So, ayun na nga! Besties together, work together. Ang saya-saya, kay ganda ng umaga! Andito na ako ngayon sa mansyon ng mga Sawyer. Pinapasok na ako ng guard at pinaupo sa living room. Kakausapin daw ako ng magiging amo ko.
"Pssst! pssst! " Hinanap ko kung saan nanggagaling ang paswit na naririnig ko.
Hindi naman ako nahirapan hanapin dahil may matabang batang lalaki akong nakita sa ilalim ng grand piano. Nasa around five to six years old. Ito na marahil ang batang aalagaan ko.
"Hi, bata! What are you doing there? Go out, baka may lamok diyan, baby." Agad naman itong tumalima sa sinabi ko. Masunuring bata kung ganoon. Mukhang hindi naman ako mahihirapan kapag nagkataon.
"Walang mosquito dito, ate. This place is squeaky clean. They have lots of cleaning ladies. Are you going to be one of Uncle Miguel's new cleaning lady here? You look poor kasi. Are you one of them?" Napangiti ako sa tanong ng bata.
He's so cute. Mukhang ang fluffy ng matambok nitong pisngi, ang sarap kurutin sa sobrang katabilan nito.
"Sort of. But I will not clean the house because I will be your, nanny. Do you like the idea of me being your nanny? We will play hide and seek all the time." I make it sound exciting.
But the little boy smirked at me. Para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. But I need to win his attention. Dapat magustuhan ako ng batang ito para naman hindi ako mahirapan sa pag-aalaga rito.
"You know what, I have two nannies already. I don't need another one." Napaubo ako sa sinabi nito.
Kalma, Clars, bata yan, at trabaho mo yan.
"Really?! But I'm not like them. You see, I love to play with children--" I tried convincing the child again but he made me stop. Imwenistra pa niya paharap ang isang kamay para tumigil ako sa pagsasalita.
"Stop. Don't interrupt me. Just listen to me first. You know, my two nannies, they can't catch me fast naman when I am making tago. See, they aren't here pa to look for me. I will make sumbong them to daddy. And daddy will be galit to them. They always dance in front of the camera, tigas naman body nila when dancing. They dance like this." Sumayaw ito sa harap ko na parang tuod.
Nakakatawa talaga ang batang 'to. Mukhang konting effort lang makakasundo na kami.
"See? You are making tawa to my dance. They are so nakakatawa talaga! They don't know how to make kembot." Ginulo ko ang buhok nito at inayang umupo sa tabi ko. Sumunod naman ito.
"If you are you going to be my nanny, you should know how to dance so well."
"Don't worry, I can teach you how to dance in t****k. I am a cheer dancer when I was in high school." Pagmamayabang ko dito. Namilog naman ang mata ng batang lalaki. Bumilib yata sa akin.
"Really?! You are bagay pala to my daddy because he is a basketball player when he was still schooling. When I grow older, I want to be a player too. But I want to play soccer. Di ba it's a good sport naman? But my two doesn't like to watch sports, they just want to watch drama, drama, iyak, iyakan..." Patuloy na kwento ng bata at naaaliw na ako.
"We can watch sports together because I like sports too. And soccer is my favorite."
"Really? Come on, get up now!" Hinawakan niya ako sa isang kamay at agarang pinapatayo.
Natatawa ako ng pilit niya akong hinihila palabas ng pinto. Nagpatangay na lamang din ako sa bata dahil ayaw ko naman itong madisappoint.
"Jemuel, what are you doing?" A deep voice thundered in front of us. May gwapong mestisong German Shepherd na nakasuot pa ng apron ang nakatayo sa harapan namin ng bata.
"Hi, Uncle Jaime, I'm going home now with my new nanny." Hinila ako nito sa kamay.
"You have a new nanny?" Namamangha nitong tanong sa bata.
"Yes. Her name is ---" Bumaling si Jemuel sa akin sabay bulong. "I didn't get your name, I'm Jemuel, ikaw?" Pabulong nitong tanong sa akin. Kaya yumuko ako rito para ibulong din ang pangalan ko.
"She's Ate Clarissa Oten, uncle, and she's my new nanny." Napatawa ako sa sinabi ni Jemuel. Kelan pa naging Oten ang Olsen?
The man in front of me chuckled.
"Oh, I guess you got it wrong, kiddo. Your Yaya A and B is already looking for you. Andun sila sa dining area, eating the moist cake I baked, you go there first and eat before going home. The big jar full of cookies in the table is yours too."
Namilog ang mga mata ng bata.
"Wow! I wish it's yummier than the last one."
Tumango naman si Sir. “Of course, it is.”
Ginulo nito ang buhok ng bata na agad din namang tumakbo papunta sa kung saan. At ng matuon na ang atensyon nito sa akin ay agad akong nagsalita.
"Ay, Sir, ako po pala yun bagong nanny ni Jemuel, Clarissa Olsen po from Atsay's Agency." Pagpapakilala ko rito.
"Yeah, I know. You're the new nanny deployed to us here. But not Jemuel's nanny for a record." Pasuplado nitong sagot sa akin. Pasimple kong pinasadahan ang apron na tanging suot nito pang-itaas. Ay, may abs si Ser. May karapatan talaga siyang magsuplado sa akin. "What are you staring?"
"Huh?! Wala po. So, sino po pala ang aalagaan ko, Sir? Sabi po kasi ni Maam Joy, nakababatang kapatid daw po ni Sir Miguel Sawyer ang babantayan at aalagaan ko." I reiterated him the words of my Ms. Joy.
"She's right. And for your info, anak ng kapitbahay si Jemuel kaya hindi siya nakatira rito.”
“Ay, ganun po ba? So, bakit nandito siya? Nakita ko siya doon kanina at nagtatago sa ilalim ng piano.”
“Nasanay na kasi yun bata rito sa bahay palagi."
"Naku, sorry po Sir, akala ko po kasi. Saan na po pala yun aalagaan ko? Naku, excited na po akong ma-meet siya. Sana po mas mabait kay Jemuel."
"Of course, mas mabait at gwapo kaysa kay Jemuel." May himig pagmamalaki si Sir. Baka anak nito ang aalagaan ko. Sayang kung ganoon, bet ko pa naman si Sir for myself and I.
"All you need to do is to accompany him in whatever he does. Other than that, wala kang magiging problema."
Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti po kung ganun, Sir. Kailan ko po siya mamimeet?"
"Right now." Sabi nito na may halong nakakalokong ngisi."Hi, Clarissa Olsen... I'm Jaime Sawyer, the only younger brother of Miguel Sawyer. Welcome in our home, nanny!"