Episode 40 Francesca's POV “Wohoooo!” sigaw ng mga tao sa loob ng theater room. Napuno ng palakpakan at sigawan ang theater room ng matapos ang stage play na ginawa namin. Magkakahawak kamay kaming lahat at nag bow sa harap ng maraming tao. Ito ang pangarap ko noon na natupad ng ngayon. Ang mapanood ng sambayanan kung paano ako mag perform ng isang stage play. Pangarap na dati rati lang ay iniyakan ko pero ngayon nakatungtong na ako sa malaking stage habang masayang nakangiti sa maraming tao. Na iraos namin ng maayos ang stage play ng walang ka problema-problema dahil lahat naman kami ay nagtutulungan. Walang lamangan at iisa lang ang hanggad namin. 'Yun ay ang magkaroon ng maganda at successful na performance. Ngayon kulang napagtanto kung ano ba talaga ang isang team. Naranasan ko

