Episode 21? Francesca’s POV “Masakit pa rin ba ang paa mo?” Tanong sa akin ni Mikee habang naka upo ako sa dulong parte ng kama namin. Ipinapasok na niya sa isang bag ang mga gamit namin dahil tapos na ang maikli naming bakasyon. Babalik na ulit kami sa Maynila. “Hindi na masyado,” sagot ko. Naglakad siya palapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. Itinaas niya ang paa ko pagkatapos ay ipinatong niya ito sa tuhod niya at tinignan ng maigi. Inaksamena niya ang paa kong naka bandage. “Huwag na lang kaya muna tayo umuwi. Dito na lang muna tayo. Namaga pa ang mga paa mo." Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Agad naman akong napailing sa kanya, “hindi pwede, may gagawin ka pa sa city hall ‘di ba? Ako naman kailangan ko ng umuwi dahil may mahalagang sasabihin sa akin si daddy.” Sambit k

