bc

Oplan finding

book_age4+
8
FOLLOW
1K
READ
others
family
drama
comedy
campus
highschool
friendship
secrets
school
sisters
like
intro-logo
Blurb

Ang tanging gusto lang nila ay mahanap ang Ina. Saan kaya hahantong ang pinaplano nila na tinawag na... Oplan Finding. Marami silang makikilala sa gitna ng mga problema nila. Sila ba ay mabuti o may ibang hangarin?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula "Kanan o... Kaliwa?" Tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung saan ako dadaan. Kung sa kana ba o sa kaliwa. Mahirap talagang pumili mas lalo ngayon na nasa sitwasyon ako ng kagipitan. "Mini-mini may ni mo. Saan nga ba ako dadaan? Dito..." Turo sa kanan. "O... Dito to?" Turo ko naman sa kaliwa. Bahag kong nasapo ang noo nang napagtantong para akong sira. "Okay. Ayos pa naman ako." Na palinga ako sa likod ko saka ko ibinalik ang tingin sa harap. "Nawa'y nasa tamang daan ako." Mahigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko. Huminga ako ng malalim. Bahala na. Sabi nga nila. Piliin ninyo ang tamang landas, kaya... i guess naman na tama ang disesyon ko na sa kanan ako dadaan. Kumaripas na ako ng takbo ng may mga tinig at yapag akong narinig. Oh--my goodness naman! Sabing sa kanan e! bakit dito ako dinala ng mga paa ko? "Tignan n'yong mabuti. Hindi pa 'yon nakakalayo." Dinig ko mula sa isa sa mga humahabol sa akin. "D'yan kayo sa kaliwa dito naman kami sa kanan." Mukhang nahati sila sa dalawang grupo. Dahil sa takot na maabutan ako ng mga humahabol sa akin. Agad akong nagtago sa basurahan. No choice ako e. Alam kong bad idea to pero ayaw ko naman na maabutan ako ng mga humahabol sa akin. Dinig ko ang mga yapag nila na padaan. Tudo din ang dasal ko na hindi nila ako makita dito sa pinagtataguan ko. Malay ko bang mapapasama lang ang pagdaan ko dun! Malay ko talaga! Grabe naman ang sinapit ko. Lumabas na ako mula sa loob ng basurahan ng makadaan na sila. Nagpagpag ako ng damit kahit alam kong hindi ko naman basta malilinis ang damit ko na amoy basura. Patakbo akong bumalik dun sa daan na pinanggalingan ko at sa mabuting kapalaran walang tao. Maliban nalang sa isang babae? Oh--my gosh! Ngayon ko lang naalala yung kwento nila. Usap usapan kasi sa amin na meron daw gumagala dito. Dito sa purok dos. Babaeng naka-itim. Nakakapagtaka bakit naka-itim? Bakit hindi nakaputi? Baka black lady at hindi white lady ang gumagala dito?! Why naman ang malas ko! Nawa'y makauwi pa ako ng maayos at matino. Para akong nasa tv, parang ako yung bida na sobrang minalas. Ang una yung may dalawang babae na nag-aaway. Mukhang inaahas ang asawa niya kaya sumugod siya dun sa kapit-bahay niya na kabit ng asawa niya. Ang nakakaluka pa ay yung pagkamalang akong anak nung kabit. E paano nakauniform ako tsaka alam kong wala akong Ina pero tama bang e sali ako sa g**o nila. Paano ba naman, sinabunutan ako nung babae dahil sa napagkamalan niya akong anak nung kabit ng asawa niya. My gosh naman! Pangalawa, ay yung pagkamalan akong anak nung magnanakaw. Paano nga ba!? E ibinigay sa akin nung lalaki yung bag saka siya kumaripas ng takbo. Na bigla nalang ako ng may humila ng buhok ko. Sinabunutan ako nung may-ari ng bag kaya dahil sa inis sinabunutan ko din yung babae. Sabi nga nila, lintik lang ang walang ganti. Sa pagkakaalam ko napagkamalan ako nung magnanakaw na lalaki