NAALIW na tinignan ni Precious ang mukha ni Price habang binabasa nito ang mga isinulat niya sa notebook na ibinigay nito kagabi. Kasalukuyan silang nasa dining room ng oras na iyon at nag-aalmusal ng ibinigay niya rito ang pinapalista nito sa kanya. Natatatawa siya sa reaksyon nitong napapatango, napapailing at napapakunot-noo sa mga isinulat niya roon. "Dalawang pilas ng papel ang nagamit mo sa notebook na ito at dalawa lang din naman ang wishes mo. Pinahaba mo lang dahil sa bawat wish na 'yun ay ang daming naka-bullet na "rules" sa lugar na 'yun," Napangiti siya sa isip nang sabihin nito ang conclusion ng mga isinulat niya roon. Dalawang bagay nga lamang isinulat niya sa notebook na iyon. Pero sa dalawang bagay na iyon ay marami naman siyang rules kaya napuno rin ang dalawang pilas na

