PARA KAMING mga bata na hindi nagpapansinan. Nakakainis lang na ito pa ang may ganang hindi ako kausapin. As far as I can remember, wala kong masamang ginawa sa kanya. Mabuti nalang talaga at natuon na naman ang oras ko sa pagpipinta. Buong araw ay iyon lamang ang aking ginagawa. Dalawang gabi na rin akong hindi sumasama sa aking amo kapag may taping ito sa cooking show niya. Alas-otso ng gabi ng lumabas ako ng kwarto, sinigurado kong nakaalis na si Sir Jaime bago ako lumabas. Nagugutom na rin naman kasi ako. Kahit naman hindi kami nagkikibuang dalawa ay nagluluto pa rin naman ito ng pagkain. Tuloy pa rin kami sa kanya-kanya naming gawain. Dahil gutom na ako ay dumerecho na ako sa kusina para maghanap ng makakain. Ito na talaga ang naging routine ko. But I was surprised to see Sir Ja

