Episode 35 Francesca’s POV Naka-upo ako sa loob ng theater room kasama ang mga ibang nag audition sa stage play. Hinihintay namin ang director ng stage play na mag a-announce. Monday ngayon at ngayon na rin ang labas ng resulta kung nakasali ba sa stage play at kung ano ang role na gagawin mo. Hindi ko naman pinangarap na maging bida dito, ang gusto ko lang ay maranasan makasali sa stage play. God, kahit katulong lang ang role ko, ok na ako basta makapasa lang ako. Kahit extra lang at isang salita lang ang bitawan kong salita sa ibabaw ng stage, satisfied na ako. Hindi naman mataas ang pangarap ko. Sapat lang para sa mga tulad ko. “Kinakabahan ka ba?” tanong sa akin ni Charlotte na katabi ko. “Y-yeah,” pag amin ko. Hindi ko siya makikitaan ng kaba dahil mataas ang confident niya na

