Hindi ko namalayan na isang oras ko na pa lang kausap si Thes. Nagpaalam na ako sa kaniya. Nang maibaba ko ang cellphone ko ay hinila naman ako ng antok at nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa gilid at nang makita ko na si Luther ang tumatawag ay napabalikwas ako ng bangon. "Hello?" "Are you ready? nasa labas na ako ng bahay mo." Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa orasan sa kwarto ko. 4:50 pm na! holy s**t! nawala sa isip ko! 5 pm nga pala kami aalis! "W-Wait lang, Luther." Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ko ang labas. Nang buksan ko ang gate ay nandoon nga si Luther at nakasandal sa harapan ng kaniyang kotse. "Luther!" tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at unti-unting ibinaba ang cellphone. Naglakad

