Episode 39 Francesca’s POV Pakiramdam ko naloko ako. Para akong ninakawan ng taong malapit sa akin. Sinaksak ako patalikod ng nag-iisa kong best friend. Ang best friend na inaasahan ko at sasaksakin lang pala ako sa likod ko. Ang taong pinagkatiwalaan ko na ginawa akong sirain para sa sarili niya. Ayoko sanang maniwala sa kinukwento ni Kristina kaya lang may nilabas na siyang pruweba na nagpapatunay na si Charlotte nga ang may kasalanan ng lahat. Inutusan niya si Kristina na nakawin ang test paper at ibintang sa akin pero bakit? Bakit niya ‘yun nagawa? Siya ang best friend ko… Siya ang nag-iisang tao na akala ko ay hinding-hindi magkakaroon ng sama ng loob sa akin. Akala ko ayos lang ang lahat sa amin dahil kung makipag-usap at makitungo siya parang wala lang. Ang galing niya. Ngayon

