Inhale. Exhale. Iyon ang ginawa ko bago ito muling hinarap. Kailangan kong mas maging mapagpasensiya sa aking amo dahil baka kung ano na namang desisyon sa buhay ang gawin nito. Akala niya yata ay nagbibiro lamang ako. Naiintindihan ko naman siya dahil kagaya ng aking Papa ay mukhang gusto lang din nito ang dapat na nasusunod. “Hindi porke’t may problema at kaunting atraksiyon kang nararamdaman sa akin ay pakakasalan mo na ako. I am trying to understand you but you’re getting out of hand.” “What else do you want me to do?” Frustrated na tanong nito sa akin. “Wala kang gagawin. This is my life. Kung hindi ko man gustong ituloy ang kasal ko. Ako ang gagawa ng paraan.” Pinal kong sagot kay Sir Jaime. Ayokong madamay siya sa galit ni Papa kaya hangga’t maaari ay hindi ko gustong makialam s

