Agad naman kaming dumiretso ni Shanleyh sa Tourism Department. Tourism kasi ‘yung course namin. Ilang sandali lang naman ay pumasok na ang professor namin.
"So class next week na ang foundation day natin kaya may pageant na gaganapin. Sino ang representative natin sa Tourism Department?" excited na wikani Professor Lexa. Agad naman na nagpresenta ang pelingera na si Venice at si Danielle naman ang sa partner niya na wala naman akong pake. For sure sa Engineering Department si King na at si Bianca na naman. Napaub-ob ako sa arm chair at bumuntong hininga.
Bahala na nga magche-cheer na lang ako para sa asawa ko.
"Best, bakit 'di ikaw ang kinuha? Ikaw kaya ang Angel of Tourism Department bakit 'di ikaw ang naging participant?" bitter na saad ng ever supportive kong kaibigan.
"Ano ka ba, best? Okay lang no, t'saka 'di ko feel sumali ng search rarampa na naman ako. Model na nga ako rarampa na naman ba ako? Tama na ‘yon sa 'kin nakakahiya na,” sagot ko sa tanong niya at nag-flip ng hair.
"Asus, ni hindi ka na nga nahiya kakalimos ng pagmamahal sa asawa mo eh.," pasaring niya.
Napatulala naman ako sa sinabi ni Shanleyh at yumuko na lang tama kasi siya.
Ang sakit pero tama ang sinabi niya hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko..
"Uy, best sorry I didn't mean to."
I showed her my fake smile. Alam ko kung gaano ako katanga. Pero sobrang sakit pala 'pag harap-harapan kang sinasabihan ng katotohanan pero ang utak at puso mo may sariling rason.
"Hindi best, okay lang 'tsaka totoo naman ‘yung sinabi mo eh," mahina kong sagot. Sumisikip ang dibdib ko at anytime ay magsisiagusan na naman ang luha ko.
"Best, naman eh."
Ngumiti ako sa kaniya to ease her guilt.
"Best, sagutin mo nga, mali ba na magmahal ako sa asawa ko?" tanong ko at hindi na napigilan ang sariling maiyak. Buti na lang lumabas na si prof at may kaniya-kaniyang mundo ang mga classmates ko.
"Alam mo best, makinig ka ha. Hindi masama ang magmahal ng tao natural lang iyon, Pero nagiging mali ito kapag ipinagpatuloy natin ang pagmamahal sa taong hindi tayo ang mahal, at lalong-lalo na ang pagmamahal natin para sa kaniya ay siyang naging dahilan kung bakit hindi siya nagiging masaya. Kumbaga dahil sa pagmamahal natin sa isang tao 'di natin namamalayan na nagiging makasarili na pala tayo at nasisira na pala natin ang buhay nila maging ang sarili mo. Naiintindihan kitang nagmahal ka lang, pero sana maisip mo rin na dahil sa pagmamahal mo unti-unti mo nang nakakalimutan ang sarili mo," saad niya.
Her words strucked me hard. Ang selfish ko, oo pero hangga't hindi sinasabi sa akin ni King na ayaw na niya sakin. Hindi ako aalis magtitiis ako.
"Ano'ng dapat kong gagawin? Mahal na mahal ko ang asawa ko ayokong mawala siya sa ’kin alam kung naging makasarili na ako pero 'di ko talaga kaya eh," sambit ko.
"Kaya nga, ang tanong mahal ka nga ba talaga ng asawa mong gago? Hindi ba 'di mo alam? Sinasabi ko 'to sayo best, kasi ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon mo eh. Mahal kita kasi bestfriend kita pero sana naman tigil-tigilan mo na ang pagpapakabaliw riyan sa asawa mo naiinis na kasi ako eh. Nakakaawa ka na ayokong nakikita kitang nasasaktan. Alam kong siya ang nagpapasaya sa ’yo pero tingnan mo nga umiiyak ka dahil sa kanya. Kaisle , you have everything kung payamanan at pagandahan lang din naman meron ka nu'n. Kaya sana 'wag mong sayangin ‘yun sa taong hindi naman karapat-dapat. Pupunta muna ako sa cafeteria hindi na muna tayo sabay na uuwi mamaya. Halos hindi na kita makilala dahil lang sa isang lalaking wala namang pakialam sa 'yo," seryosong ani Shanleyh.
At agad naman na lumakad si Shanleyh naiintindihan ko. Siguro nga tama siya ngayon gagawin ko na talaga kung ano ang nararapat. Ang tanong lang kaya ko ba?
Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Shanleyh nu'ng isang araw hindi na niya ako pinapansin, nakakalungkot lang. Nakita ko siyang papunta sa tambayan namin, agad ko naman siyang pinuntahan. These past few days kasi iniiwasan niya ako. Naiintindihan ko naman siya eh miss na miss ko na siya. Sigurado akong nahihiya siyang mag-approach sa 'kin kasi pinag-walk-out-an pa ako. Napaka-drama kasi eh.
"Best? ”tawag ko sa kaniya ni hindi man lang siya lumingon nalulungkot na tuloy ako.
"Best, pansinin mo naman ako oh miss na miss na kita. ‘Wag ka nang magalit sa akin, bestfriend I'm sorry."
Tinawag ko siya nang tinawag pero ni hindi man lang siya lumingon sa akin.
"Siguro nga nagtatampo ka pa rin sa ’kin ‘wag naman ganito. Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako,” mahinang ani ko. Huminto naman siya at napaka lungkot ng mga matang napatingin sa 'kin.
"Tsk, halika nga rito, Kaisle iniisip ko rin to noong nagdaang araw. Hindi ko dapat sinabi at ginawa sa ’yo ‘yun miss na miss na rin naman kita. Nahihiya kasi ako. Hindi ko alam kung paano kita haharapin," saad niya.
Agad naman akong lumapit sa kaniya at nagyakapan kami tumulo pa ‘yung luha ko.
"Alam mo napagisip-isip ko ring tama ka. Matagal na ang dalawang taong pagtitiis kaya nakapagdesisyon na ako," I stated.
"Best hindi na importante ‘yan. Ang akin lang kung saan ka sasaya susuportahan kita. Nakakahiya nga ako e, higit na mas naiintindihan sana kita pero ako pa itong nag-drama,” sagot niya. I can see sincerity on her.
"No, hindi best nakapag-decide na rin kasi ako. Ayoko nang maging tanga gagawin ko ‘to para sa sarili ko promise hindi ako napipilitan. Alam mo iyong sinabi o para akong sinuntok nang makailang beses. Dapat pala noon ayhumindi na ako. Dapat pala isinaalang-alang ko ang magiging resulta ng mga desisyon ko noon. Ganoon pala no? Kapag nabulag ka sa kagustuhan mong mapa sa iyo ang isang tao nakakalimutan mong may sarili ka pa lang buhay na dapat mas bigyan ng pansin at atupagin," mahinang ani ko at pilit na nginitian si Shanleyh.
"Talaga lang ha. Ayaw kong gumawa ka ng hakbang na pagsisisihan mo sa huli. Ganoon talaga ang buhay, Kaisle. Hangga't walang nasasaktan, walang realization na nangyayari. Kung walang pagkakamali wala rin. Nasa nature na ng tao ang masaktan nang sa ganoon ay mas maintindihan natin ang kabuluhan ng buhay," seryosong aniya sa 'kin.
"Oo, pinag-isipan ko rin ito nang ilang beses. Napag-isip-isip ko na ring tanggapin ang modeling offer sa akin ni, Mrs. Tremaine. Para may pagkaabalahan ako at hindi ko masiyadong maisip si, King. Ayaw ko ring iasa ang mga gastusin ko kay , Mommy at Daddy lalo na kay, King," wika ko at inayos ang buhok kong nililipad ng hangin.
"Totoo?" nakangiting tanong ni Shanleyh sa akin.
Her eyes gleamed in so much happiness. Napaka -oa para namang nanalo siya sa lottery.
"Almost three months na rin ‘yon. Swerte ko lang kasi gustong- gusto niya talaga akong model. Kaya nga tatawagan ko na lang mamaya si, Bani para sabihin sa kaniyang babalik na ako sa modeling industry,” nakangiti kong wika. I’ve modeled some famous local brands before. Nahinto lang simula noong maikasal ako kay King. Malapad ang ngiting hinawakan ni Shanleyh ang kamay ko at tiitigan.
"I am so proud of you. Sana sa pagkakataong ito matutunan mong unahin ang sarili mo," wika niya. Mahinang tumango naman ako.
"Pinapaasikaso ko na ang anullment papers," saad ko.
"How about, Tito and Tita? Alam na ba nila?" tanong niya sa akin. Kaagad na umiling ako at huminga nang malalim. Kung malaman man nila I am sure na maiintindihan nila. At least I am hoping na maiintindihan nila," sagot ko at nagkibit balikat.
TBC
zerenette