“Are you ready?” Jaime asked me. “Saglit lang at kukunin ko ang baon natin for lunch.” Nakalimutan ko kasing bitbitin kanina. “Make it fast. I have a meeting at nine.” Anito habang nakatingin sa relong pambisig. For the past 2 weeks, araw-araw niya akong kasama sa pagpasok. Kahit naman kasi sabihin kong okay lang akong mag-isa sa penthouse niya ay hindi pa rin ito pumapayag. Ni ayaw nga akong iwanang mag-isa. Palaging sabay kaming papasok sa office niya. Kagaya ngayon, may importanteng meeting itong pupuntahan pero nandito siya at naghihintay sa akin. “Bakit kasi hindi ka nalang mauna doon sa opisina mo? I can manage. Susunod na lamang ako doon sa opisina mo.” Medyo hindi kasi maganda ang timpla ng aking katawan. “It’s okay, I still have a time. Just move a little bit faster para may

