CHAPTER 3

1182 Words
OA na kung OA pero napamulagat ako sa narinig mula kay Jaime Saywer. Alam kong gwapo siya at yummy pero hindi ko mawari kung may saltik ba sa utak itong lalaking aking kaharap. Paanong siya ang aalagaan ko? Hindi na siya bata? Maaari na nga siyang gumawa ng bata. Hindi pa man ay mukhang maiistress na ako sa amo ko. Pasimple ko itong sinipat. I doubt it kung may mental disability ito. He looks normal outside. "Seryoso ka ba, Sir?" I wasn't able to refrain myself from asking. Kailangan kong itanong upang maliwanagan ang utak ko. Marami akong agam-agam dahil sa sinabi nito. Prank ba ‘to? Hindi ako naniniwala sa kanya. Baka tinitest lang ako nito. "Yup. Do I look like I’m kidding?" He said while popping the letter p. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mapupula nitong labi. Bakit kaya kasing kulay iyon ng makopa? Parang ang sarap sarap kagatin at nguyain. Pero hindi ako madadala sa magaganda niyang katangiang panlabas. Looks can be deceiving kaya hindi dapat magpalinlang. "But why do you need a nanny? Anlaki-laki niyo na po. Sorry if I am asking too much pero gusto ko lang talaga malaman. And I think, I deserve an explanation regarding this matter." “Well, I don’t have much to say about that. I just wanted to have a nanny, that’s all.” Napunta na naman this time ang mga mata ko sa six-pack abs na sumisilip sa apron na suot nito. Well-maintained at alam kong pinaglaanan ng oras at panahon para maachieve iyon. And the v line down there is so nakaka. Ipinilig ko ang aking ulo ng simulang mag-isip ng kung ano. Bad 'yon eh. I should be thinking like that. “Hindi nga?! ‘Yun lang ba talaga ang reason mo?” wala sa sariling nasambit ko. “I hire you because I needed one. Hindi naman ako basta-bastang magha-hire ng nanny kung hindi ko kailangan.” Anito matapos sumandal sa likuran ng couch. “PA yata ang kailangan mo e?” “Yeah, that’s the same thing. Pinaganda mo lang ang tawag but that’s the same.” Doon ko rin nagpatanto na parang ganun nga talaga ang pagiging PA. Private alalay and yaya are almost the same. Ang yaya para sa bata tapos ang Private Alalay naman ang para sa matatanda gaya ng mga artista. Pero nanny kasi ang inapplyan ko kaya yaya ako at hindi PA. Period! "Mawalang galang na po, sir. Ilang taon na po ba kayo?" Hindi na ako nag-atubiling itanong iyon. "Twenty-nine." Nakangisi nitong sagot sa akin. "O, e 29 ka na po pala. Bakit kailangan niyo pa ng nanny?" Matanda lang pala siya sa akin ng apat na taon. “Ano ba ang hindi mo kayang gawin sa edad na iyan?” "Because I need one? Ayaw mo ba? I can always find another yaya in town." Sabi nito na para bang gustong ipamukha sa akin na kayang-kaya niya akong palitan anytime. Na hindi ako kawalan sa buhay. That he can live without me. Abnormal nga yata. Sinong matino ang kukuha ng yaya sa edad na bente-nueve, aber? Nakakaloka! Nakakainis! Nakaka-excite at the same time! Paanong gagawin kong pag-aalaga sa kanya? Gentle ba? Hard? Or what? Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nito. May magagawa ba ako? I need this job. Kesa mag-isip ako ng kung ano-ano, I should focus on my job. Hindi naman kasi ako talo. Mukha namang ma-eenjoy ko ang bawat sandali kasama siya. Gwapo si Sir Jaime hindi lang dahil sa may lahi ito. Ang mga mata nito ay para bang nanghahalina. Mahahaba ang pilik-mata nito. Matangos ang ilong at manipis ang mapula nitong labi. Matangkad rin ito at matipuno, na lalong nakadagdag sa kanyang total package bilang certified papabol. Yes, I admit, isang certified papabol ang aking alaga kaya naman kailangan kung paalalahanan palagi ang aking sarili na huwag fragile. Uso pa naman ang marurupok ngayon. At ayokong gumaya sa kanila. “The clock is ticking, Ms. Olsen. Once you back out, hindi ka na pwedeng bumalik. And once you’re in, hindi ka pwedeng umalis hangga’t hindi natatapos ang kontrata mo sa akin.” “May ganun bang nakalagay sa kontrata, sir?” Gusto ko tuloy sabunutan ang bangs ko dahil nareliaze kong hindi ko man lang binasa ang kontrata at basta na lang pinirmahan. “Yeah, three-year contract ‘yun. Renewable two months before it ends. Don’t tell me you didn’t read your contract before signing it? I’ve checked my copy earlier may pirma ka and I thought you understand everything written in there?” Kampante nitong sagot sa akin. Siyempre, hindi ako nagpahalata. Hindi niya pwedeng malaman na hindi ko binasa ang kontrata dahil sa sobrang excitement. Hindi niya pwedeng malaman na mabilis akong madala ng sobrang emosyon. “Nabasa ko po. I am just checking kung nabasa niyo rin ba?” “So, do you still want the job or not?” he said impatiently. Parang ayaw akong bigyan ng chance mag-isip. Gusto, agad-agad ang sagot. “Y-E-S. It’s a yes! Oo, pumapayag na ako.” Full of emotion na sagot ko rito. “Are you sure? Mukhang napipilitan ka lang yata Ms. Olsen.” “Sure na sure po!” Hindi ko nga binasa ang kontrata, ito pa kayang pagpayag ko? Wala naman akong choice kundi ang magtrabaho sa kanya. I need this job and it’s now or never. “Mabuti kung ganun. Follow me.” Tumayo ito at naglakad. Sunod lang naman ako ng sunod rito. Nakarating kami sa isang kwarto. Pumasok siya doon kaya pumasok din ako. Mukhang kwarto niya iyon. “You can wait for me outside the room.” Anito habang tinatanggal ang apron na suot. Napasimangot ako sa isip ko. Gusto ko pa sanang makita ang kabuoan ng mga pandesal niya. Mukhang hindi generous ang alaga ko. “Ikaw ba si Clarissa?” Tanong ng matandang babae ng makita akong nakatayo doon sa labas ng kwarto ni Sir Jaime. Galing ito sa katabing kwarto. “Opo.” Tipid akong ngumiti sa matanda. “Ako nga pala si Manang Sonia. Anong ginagawa mo dito sa labas ng kwarto ni Jaime? Pinaghihintay ka ba niya?” Tumango ako. “Nagbibihis po kasi siya.” “Ganun ba? Ipinalagay ko na pala sa magiging kwarto mo ang mga gamit mo.” Itinuro nito ang nilabasang pinto. “Doon po ako matutulog? Hindi po sa maid’s quarter?” Tanong ko sa matanda na tanging ngiti lang ang isinagot. “Kung nasaan ako, doon ka din dapat.” Napalingon ako sa alaga ko. He is now wearing a white V-neck shirt and a black sweat pants. “You are my nanny. You need to check on me from time to time. May problema ba tayo, Ms. Olsen?” "Wala namang problema sa akin, Sir. Kung gusto niyo po sisimulan ko na ang trabaho ko ngayon." Agad akong lumapit dito at kinuha ang panyo sa maliit na bag na dala-dala ko. Pinunasan ko ang pawis nito sa leeg. “You’re so sweaty na. Come to yaya, I’ll wipe your sweat away.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD