TDW-5

1026 Words
Pinuntahan ko ang kwarto niyang wala man lang bakas nang pagka-galaw. I saw a frame on his bedside table at natawa nang malungkot. Picture nilang dalawa ni Bianca. Napaka-saya nila roon. Nakakasuya tingnan, para bang wala silang inapakan na tao. Matapos kong mag-vacuum ay naglinis ako ng sala sunod ang kitchen ulit. Pagkatapos sa bathroom ay ang front yard naman. Tsaka na 'yung backyard, and lastly ang garage. Grabe, nag-start ako ng seven am at natapos ng one pm. Nii hindi ako nagpahinga, parang pinarurusahan ko na yata ang sarili ko. Nagluto na muna ako at kumain. Pagkatapos ay nagpahinga muna saglit at ang saglit na iyon ay umabot ng four pm. Almost three hours din pala ang tulog ko. Naalala kong maglalaba pa pala ako kaya pumunta na ako sa laundry area at nag-start nang i-washing ang maruruming damit namin. Wala kasi kaming katulong, t'saka okay lang din naman. Kahit na mayaman kami hindi ako spoiled. Pinalaki ako ni Mommy na marunong sa mga gawaing bahay. Ayoko nang ganoon, pagkatapos kong maglaba ay eksaktong alas sais na. Tsaka ko lang napagtantong ang tagal ko pa lang maglaba. Agad naman akong pumunta sa kwarto at naligo and as usual wala pa si King ano pa ba ang aasahan ko sa asawa ko? Malamang kasama niya si Bianca ngayon, nagpapakasasa sa kandungan ng kabit niya. Pagkatapos kung maligo ay agad naman akong pumunta sa kusina at nagluto sakto rin at dumating na si King. Sinalubong ko siya nang may pagka-tamis tamis na ngiti. Nang buksan ko ang pintuan at ang ngiting 'yon ay bigla-biglang nawala dahil hindi pala siya nag-iisa. Kasama niya ang girlfriend niya si Bianca. "King," usal ko na ikinataas ng kilay ni Bianca. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko lang siya nang masama. "Andito ka rin pala, Bianca," matabang na ani ko. "What are you looking at? Out of the f**king way. You're wasting our time. You didn't even bother changing your clothes you stink, so gross. Hindi ka pa yata naliligo ew!"  maarteng ani sa akin ng kabit na 'to. Ang sarap na talagang supalpalin ng bruha. Nanatili lang ding walang imik ang magaling kong asawa. Naka-kunot lang ang noo niya na nakatingin sa akin at walang lingong likod na umalis. I bit my lips and suppress my tears. "Hey, Kaisle! Don't disturb us okay? I promise your husband will enjoy, ciao!" nakangiting ani niya. Para akong kandilang unti-unting nauupos.  Just wow! What did I do to deserve this kind of life? Parang tinanggalan ako ng karapatan sa asawa ko. I can sue them actually pasok na pasok ang kaso ko sa husgado na concubinage. Minsan ko napag-isipan kong magpa TULFO pero siyempre ayaw ko namang mag-eskandalo ang mga reporter sa labas ng mansion nila King. T'saka nakakahiya 'yun sa pamilya namin. Lahat nang taga Pilipinas saksi sa pagsasampahan namin. Di ko yata kaya 'yon. Pumunta ako sa kusina at napaupo sa upuan. Ilang saglit lang ay nakita ko si King papunta sa refrigerator at nagsalin ng tubig sa baso. "King..." ani ko, I'm so fed up already. Parang hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko. "What?" bored niyang tanong sa akin. I gathered all my strength and talk. "Palayasin mo ang kabit mo sa bahay natin," matigas kong ani. Natigil siya sa pag-inom at inilagay ng baso sa counter table. "Am I hearing it right?" natatawang tanong niya sa akin. Kaagad na tumango ako. "And who are you? The jealous wife? Mind you, I bought this house. I own this house at hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang pwede at hindi pwedeng dalhin ko rito," matigas niyang sagot. "This is our conjugal property. Kasal tayo at asawa kita. Karapatan kong magpalayas ng taong hindi ko gusto. Lalo na at kabit mo 'yon!" singhal ko sa kaniya. Just a few seconds and I felt his palm on my cheeks. Pakiramdam ko ay tumabingi ang mukha ko sa sampal niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. His eyes were now full of guilt. Tears streaming down my face. Tiningnan ko siya nang buong sakit at pagkamuhi. "My parents didn't raised me just to get a slap from you," nanginginig kong ani. "The moment you said yes on that stupid engagement you have given me the rights to hurt you," malamig niyang wika. Napapikit ako sa sakit sa mukha ko. Tiningnan ko ang sariling repleksiyon sa glass table. Namumula at bumakat ang kamay niya. Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa sakit. Kailangan kong maramdaman ang sakit para magising ako sa katotohanang hindi na puwede. Na tama na ang lahat at hindi ko na kakayanin pa. Nilapitan ko siya at sinampal pabalik. His eyes were sharp na para bang handa na niya akong patayin. Nagpatuloy lamang sa pag-agos ang luha ko.  "HOW DARE YOU?" singhal niya sa akin. "NO, HOW DARE YOU?" singhal ko pabalik sa kaniya.  "Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko simula nang makilala kita. Ang sama mo. Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko. Tiniis ko ang mga kababuyan niyo dahil ayaw kong mapahiya ka sa pamilya natin. Nakakadiri ka, nakakasuka!" galit kong wika.  Natigilan ako nang humalakhak lamang siya.  "Do it, you deserve to suffer," ani niya. Natawa ako nnag pagak at marahas na pinunasan ang luha ko sa mukha.  "Makakaasa kang sasabihin ko sa parents natin ang mga kagaguhan mo. You want that right? Maghintay ka," matigas kong wika at alis na sana nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko.  "Aray! Bitiwan mo ang kamay ko!"  "Subukan mo akong galitin, Kaisle and I will make sure na hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," malamig niyang sabi. Sinalubong ko ang tingin niya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.  "Tanggalin mo ang nakakdiring kamay o sa braso ko. Hindi na ako natatakot sa mga banta mo. Pagod na pagod na ako sa mga pananakot mo," mahinang wika ko.  Galit na tinalikuran niya ako at mabilis na napasandal ako sa pader. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pagmulat ko ay kaagad na napangiti ako nang mapait. Naahawak ako sa mukha ko na bahagya pang kumikirot. TBC zerenette Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD