindi din naman sya papasok sa isang relasyon. Masyado syang tutok sa pag-aaral noon, ngayon naman ay tutok sya sa naiwang business ng mga magulang nya. 20 years old palang sya ay namatay na ang mga magulang nya, kaya sa murang edad ay sya na ang nagpapatakbo nito. Ang lolo naman nya o mas tinatawag nilang Chief ay sa entertainment company lang ito nagtatrabaho. Kung sya lang ang masusunod ay ayaw na nya itong magtrabaho dahil may edad na ito pero sadyang matigas ang ulo ng lolo nya. Ayaw nyang iwan ang Wood Band Entertainment dahil 'yon nalang daw ang pagkakaabalahan nya. Kaya hindi nalang sya nagpilit. "Problema?" Hindi nya namalayan na umupo na pala nya sa harap si Zaver at seryosong nakatingin sa kanya. Hindi na ito ang Zaver kanina na bartender, ito na ang Zaver na kaibigan nya na karamay sa hirap at ginhawa. Sa lalim ng pag-iisip nya ay hindi din nya namalayan na nasa tabi na din nya sina Wyatt at Dylan. Kung magkatabi ang dalawa 'kala mo walang bangayan na nangyari kanina. "There are five men that will living at my house for one month." Sagot nya sa mga ito ng hindi nakatingin sa kanila. "And who the f**k are they?" "The Just For You band. Chief want me to handle them for the meantime." Napatingin sya sa mga kaibigan nya ng wala syang narinig na reaction. Nagkatinginan lang ang limang binata na parang nag-uusap gamit ang mga tingin nila sa isa't-isa. Hindi nalang nya pinansin ang lima nyang kaibigan na mga baliw at nakatutok lamang sa hawak nyang baso na may lamang whiskey. Simula bukas ay makakasama na nya pansamantala ang binata sa bahay nito. The man who stole her first kiss, accidentally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD