TDW-4

783 Words
Tulad nga nang sinabi ko, inasikaso na ni Atty. Mendoza ang anullment papers. I'm doing the best I can. Nalulungkot talaga ako kaya kahit na alam kung hindi pa rin ako papansinin ni King ay gagawin ko pa rin ang gustong-gusto kong gawin noon pa man. Ang asikasuhin siya. Total hindi pa naman siya umuuwi, siguro hinatid pa niya si Bianca. Nagluto na lamang ako ng pagkain namin para sa dinner. After one hour ay  natapos na akong magluto. Agad naman akong naligo at bumaba. Pero alas onse na lang ng gabi hindi pa siya umuwi. Pumunta ako sa salas at nanuod ng palabas. Makailang ulit ko nang iniba iba ang channel pero hindi pa rin siya dumadating. Ramdam ko na ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko. Hinintay ko si King at pinilit ang sarili na huwag makatulog. Hanggang sa nakatulog rin pala ako. Nagising ako dahil sa ugong ng sasakyan. Excited na napabangon ako at napatingin sa wall clock. Alas sais na pala ng umaga. Napailing ako, bakit nga ba nagulat pa ako? "KING!" masaya kong ani. Isinuot ko ang tsinelas ko at nagmamadaling lumabas. T'saka ko lang napansin na paalis na siya. Umuwi siya kagabi pero hindi niya ako ginising. Natawa ako nang pagak at inayos ang sarili. Mahinang napaupo ako sa stairs. "Naninibago ka pa rin ba, Kaisle?" Ganito naman talaga. Wala akong magagawa kung hindi ang umiyak, sawang-sawa na ako kaiiyak. Bumalik na lamang ako sa dining area at hindi ko na mapigilan ang sariling tumulo ang luha. Napaiyak ako sa nakita 'kong nasayang na pagkain. Inis na pinagsusuntok ko ang dibdib ko.  "Kaya ka nasasaktan dahil palagi mong pinapaasa ang sarili mo na puwede pa. Baka magbago pa ang ihip ng hangin. Hindi ka na nadala," kastigo ko sa aking sarili. Pinunasan ko ang luha kong umalpas sa aking mata habang nakatingin sa pagkain. Nasayang lang. "Kahit man lang tumikim ka sa paborito mong pagkain ni hindi mo magawa. Diring- diri ka na ba talaga sa akin, King? Nasayang lang ang pagod ko. Bakit ba kahit napaka-sakit ng ginawa mo sa akin mahal na mahal pa rin kita?"  Parang may kung ano'ng tumutusok sa puso ko sa sakit. Iyong sakit na hindi ko maipalawanag kung bakit. Iyak lang ako nang iyak, ito lang naman ang papel ko sa buhay niya eh. Sanay na ako. Hindi na lamang ako pumasok sa university tinext ko na lamang si Shanleyh at sinimulan ko nang gawin ang gagawin ko para sa araw na 'to. Tiningan ko ang  kusina. Ano ba ang parte ng kusina na 'to ang hindi ko malilimutan? Bukod sa dito ako unang natutong magbalat ng sibuyas na hindi umiiyak. Magprito ng hindi natatalsikan ng mantika siyempre gamit ang malaking sweat shirt ni King at baseball cap niya. Napailing na lamang ako sa katangahan ko noon. Pagkatapos magluto hindi niya kakainin. Ako lang ang uubos at minsan mapapanis pa. "Minsan talaga ang buhay napaka-selfish. Kung kailan gusto mo nang maging masaya doon naman may e-extra. Kung sinong minamahal may mahal namang iba. Napaka-unfair eh. Bakit kasi hindi na lang ako?" I close my eyes in frustration and breathe out. I never imagined my life to turn out like this. Never in my life I've dreamed of something I've never wanted. Ni hindi ko ring inaasahang sa simpleng problema ako ang magsa-suffer.  Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. I picked it up and my heart skipped a beat, it's King. "H---" "Clean my room, I'll be back later," ani niya. Pinatay na niya ang tawag. I laughed sarcastically and I didn't notice my tears falling down slowly. "This is how reality slaps me. I am not a housewife, I'm a housemaid." Naikuyom ko ang aking kamao at napaupo sa upuan. Inub-ob ko ang aking ulo sa lamesa at ipinikit ang mga mata. Kailangan kong magtiis. Kailangan kong damhin ang sakit hanggang sa mamanhid ako.  Sa inis ko ay kinuha ko ang aking cellphone at idinial ang cellphone number niya. Ilang rings pa bago niya sinagot. I bit my tongue and talked.  "Umuwi ka mamaya dahil kung hindi pagsisisihan mo. Huwag mo rin akong utusan na parang maid mo ako. At least I am your wife in papers. Hindi dahil sa gusto kita ay magiging sunod-sunoran na ako sa 'yo. Kung gusto mong maglionis ng kuwarto, linisan mo," singhal ko.  "Whatever," sagot ni Bianca.  "Clean it dirty old w***e, naliligo pa si, King. We have the best night kagabi. So don't disturb us. Ang pangit ng boses mo," ani niya at pinatay na ang tawag.   Natigilan ako at natawa nang pagak. Sa inis ko ay naibato ko ang cellphone ko sa pader.  "AHHHH!" TBC zerenette Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD