8 Odd

1297 Words

ANG BUONG akala ni Precious ay magiging masaya si Price dahil pumayag at sabi pa nga nito ay kayang-kaya nitong tuparin ang mga wish na nilagay niya sa notebook. Pero nang makita nito ang mga sinusukat niyang damit na gagamitin niya sa pinakaunang wish niya ay hindi naman maipinta ang mukha nito. Para tuloy gusto na niyang bawiin ang sinabi niya na mabait ito dahil mukhang joke lang iyon. Alam niyang wala naman siyang karapatang magreklamo rito. Ito ang nag-volunteer na gawin ang mga iyon sa kanya. Ito ang nagpahalaga sa damdamin niya. Ito ang gagawa ng paraan para maging masaya siya kahit papaano. Pero hindi niya maiwasang mairita sa reaksyon nito sa tuwing lumalabas siya ng dressing room nang boutique na pinuntahan nila. Ilang beses niya itong nakitang nakangiwi o di kaya nakasimangot s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD