CHAPTER ONE
TEASER
CHAPTER ONE
Tahimik ang sala matapos nilang mapanood ang balita. Pero ang katahimikang iyon ay biglang nabasag ng paghagulgol. Nanginig ang buong katawan ni Leah habang hawak ang remote. Unti-unting lumabo ang paningin niya hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili.
“Anak ko…” basag ang boses niya. “Alejandra…” Napaupo siya sa sofa, halos mawalan ng lakas. Yakap niya ang sarili niya habang umiiyak.
“Ang anak ko… hindi pwede… hindi pwede…”
Sa tabi niya, si Vic, ang asawa niya ay hindi rin mapakali. Pabalik-balik siyang naglalakad, galit at naguguluhan.
“Nasaan si Levi?!” sigaw niya. “Bakit hindi niya tinulungan si Alejandra?!”
Napatingin si Leah sa kanya, luhaan.
“Vic…” mahina niyang tawag.
“Hindi, Leah!” putol ni Vic. “Nangako siya! Sinabi niya dadalhin niya dito si Alejandra! Sabi niya poprotektahan niya siya!”
Napahawak si Vic sa ulo niya.
“Nasaan ang pangako niya?!” dagdag niya, nanginginig sa galit. “Bakit ngayon… hindi natin siya ma-contact?!”
Tahimik sa isang sulok si Angelo. Nakatayo siya, nakatitig sa sahig. Parang may pumipigil sa kanya galit, sakit, at duda.
Malakas niyang sinuntok ang pader.
Nagulat sina Leah at Vic.
“Angelo!” sigaw ni Leah.
Pero hindi siya tumingin sa mga magulang…Muli niyang sinuntok ang pader.
“Hayop sila!” sigaw niya.
Napahawak siya sa kamao niya, nanginginig.
“Hindi…” bulong niya. “Ayokong maniwala…”
Napatingin siya sa TV. Sa balita. Sa bangkay na sinasabing ang Ate Alejandra niya iyon..
“Hindi ‘yan ang kapatid ko…”
Lumapit si Vic.
“Anak… nakita mo naman—”
“No!,” putol ni Angelo.
Mabagal siyang napalingon sa ama niya.
“Hindi ako naniniwala. Hindi basta-basta mamamatay si Ate,” dagdag niya.
Napahigpit ang kamao niya.
Napatingin siya kay Leah, na umiiyak pa rin.
“Ma…” mahina niyang sabi, “si Hugo ang may gawa nito.”
Nanlaki ang mata ni Leah..
“A-Angelo…”
“Think about it,” sabi niya . “Walang imposible sa taong ‘yon. Nang una hinahangaan ko pa siya pero sa ginagawa niya kay Ate? Hindi siya tao.”
“Kung kaya niyang saktan si Ate…” dagdag ni Angelo, “kaya rin niyang patayin tayo.”
Napahawak si Leah sa dibdib niya.
“Hindi… hindi pwedeng ganun…” umiiyak niyang sabi. “Kailangan may managot.”
Lumapit si Angelo at hinawakan ang balikat ng ina niya.
“Ma,” sabi niya, mas mahinahon pero matatag, “hangga’t hindi ko nakikita nang malinaw hindi ako maniniwala na patay si Ate. Pero kung totoo man hindi ko siya patatawarin. Magbabayad siya ng mahal sisoguraduhin ko yun.”
Nanginginig pa rin si Leah habang nakaupo sa sofa. Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha niya.
“Ano ang gagawin natin ngayon?” halos pabulong pero puno ng sakit ang boses niya. “Hindi pwedeng manood na lang tayo sa balita…”
Napatingin sa kanya sina Vic at Angelo.
“Kailangan kong makita ang anak ko,” dagdag niya, mas lumakas ang boses. “Kahit paano… kailangan kong makita ang itsura niya. Gusto kong ipagluksa ang anak ko, Vic. Ayoko ng ganito!”
Napahawak siya sa dibdib niya. “Hindi pwedeng maghintay lang ako dito… at magtago…Hindi ko kakayanin,”
umiiyak niyang sabi.
Si Vic ay napapikit, pilit pinipigilan ang emosyon. Si Angelo naman ay nakatitig lang sa sahig, halatang nag-iisip.
“Hindi ko alam, Ma…” sa wakas ay sabi ni Angelo. “Hindi ko alam kung paano. Nang makausap ko nga si Efren sinabi niya sa akin na hinahanap ako ni Major. Alam niyo na, utos yun ni Hugo. Alam niyo naman po kung gaano ka-delikado,” dagdag niya. “Si Hugo… wala siyang pakialam kung sino ang masasaktan. Kung magpapakita tayo… baka tayo ang sumunod.”
