Episode 34 Francesca’s POV “Thank you sa pag audition, Ms. Anderson. We will update you kung pasok ka ba sa stage play,” sambit ng director. Nasa gitna ako ng stage at katatapos ko lang ipakita ang kaya ko. Ginawa ko na lahat ng alam at kaya ko pero parang kulang pa rin. Hindi pa rin ako sigurado kung pasok nga ba. “Thank you po!” masayang sambit ko at bumaba na sa mini stage nitong drama club. Tapos na kong mag audition kaya agad akong naglakad palapit kay Mikee na hawak-hawak ang shoulder bag ko. Katabi rin ni Mikee si Charlotte. Magkakilala na silang dalawa dahil pinakilala ko si Charlotte kay Mikee bago pa man ako umakyat ng stage pero as usual hindi naman kinausap ng matagal ni Mikee so Charlotte. Hindi naman kasi talaga malapit si Mikee sa mga babae lalo pa ngayon. “Congrats, F