na ako yung kasama niyang babae. Sa hindi kalayuan kasi ay nag-aabang yung babae pero dahil sa taranta yung lalaki sa akin niya naibigay yung bag. Pangatlo, ay yung may nasaksihan akong karumaldumal na pangyayari. Nasaksihan ko kung paanong pagtulungan ng mga grupo ng lalaki ang isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay bugbug sarado. Matapos na pagtulungan yung kawawang lalaki, bumunot ng b***l yung isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya yung may pakana ng lahat. Sa isang iglap naliligo na sa sariling dugo yung lalaki. Wala nang buhay yung lalaki pero patuloy na pinagbabaril siya nung lalaki. Sa pagkakaalam ko, mukhang sobra-sobra ang galit sa kanya nung lalaki. E grabe naman kasi ang ginawa sa kanya. Grabe talaga. At ang malala pa ay yung pagkamalan akong anak nung lalaki kaya daw ako sumunod. Kaya a'yun hinahunting nila ako. Napakaswerte ko naman, ilang beses napagkamalan. Hindi pa pwedeng napadaan lang?! Grabe sila sa akin. Makakauwi pa ba ako ng maayos at nasa tamang pag-iisip? Eh ano naman kaya ang ganap?! Siguro pagkakaalam din ako nitong black lady na kalaban niya ako or kauri? Baka nga pagkamalan niya akong white lady ng taon?! Baka mamaya sa back lady na'to ako nakatadhana na mamatay! Huwag naman sana. Tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ka narito?" Seryosong tanong niya. Kinalibutan ako dahil sa napakaseryoso niya. Bigla nalang akong may naalala. Sa tv kasi ganito lagi yung tanong sa mga na pagnapadpad sa lugar ng mga nakakatakot na nilalang, tulad niya. Katakot siya. "Titignan mo lang ba ako?" Muli niyang tanong. Lumingon ako sa paligid kung may ibang tao. Incase na mapasama ako sa black lady na'to! Hihingi na ako ng tulong. "Naliligaw kaba---ay este ako naliligaw." Huhuhu. Sana naman wala siyang balak na tsugihin ako. Humakbang siya papalapit sa akin kaya nataranta ako. Umaatras ako. Malay ko kung anong balak niya e hindi naman niya sinabi. "Don't move." Madiin niyang sabi. Dahil sa takot ko hindi na ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Oh my heart naman. Mukhang goodbye philippines na. Huminto siya sa harapan ko. Masyado ba akong cute para tignan nang ganito? Hehe. Bigla akong nagulat ng hawakan niya ang iba bang baba ko para suruin ang buong mukha ko. Ano bang problema nang isang 'to!? "Bakit?" Tanging nasabi ko habang nasa baba ko parin yung kamay niya. Inalis niya din ang kamay niya saka siya lumayo ng kaunti. "What is you're name?" Tanong niya. Wow naman. Interesado siya. Grabe kasi ang pag kacute ko eh! Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Lanah." "Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko pabalik. Panay ang buntong hininga niya. Nagdadalawang isip ata siya kung sasabihin niya ba ang pangalan niya or hindi. Unfair kung hindi niya sasabihin ang pangalan niya. Syempre ako sinabi tapos siya hindi, unfair talaga 'yun. "Jade." Akala ko hindi na talaga niya sasabihin ang pangalan niya. Sasabihin ko sana na masyado siyang pa misteryoso. Tumalikod siya sa akin at tinanggal niya yung hood niya. Tinanggal niya din ang ponytail sa buhok niya kaya lumugay ang mahaba at itim niyang buhok. "Naks naman! Haba ng hair. Nag-rejoice kaba girl?" Ginaya ko yung napanood kung commercial ng rejoice sa tv. Laglag ang panga ko ng humarap siya sa akin. Okay... Mukhang binababangot ako. Kailangan kung magising ngayon na! Totoo ba tong nakikita ko? Or baka nanaginip ako o kaya namamalikmata ako? Oh my naman! Kinusot ko ng makailang beses ang mata ko. Walang oras akong inaksaya at sinampal ko nang pagkalakas lakas ang mukha dahilan para mapa-aray ko dahil sa sakit. Ngayon nagsisi na ako bakit ko pa sinampal ang sarili ko. "Hey, what are you're doing to you're self?" Akto siyang lalapit ng sinenyasan ko siyang huwag lalapit. "Ayos lang ako." Sabi ko. "Huwag kang mag-alala okay lang talaga ako." Tumalikod ako sandali bago humarap sa kanya. "Nagparetoke kaba?" Walang paligoy-ligoy kong tanong. "I'm not." Pinusod niyang muli ang buhok niya at ibinalik niya sa dati ang ayos nang hood niya. Pero pa anong... Bakit? Hayst! Ang g**o, nakakalito. Ano ba naman ang sinapit ko sa gabing 'to! Mukhang hindi ako papatulugin sa mga nangyari sa akin ngayon gabi. "Sinong nanay at tatay mo?" Tanong kong muli. "That's a private." Okay, mukhang ayaw sabihin. Magtatanong pa sana ako ng bigla nalang may sumulpot na mga--anak ng mga putik! Nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakalayo dito. "Ikaw! Sumama kana kung ayaw mong masaktan." Akamang lalapit sila ng magsalita si Jade. "Bakit siya samasama?" Tanong niya sa kanila. "Sino ka naman?" Natatawang sabi nung lalaki na humahabol sa akin. "Ano nagtawag ka nang kasama mo?" Baling niya sa akin. "Hay naku, hindi ko siya kasama. Nag kasalubong lang kami." Sagot ko. Dumura yung lalaki sa sahig. "Pinagluluko mo ba kami?! Kasama mo 'man 'yan o hindi, damay 'yan. Saka wala ding silbi kahit lumaban kayo. Kaya kung ako sa'yo ineng sumama kana, kakausapin ka lang ni Boss. Mabait naman 'yun e---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang sinuntok siya ni Jade. A'yun! tumba ang luko. "Isa isa lang." Sabi ni Jade at sinenyasan niyang isa lang ang pwedeng lumaban muna. Dahil sa tanyag akong walang inuurungan a'yun nakisali na rin ako. Ako naman yung pakay nila kaya kailangan ko din ng warm out kahit... ngayon lang. "Jade, sa'yo yung kambing." Sabay turo ko dun sa lalaking may balbas. "Sinong kambing?" Galit na tanong nung lalaki sa akin. Hay naku! Hindi niya tanggap kung sino siya. "Anong sa'yo ang pinagsasabi mo?! Baka sa'yo!" Inis niyang sabi saka niya ako tinulak. "Ay wow! Na gets mo ang sinabi ko?!" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Ayos ka din." Saka nag thumb ups. Napakaayos kausap. "Tsk." "Tsk." Panggagaya ko sa kanya. "Sugod na kayong lahat." Sabi ni Jade na siyang ikinagulat ko. Akala ko ba one o one lang?! E, bakit parang masyado siyang matapang kaya lahat sila ay pinapasugod niya. "Wew, what a brave woman?" Tanging nasabi ko bago sinipa sa mukha yung lalaking sumugod. "Haya!!" Sigaw ko saka ko sinuntok yung isa. Nangingkit ang mata ko ng makita kung may inilabas na kutsilyo yung isa. Naglakad siya papunta kay Jade na nakatalikod dahilan kaya hindi niya alam na may susugod sa kanya. Dahil sa nakatalikod din sa akin yung lalaki agad ko siyang sinipa sa likod kaya nasubsob siya at nabitawan niya ang kutsilyo palayo sa kanya. Kinuha ko ang pagkakataon na hindi niya hawak ang kutsilyo at sinugod ko siya ng suntok hanggang tumba siya sa sahig at walang malay. Mabigat pa naman ang kamay ko. Kaya kapag may sinampal ako namamanhid ang mukha nila dahil sa parang bakal kong kamao. Edi mas lala kung suntok ang aabutin nila sa akin, paniguradong wala silang malay. Matapos ang naganap na rambol isinama ako ni Jade sa bahay niya. Kinalibutan ako ng makita ko kung na saan kami. Kung saan niya ako dinala. Nandito kami sa tapat ng itim at malaking bahay na na-sisinagan ng buwan. "B-bahay m-mo 'yan?" Nanginginig kong tinuro yung sinasabi niyang bahay niya. Kulang nalang kasi ng mga usok para magmukhang hunted house ang sinabi niyang bahay niya. It's creepy. And this girl is creepy. Mali ata ang pagsama ko sa kanya. "What the problem?" Tanong niya habang kinakalikot niya ang padlock. "A-ano?! Ah, e k-kasi---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya. "Come in." Bumuntong hininga nalang ako saka sumunod sa kanya. Tanging mga lamp shades ang nagbibigay ilaw sa dinadaan namin. May mga bulaklak kaming nadadaan, e ang kaso mukhang palanta na. Sa dika layuan, may isang malaking puno na lagas ang lahat ng dahon. Sa tabi ng puno ay may apat na swing, dalawa sa kaliwa at dalawa sa kanan. Pagkabukas ni Jade ng pinto isang aso ang tumambad sa amin. Umatras ako ng papalapit sa akin yung aso. "A-aso a-alis!" Pagtataboy ko sa aso palayo sa akin. May phobia pa naman ako sa mga hayop at insekto. Pero kadalasan na kinakatakutan ko ay ang mga aso na nadadaan ko sa mga daan. "Hindi 'yan nanakit." Sabi ni Jade. Bumigat ang paghinga ko sa sunod niyang sinabi. "Pero... Nangangagat." Tumakbo ako kay Jade at nagtago sa likod niya. Halos mahilo si Jade sa bawat pag-ikot ko ay siyang pag-ikot niya dahil sa pagtatago ko sa likod niya para hindi ako malapitan ng aso niya. Panay ang lapit nung aso sa akin. Napilitan na patigilin ni Jade yung aso sa paglapit sa akin dahil sa ginawa ko. Nagpahilot siya sa sentido niya dahil sa pagkahilo. Di bali kasalanan naman ng aso niya 'yun, kaya siya nahilo. Hehe. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang may narinig akong sigaw mula sa labas ng bahay ni Jade. Tumayo si Jade at lumapit sa bintana para tignan kung sino ang babaeng 'yun! Naglakad ako sa kinaroroonan ni Jade para maki-usyoso. Kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko makita ng maayos yung babae. Paano ang layo namin sa gate kaya hindi namin makita yung babae. "May tao ba dito? Please help me!" Sigaw niya. Kinalabit ko si Jade na seryosong tinitignan yung babae. "Please help me! Kailangan ko ng tulong!" Muling sigaw nung babae. "Mukhang malaki ang pangangailangan niya. Puntahan natin." Pakiusap ko kay Jade. Bumuntong hininga siya bago buksan yung pinto. Sumunod ako sa kanya na mabilis ang lakas kaya napilitan akong tumakbo hanggang mapantayan ko siya sa paglalakad. "Miss, help me! Kailangan ko ng tulong niyo!" Natuptop ko ang bibig ko dahil sa hitsura ng babae. "H-halloween na ba?" Naibulalas ko dahil sa suot niya na puting dress pero may mga bahid ng dugo. Pero pareho-pareho kaming natigilan ng makita namin ang mga hitsura namin. May salamin ata sa harap ko. Bigla nalang sumakit ang ulo ko. Eto ata ang epekto ng kulang sa kain at tulog. "T-totoo b-bato?" Bigla nalang akong napabalik sa katinuan dahil sa sinabi niya. "Huh?" Anong pinagsasabi niya. "I-i mean. K-kayo... para k-kasing nananaginip ako!" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Kami tao." Pamimilosopo ko. "Anong pangalan mo?" Tanong ni Jade. Ngayon na kay Jade ang tingin niya. Tinanggal kanina ni Jade yung jacket niyang may hood kaya kita ang mukha ni Jade. "My name is Jovielyn. For short Jovie." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Jade pero si ateng misteryoso, a'yun! Tiningnan niya lang ang kamay ni Jovie. Kaya nahihiyang tumingin sa amin si Jovie. "Bakit?" Seryosong tanong ni Jade kay Jovie. Naguluhan si Jovie dahil sa tanong ni Jade. Ako din naguluhan kung anong ibig sabihin niya ng bakit. Dahil sa naguguluhan si Jovie diretsahang tinanong ni Jade si Jovie. "Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Tanong ni Jade. Bigla nalang nagbago ang hitsura ni Jovie. Naluluha siyang yumuko at pinipigilan ang paghagulgol. "A-ang--" Hirap niyang dugtungan ang sinabi niya. "D-addy... k-ko." Tuluyan na siyang humagulgol. "Daddy mo?" Tanong ko na siyang ikinatango niya habang patuloy na umiiyak. Lumingon sa paligid si Jade saka niya nilapitan si Jovie at hinawakan sa balikat. "Where is you're Daddy?" Tanong niya. Pinunasan ni Jovie ang mukha niya gamit ang kamay niya. Okay, hindi uso sa kanya ang tissue or kahit manlang panyo. Kawawa naman kamay nalang niya na ginamit pangpunas. "Follow me." Mukhang gumaan nang kahit na paano ang pakiramdam ni Jovie. Sinundan namin siya hanggang sa... "What the---sigurado kang dito?" Tanong ko kay Jovie habang nakadungaw sa matarik na bangin. Kaya pala duguan ang damit niya pati ang noo niya at mga binti. Nakuha niya pala i'yun dahil sa aksidente at sa mga batong nakakasugat dito sa bangin. Ang lugar na'to ay halos hindi dinadaan dahil sa matarik na bangin. Madilim ang parteng eto dahilan kaya maraming aksidente ang nangyayari dito. Kadalasan sa gabi o kaya tag-ulan ang mga pangyayari ng aksidente. Dito din ang kadalasan pinupuntahan ng mga luko-luko, adik, fraternity, gangster at kung anu-ano pang kasamaan na kung saan hindi malalaman ng kahit na sino. Kaya nagtataka nga ako dahil sa lugar na'to tanging bahay lang ni Jade ang nandito. Halatang gustong mapag-isa at ayaw ng kasama. "Wait me here." Sabi ni Jade at umalis siya at hindi ko alam kung saan ang punta niya. Bumalik sa pag-iyak si Jovie habang naka-upo na sahig habang umiiyak. "Nung iniwan mo ang Daddy mo huminga pa ba siya?" Tanong ko. Kasi kung hindi na nga huminga ang Daddy niya paniguradong walang silbi kahit na nakahingi siya ng tulong. "S-sa tingin k-ko buhay si Daddy. But, malala ang sinapit ni Daddy. Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi siya pwedeng mawala! Hindi niya pwedeng iwan ko!! Hindi ko kayang mag-isa." Mas lalo siyang humagulgol. Puro hindi, hindi, hindi, ang sinabi niya. "Huwag kang umiyak, hindi pa naman patay ng Daddy mo. Sabi mo nga, buhay pa ang Daddy mo. So don't cry, iniiyakan mo ang taong hindi pa naman patay. Be brave for you're Daddy. Ayos lang mag-alala." Tinapik ko ang balikat niya. May naririnig akong yapag ng kung ano kaya dahil sa curiousity lumingon ako sa pinaggagalingan ng yapag. Nagkasalubong ang kilay ko ng makita kung naka sakay sa kabayo si Jade. Anong pumasok sa utak ng babaeng 'to! nakuha pa niyang mag ride horse. "Petrang kabayo." Natatawang sabi ko ng maalala ko ang isang movie ni Vice Ganda na naging kabayo siya. Tumayo si Jovie mula sa pagkakaupo niya sa sahig ng makita niya si Jade. "Lanah, used this boots." Nagtataka man ako bakit pinapagamit niya sa akin nag bota