"s**t! s**t! s**t!" Mas lalong napangiwi si Precious nang marinig ang nagpi-freak out na boses na iyon ni Price. Kasalukuyan siyang nasa banyo at tila nauubusan ng lakas pero nang pumasok si Price ay parang lalo pa siyang nawawalan ng lakas. Nawalan na rin ng kulay ang mukha niya dahil sa matinding kahihiyan. Nahilamos ni Price ang mukha nito habang tinitignan ang mga kalat sa bathtub. Samantalang siya naman ay parang gusto ng lumubog na sa kahihiyan rito. Tinawag niya ito upang tulungan siya pero nang mapansin yata nitong may kakaibang nangyari sa kanya ay walang pasabing pumasok ito sa banyo. Nakailang irit siya dahil sa kapangahasang ginawa nito pero parang hindi naman ito apektado. Dali-daling kinuha niya ang roba na nakasabit sa rack ng banyo upang pagtakpan ang hubad na katawan. Na