Napailing si Leah..
“Wala akong pakialam,” sagot niya agad. “Anak ko ‘yon.”
Napatingin si Vic sa kanya.
“Leah…” mahinahon niyang sabi.
“Vic,” putol niya, umiiyak, “ako ang nanay niya. Hindi ko kayang tanggapin na patay na siya na hindi ko man lang nakita.”
Alam ni Vic na hindi niya mapipigilan ang asawa niya kaya napatingin siya kay Angelo.. Napabuntong-hininga na lamang ang anak niyang lalaki..
“Kung pupunta tayo…” sabi ni Angelo, “kailangan natin ng information. Kung nasaan ang katawan. Kung saan dinala.”
“I’ll make some calls,” sabi ni Angelo... “May mga kakilala pa rin ako.”
Napatingin si Leah sa kanila, may bahagyang pag-asa sa mata niya.
“Please…” mahina niyang sabi. “Dalhin niyo ako sa anak ko…”
Lumapit si Angelo sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
“Ma,” sabi ni Angelo. “gagawin namin ang lahat para makita mo siya, para makasama natin si Ate pero kailangan mong maging matatag,” dagdag niya.
Napapikit si Leah. “Gusto kong makita ang ate mo, Angelo.…” bulong niya.
Napatingin si Angelo sa ama.. Nagkaintindihan silang dalawa na kailangan nilang gumawa ng paraan para makuha ang bangkay ng Ate Alejandra nila.
Tahimik ang bahay. Nasa loob ng kwarto si Leah, pagod sa kaiiyak, pilit nagpapahinga pero halatang hindi mapakali. Sa sala, naiwan sina Vic at Angelo.
Maya-maya, napabuntong-hininga si Angelo at naupo sa harap ng ama niya.
“Pa…” mahina niyang tawag.
Napatingin ang ama sa kanya.
“Anong gagawin natin? Hindi ko gustong ipakita kay Mama na mahina ako,” dagdag ni Angelo, “pero natatakot ako.” Napayuko siya. “Kung lalantad tayo para kunin si Ate… o kahit ang bangkay niya—ilalagay lang natin sa panganib ang buhay natin.”
Tahimik ang ama niya.
“I’m scared, Pa,” dagdag niya sa English. “Hindi ko alam kung kaya natin kalabanin si Hugo.”
Matagal bago sumagot si Vic. “Yan din ang iniisip ko,” sabi niya, mabigat ang boses. Napakuyom siya ng kamao. “Pinatay nila ang ate mo, Angelo…” dagdag niya. Nanikip ang panga niya. “Pero ano? Wala tayong magawa.”
Napatingin si Angelo sa ama niya.
“Kasi nagtatago tayo….Anong klaseng buhay ‘to?” tanong ni Vic, halos pabulong. “Habang buhay ba tayong ganito?”
Hindi agad nakasagot si Angelo. Wala siyang maisagot. Dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng ama.. Tahimik silang dalawa. Parehong may galit. Parehong may takot. Parehong may tanong na walang sagot.
Maya-maya, nagsalita si Angelo.
“Hindi ako sanay na ganito,” sabi niya. “Na wala tayong magawa.” Napahigpit ang kamao niya. “I feel useless.”
Napatingin ang ama niya sa kanya.
“Hindi ka useless,” sabi ng ama.
“Kung ganun ano?? Kinawawa nila ang ate, Pa!” tanong ni Angelo.
Napahigpit ang panga ni Vic.
“May tamang oras para manginil, Angelo.”
Napailing si Angelo.
“At kung hindi dumating ‘yon?” tanong niya.
Napatingin si Vic sa kanya—diretso.
“Kahit maliit pa ang tiyansa kakapit ako Angelo. May araw din ang mga yan! Hindi ako papayag na ganito na lang,” sabi ni Vic. “Hindi habang buhay, Angelo. Babawiin ko si Alejandra sa kanila. Hangaran man nila ako ng sibat ay gagawin ko. Bilang ama ako dapat ang gumawa ng lahat ng ito. Ang protektahan kayo.”
“Pa, hindi yan magugustuhan ni Ate kung nabubuhay siya.”
“Alam ko pero kailangan natin gawin ito. Ayokong mabuhay tayo sa takot. Hindi na. Hindi na ulit.”