ay ginawa ko parin ang sinabi niya. "Susuong ba ako sa baha? Bakit kailangan kong mag bota?" Tanong ko sa kanya. "Sakay." Tinapik niya ang bakanteng likod niya para dun umupo. Umiling ako. "That's a bad idea, Jade. Ayaw ko pang mamatay." Tanggi ko. Lumapit si Jovie kay Jade. "Me. Ako nalang ang sasakay. My Daddy need me." Pakiusap niya. Umiling si Jade. "No. Hindi pwede. May sugat ka. Dito ka nalang." Magpapapumilit sana si Jovie pero puro iling lang at sabi no si Jade kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Jade. "Lanah, sakay na sabi." Inis niyang sabi. "Ayaw ko." Sabay iling. "Baka bigla nalang akong ihulog niyang kabayo mo. Mababangis pa naman ang mga alaga mo. Kaya No way." Tangi ko, pinag cross ko ang braso ko sa aking bandang dibdib. Lumapit sa akin si Jovie na may malungkot na mga mata. Bakas sa kanya ang sakit, lungkot ang hinagpis dahil sa kanyang Ama. Parang tinunaw ang puso ko dahil sa sinapit niya. Sinapit nilang mag ama. Nagpakawala mo na ako ng hangin. "Fine." Saka ako sumakay sa kabayo. "Pag ako hinulog netong kabayo mo---putikkk!!" Nabigla ako ng bigla niyang pinaandar ang kabayo niya pababa ng bangin. Dahil sa takot ko hindi ko namalayan na sasabunutan ko na siya. "Damn it! My hair!" Daing niya. "Sorry ka nalang." Sabi ko. Nang marating namin ang kinaroroonan ng sasakyan nila Jovie agad akong bumaba ganu'n din ang ginawa ni Jade. "Damn it!" Nilingon ko si Jade na sinusubukan buksan ang pinto ng kotse. "Ako nga." Dahil sa may bigla nalang pumasok na idea sa utak ko, lumayo ako sa pinto at umayos ng tayo. Itinaas ko ang kamay ko saka sabing. "Abracadabra... bumukas ka!Abracadabra... Ikaw pinto, bumukas ka!" Rinig ko ang pagpipigil na tawa ni Jade sa gilid kaya tinigilan ko na ang pag a-abracadabra. "Buksan muna nga!" Inis kong sabi umiling-iling pa siya bago buksan ang pinto ng kotse. "Kitam!" Tuwang tuwa kong sabi habang nakaturo sa pinto na binuksan ni Jade. "Bumukas!" Napapalakpak nalang ako dahil mukhang effective ang sinabi ko. "Bumukas dahil binuksan ko." Giit ni Jade. "Hindi. Effective talaga eh!" Pagpapapumulit ko. "No. Acting yung kanina na hindi ko mabuksan yung pinto. Kaya walang kwenta yung abracadabra mo." Mapang-asar niyang sabi. Napasimangot nalang ako. Matapos namin maialis sa kotse yung Daddy ni Jovie dahan dahan naming isinakay sa kabayo yung Daddy niya. Tagalan kami sa pagakyat dahil sa mga bato na nakakasugat. Nasa unahan si Jade para iguide yung kabayo niya, habang ako ay nasa gilid naka alalay kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Pagkadating namin sa taas, agad na lumapit si Jovie sa Daddy niya na nakasakay sa kabayo. Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako. All of my life my want is a complete family, tulad nang mga nakikita kong kompleto at masayang pamilya. Kadalasan kaya ako laging nasasangkot sa g**o ay dahil sa wala akong mga magulang... wala akong Ina at Ama para alalayan at tulungan ako kapag may problema ako. Ina at Ama, na laging magsasabi sa akin ng dapat kong gawin. Ina't Ama na laging uuwian ko at pagsasabihan ng mga sama ng loob, magulang na laging nand'yan para sa akin. Mga magulang na kukumpleto sa kulang kung pagkatao. Sila ang kulang sa akin... Sila ang puzzle na kukumpleto sa buhay kong hindi pa ganap na buo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook