NAGISING si Precious na parang nasa alapaap ang pakiramdam niya. Ang lambot-lambot daw ng hinihagaan niya at mainit pa iyon sa pakiramdam. Gusto niyang mapaungol sa sobrang sarap kung hindi lang bigla siyang nakaramdam ng ilang dahil parang may nakatingin sa kanya habang nangangarap siya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at kahit bagong gising pa lamang ay bumilis na kaagad ang t***k ng puso niya nang makitang ang mukha ng taong nakatingin sa kanya. "Good evening," nakangiting wika pa sa kanya ni Price. She blinked for a while until remembered what happened a while ago. Gusto niyang mamula nang makitang kagaya ng puwesto niya bago siya matulog ay ganoon pa rin ang sa kanila ngayon. Magkayakap pa rin sila. "G-good evening," bati niya rito. Bahagya siyang kumalas sa yakap nito dahil

