PART 1- Kung Paano Kami Nagsimula
© 2025 Key Dells
All rights reserved.
PART 1 - Kung Paano Kami Nagsimula
(POV: Heeseung)
“Minsan, hindi mo kailangang maghintay ng matagal para maramdaman mong tama.”
Una ko siyang nakita sa isang group chat na halos hindi ko naman pinapansin.
May nag-post ng random meme, tapos nag-comment siya. Hindi ko alam kung bakit, pero napansin ko agad ‘yung username niya — Mindee. Simple lang, pero may kakaiba.
Nag-reply ako, biro lang sana, pero sinagot niya.
At mula noon, hindi na ako tumigil.
Tuwing gabi, naghihintay ako ng notification galing sa kanya. Minsan “hi,” minsan “kumain ka na?”
Hanggang sa ‘di ko na namamalayan, alas-dos na ng umaga, nagkukwento pa rin kami tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan — pero parang laging may ibig sabihin.
Isang beses tinanong ko siya,
“Bakit ang dali mong kausap?”
Sabi niya,
“Siguro kasi hindi mo ako tinatratong parang dapat kong patunayan ang sarili ko.”
Tumawa ako, pero totoo ‘yung sinabi niya.
Sa kanya, parang ang gaan. Parang hindi ko kailangang magpanggap.
Ilang linggo pa lang kaming nag-uusap, pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.
Ang galing niyang makinig. Ang galing niyang magpatawa. At ‘yung boses niya sa voice call — parang kanta na gusto mong ulit-ulitin kahit alam mong masakit sa dibdib pag
Pero alam kong may kakaiba.
Sa huling chat namin nung gabing ‘yon, sinabi niya:
“Baka mapuyat ka nanaman.”
Sagot ko:
“Kung ganito kapuyat, ayos lang.”
At bago siya mag–offline, nag-send siya ng heart emoji — ‘yung pula.
Simple lang. Pero parang doon ako tuluyang bumigay.
At sa unang pagkakataon, natakot akong umasa — kasi baka sa wakas, ito na ‘yung tama pero darating sa maling oras.