Chapter 4

1054 Words
Hindi ko malaman ang gagawin ko ng makita ang orasan. My gulay! Alas-otso na ng umaga! Unang araw kong gagampanan ang trabaho ko bilang nanny ni Sir Jaime and yet na-late pa ako ng gising. Napatampal na lamang ako sa aking nuo. Mabilis akong tumakbo papasok ng banyo. I need to take a shower as fast as I could. Baka kanina pa ako inaantay ng alaga ko. Ligong manok lamang ang ginawa ko - as in wisik-wisik nalang muna. Babawi nalang ako mamayang gabi bago matulog. "Keri na'to!" Sambit ko sa aking sarili ng makapagasuot ng pantalon at fitted na t-shirt. Wala pa kasing ibinibigay sa aking uniporme. Dahan-dahan akong humakbang palabas sa kwarto at baka makasalubong ko si Sir Jaime. Nahihiya akong makita siya lalo pa't late akong nagising. Nagmalaki pa man din ako sa kanya na gagawin ko ang aking trabaho ng maayos. Napaigtad ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. "Mabuti at nagising ka na, hija. Pinapasabi ni Sir Jaime na pwede kang magpahinga muna ngayong araw at baka pagod ka raw sa byahe mo." "Wala po ba siya dito sa bahay ngayon?" "Aba'y mayroon yatang inaasikaso at maagang umalis kanina. Baka mayroong meeting o seminar na pupuntahan. Hindi naman kasi nagsabi sa akin." Napangiwi ako sa naging sagot ni manang. "Pasensiya na po kung matanong ako. Akala ko po kasi ay magsisimula na akong maging yaya ni Sir Jaime." Bahagyang tumawa ang matandang babae. "Alam kong nawiwirduhan ka kay Sir Jaime pero sinasabi ko na agad sayo na mas hamak na mabait siya kesa kay Sir Miguel. Sadyang kapag may naiisip gawin ay kanya talagang ginagawa." "Tingin ko nga rin po." "Halika na, doon na tayo mag-usap sa kitchen. Kanina ka pa inaantay ni Maria na bumaba." Bigla ay na-excite akong makausap si Maria. Balak kong mag-catch up sa matalik na kaibigan kaya naman halos takbuhin ko ang pintuan papunta sa komedor. "Anong pakulo na naman 'to bes?" Tanong ni Maria sa akin matapos namin magyakapan at magtatalon sa tuwa. Hinila ako nito sa laundry area para doon mag-usap. "Ay, iba ka din bes. Akala ko pa naman namiss mo ako pero bakit may pagsusungit kang nalalaman diyan?" Para kasi akong nasa interrogation sa klase ng tanong nito. "Gage! Alam natin pareho kung ano ang sinasabi ko. Kaya 'wag ka na magmaang-maangan diyan." Medyo gigil na sabi nito sa akin. "Wala akong choice kundi kumita ng salapi. At tsaka wala akong naiisip na trabaho kundi ganito. Hindi naman ako pwedeng mag-opisina, bes. You know what I mean." "Kaya mo ba talagang panindigan 'yang trabaho mo? This will be your first time to do it." "As if naman. Alam mo naman na kapag gusto ko, kinakaya ko. Huwag kang mag-alala bes. Everything is going to be fine." "Ikaw lang naman ang ang inaalala ko Clars." Hinawakan ko ang kamay ni Maria at ngumiti. "Kakayahin ko 'to. Kasama naman kita bes. Bibigyan mo ako ng lakas ng loob para harapin ang lahat ng ito ng may pagpupursige, right?!" "Ewan ko sa'yo. Baliw ka talagang babae ka. Ginawa mo na namang komplikado ang buhay mo." "I need to or I will be doomed." Mapait akong napangiti habang nakatitig sa matalik na kaibigan. "Ewan. Pero mainam na din yan para kapag nag-asawa ka na hindi ka na mahirapan pa mag-alaga ng mga anak mo kasi may experience ka na. Yun nga lang baby damulag ang aalagaan mo." "As if naman. Ako ang magiging best mom in the whole world nu?! So for now, I will be the best nanny in town." "Swerte ni Sir Jaime sayo kung ganun." Panunudyo ni Maria sa akin. "Talaga naman!" At pareho kaming nagkatawanan. Hindi ko alam kung paano magsisimula bilang yaya. But I am willing to learn. Open akong matuto sa lahat ng bagay. I just really hope tumagal ako rito sa pagtatrabaho bago pa ako matunton ng ama ko. I sigh. I hope so. Bandang alas tres ng hapon ay dumating si Sir Jaime. Katatapos lang namin maglaba ni Maria. Siyempre tamang chika habang nagtatrabaho. "Good afternoon, Sir Jaime! May iuutos po kayo?" Bungad ko sa aking amo. Mukhang nagulat pa siya sa taas ng energy ko. Sabi kasi ni Maria maging mukhang approachable daw ako palagi. Lumapit ako sa amo ko at akmang kukunin ang dala nitong duffel bag. Pero hindi nito iyon ibinigay. Medyo napahiya ako ng kaunti pero okay lang naman. "Sinabi ba ni manang na rest day mo muna ngayon?" Balik tanong nito sa akin. Suplado at mukhang bad mood. "Yes po. Nakapagrest na rin naman ako sir kaya keri na po akong magsilbi sa inyo. May gusto ba kayong ipagawa sa akin?" "Nope. Wala pa naman akong naisip na ipagawa sayo. I'll just go upstairs and sleep. At pakisabi nalang kay manang na bawal akong istorbohin." Something is bothering in my head. "Kahit sa dinner time po?" Medyo alanganin kong tanong. "Yes. I won't be eating, I'm full. All I need is sleep. Do you have more questions? Make it fast please." "Wala na naman po sir. Gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng damit niyo?" Yaya nga kasi niya ako kaya kailangan ko siyang tanungin ulit. I need to look after him, di ba? "No need, Clarisa. Rest day mo ngayon kaya hindi kita uutusan. Understood?" "Noted po." Nakangiwing sagot ko rito. Dumeretso na ito paakyat sa hagdanan matapos marinig ang sagot ko. Ang weird talaga! Baliw na yata ang lalaking 'yun! "Blue baby ba siya manang?" Baling ko sa matandang bagong dating. "Pagpasensiyahan mo muna at kulang na naman sa tulog ang batang 'yun malamang." "Okay lang naman po. Aakyat na po ako sa taas. Matutulog nalang din ako. Huwag niyo po akong iistorbohin manang." "Sige hija walang problema." "Char lang manang. Kayo po may iuutos sa akin?" "Wala. Bawal kitang utosan pati dahil si Sir Jaime ang amo po." "Okay lang po sa akin." "Kung mapilit ka sige pakisamahan muna si Maria na pumunta sa supermarket. May iniutos ako sa kanyaa." "Nope, manang. Clarisa is not allowed to go out withour my permission." Dumagundong bigla ang boses ni Sir Jaime. Nandoon ito sa puno ng hagdan at mukhang kanina pa nakikinig sa aming dalawa ni manang. "Pasensiya na sir, hindi na po mauulit." Nakayukong sagot ni manang. Grabe! Ang clingy na agad sa akin, wala pa nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD