Napamulagat ako sa narinig. Sigurado akong nagbibiro lang si Sir Jaime sa sinabi nito kaya naman tumawa ako. Sa ilang bilyong tao dito sa mundo, ako pa talaga ang sinabihan niya ng mga salitang iyon. Kung patulan ko kaya siya sa mga jokes niyang ‘yan, yumaman pa ako. “Ewan ko sa inyo, sir.” Natatawa kong sabi rito. Medyo kinabahan ako ng kaunti kanina nang marinig ang sinabi ng amo but then as I realize that it was a joke ay natawa nalang ako. Nakakatawa naman talaga ito. Sino namang matinong lalaki ang basta-basta nalang mag-aaya sa isang babae na mag-anak? Siyempre, walang iba kung hindi si Jaime Sawyer lang ‘yan! “Makaalok ka sa’kin ng be the mother of my future kids parang easy lang gawin. Hindi naman sari-sari store ang matres ko, sir. Na magtatawag ka lang tapos ibibigay ko na ‘

