Mukhang may bisita si Sir Jaime kaya I decided to prepare our breakfast today. Ako naman dahil palagi nalang ito ang nagluluto. Hindi sa pagmamayabang, sa ilang buwan ko rito ay masasabi kong gumaling na rin akong magluto. Ito kasi ang bagay na pilit kong inaaral noon pa pero parang ang hirap gawin. Marahil ay naengganyo ako sa aking amo na araw at gabi ay nakikita kong nagluluto. Nang matapos akong magluto ay sinilip ko sila doon sa living room pero wala na ang mga ito. Tingin ko naman ay lumipat lamang sila doon sa isang kwartong inayos ko para maging office ni Sir Jaime dito sa bahay niya. Mayroon namang maliit na opisina ang lalaki sa kwarto nito kaso naisip ko ang mga ganitong scenario kaya kesa walang pakinabang ang spare room ay ginawa ko nang office nito. May isa pa namang room na

