Episode 22 Francesca’s POV Nakatulala lang ako habang hinihintay si Mikee sa labas ng village namin. Masakit ang mata ko kakaiyak kagabi dahil sa pamimilit sa akin ni daddy. Hindi ko naman talaga gustong halikan si Patrick at kahit kailan hindi ko gugustuhin pero kailangan. Akala ko hindi na ko darating sa parte ng buhay na mapipilitan kang gawin dahil kailangan kahit hindi mo naman talaga gusto pero ito ako ngayon. Siya ang daddy ko... Akala ko siya ang unang makakainti sa akin pero hindi pala dahil siya pa ang taong namilit sa akin na gawin ang bagay na ayaw ko. Halos mamaga ang labi ko sa kaka tooth brush ko kagabi matanggal lang ang bakas ng labi ni Patrick sa labi ko. Hindi ko kinaya na nagawa kong humalik ng ibang lalaki maliban sa boyfriend ko. Kahit ako ay sinusuklaman ko na a

