Hindi na ako halos makahinga ng normal. Hawak ako ni Rozzean sa aking kanang kamay at si Luther naman ay sa aking kaliwang kamay. Masama ang tinginan nilang magkapatid habang ako ay nakagitna sa kanila. "Ang sabi ko ay bitawan mo si Thaliana, Cyron. Ano ba hindi mo maintindihan doon--" "I said no. Ano rin ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, Luther?" Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero nagtagal kay Rozzean ang mga mata ko nang mahuli niya ang aking tingin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, hindi ba at ayaw na niya sa akin? hindi niya na ako gustong makita? Sa bahay pa lang niya ay marami na siyang sinabi na dapat tumigil na ako sa paghingi ko ng pagpapatawad niya pero ano ang ginagawa niya dito ngayon? kung kailan nakapag-decide na ako na kalimutan siya

