Nakakapagod. Nakakapagod umupo at tumunganga.
Isang linggo na akong nagtatrabaho bilang nanny pero parang gusto ko na magresign hindi dahil sa nakakapagod ang trabaho kundi dahil wala akong ginagawa. Nag-expect pa man din ako magiging hectic ang schedule ko sa pagsunod at pag-asikaso ng batang aalagaan ko. Saan ka ba nakakita na unang araw mo palang day-off na? Iba din talaga itong amo ko s***h alaga. Kapag nagpapaalam akong tutulong sa labas kina Maria, ayaw akong payagan. Tapos kapag manghihingi siya ng kape o tubig si Manang Sonia ang inuutusan niya. Ako ang nanghihinayang sa ipangsasahod nila sa akin. Well, sabi naman ng matandang mayordoma ay hayaan ko malang daw muna. May times naman daw na bung linggo ay sa kusina tumatambay ang alaga/amo ko. Pero parang trip kasi ng amo ko ang mag-paper works ngayong linggo.
Napahikab nalang ako sa sobrang antok. Nakaupo ako rito sa couch habang hinihintay si Sir Jaime na matapos sa ginagawa nito. Sa nakikita ko ay tambak ang papeles nito. Actually, ilang oras na akong nakaupo rito. Halos tumambling na ako sa kapapalit ng pwesto dahil umiinit na ang pwet ko pati na rin ang ulo ko. Pero dahil kailangan kong samahan ang alaga ko dito sa opisina ng restaurant niya. As if naman na may choice ako, di ba?
"Sir, hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko rito matapos tanggalin ang bara sa aking lalamunan. Kabado bente ang Lola niyo pero sumige pa din.
Umangat ang ulo nito mula sa pagbabasa ng papeles. Hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa isipan into habang nakatingin sa akin. Feeling ko talaga, iniisip nito kung gaano ako kaatribida? O di kaya ay reklamador na yaya?
"Why? Maaga pa naman." Parang gusto ko tuloy mayamot sa sagot nito.
"Alas-dose na po." Anong maaga sa midnight? I wasn't informed na graveyard shift pala ang trabaho ko. Hindi pa naman ako sanay na napupuyat. And it's bad for my health sabi ng mommy ko.
Napatigil ito saglit sa ginagawa at tumingin sa relong pambisig niya. I am hoping na marealize nito na oras na para umuwi kami.
"You can sleep there. I need to finish this asap. Gigisingin nalang kita kapag tapos na ako rito." Somehow, I am expecting that kind of answer from him.
Hindi na ako sumagot pa. Basta nalang akong humilata sa couch. Hindi ko na talaga kasi kaya ang sobrang antok. Masisira ang beauty regimen ko kapag hindi ako nakatulog ng maayos. Tulog is life for me. Bahala siyang mapuyat mag-isa. Gusto niya naman 'yan.
Napamulagat ako ng makitang wala na ako sa couch kundi nasa kama na. Kaya naman pala napaka-komportable ng aking tulog. Parang narevive ang katawang-lupa ko.
Ay, wait! Paano nangyari 'yun? Tandang-tanda ko kagabi na nasa couch ako at wala sa kama. At hindi ko kama 'to! Hindi rin bahay ni Sir Jaime 'to!
Gusto ko ng umiyak pero tinatagan ko ang aking loob. My head is clouded by negative thoughts. Mas lalo akong kinabahan ng maramdamang hindi ako nag-iisa sa kama. Hubad baro ito at nakatalikod sa akin. Ayoko sanang mag-isip ng masama but I cannot resist it.
"This can't be happening..." usal ko sa aking sarili.
Baka ibinenta na ako ng amo ko. Baka pinatulog niya lang ako tapos ibinenta sa isa sa mga parokyano niya. Hayop siya! Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Ikinuyom ko ang aking mga kamay at pilit nilalabanan ang aking nararamdaman.
Mali ba ang naging desisyon ko? Lumayas lang naman ako sa amin pero wala naman akong balak na mapariwara.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala namang kakaiba maliban sa feeling fresh ako at energized.
Dahan-dahan akong bumaba sa kama at naglakad sa kabilang panig upang makita ang mukha ng lalaking katabi ko sa kama. Gusto kong makita ang itsura ng lalaking lumapastangan sa akin.
Clarisa, di ba dapat aalis ka na? Ganun sa telenovela girl. Hindi mo na dapat pang malaman ang identity ng lalaking nakaulayaw mo sa gabi. Untag naman ng isip ko.
"Kailangan kung makita at makilala para hindi na mag-krus ang landas ng mapagsamantalang lalaking ito. Para naman may idea ako." Nakasimangot kong kastigo sa sarili.
Pero nagmelt yata ang puso ng makita ang lalaking parang baby ang himbing sa pagkakatulog. Hinanap ko ang aking cellphone. I need to capture this precious moment. Ang cute ng alaga ko. At ang pintog ng pandesal sa dibdib.
Naka-anim na picture na yata ako ng bigla nalang magmulat ang mga mata nito. Ay, bakit nagising?
"What are you doing, smidget?" Seryosong tanong nito.
"Huh?! Nothing." Sabay pasok ng aking cellphone sa bulsa.
"Are you taking pictures of me while I am sleeping?"
"Nope. Bakit ko naman gagawin yun Sir Jaime?" Siyempre hindi niya pwedeng malayan ang ginawa ko.
"I just heard the shutter sound of the camera."
Umupo ito sa kama habang nakatingin ang mapanuring mga mata sa akin. Kinuha nito ang unan na hinigaan ko at inilagay sa harapan nito. Hmm, nahiya pa siya sa boxer short niyang may mukha ni Naruto.
"Baka nananaginip ka lang sir." Patay-malisya kong sagot. "Kagigising ko lang kaya."
"I don't think so. Why do I have this feeling that you are taking advantage of me while I am asleep?" Magpapatuloy nito. Konti nalang talaga at mabubuko na niya ako.
"Taking advantage is a big word, sir. At tsaka sino ba ang hindi magugulat? Natulog ako sa couch at nagising ako sa kama na may kasamang lalaking topless at naka-boxer lang. I am not into one-night stands, sir. Ayokong magising isang araw na nagsusuka dahil nabuntis ako ng lalaking hindi ko nakilala dahil nagmadali akong tumakbo palabas ng condo nito. My child doesn't deserve a life like that. Na kapag nagtanong siya kung sino ang papa niya ay maghahanap ako ng magazine kung saan may mga successful, yummy at gwapong businessman na nakafeature doon. Gugupitin ko at ibibigay sa kanya. Tapos makakasalubong namin sa mall at tatawagin niyang papa. Magagalit sa akin ang gwapong businessman at parurusahan ako sa pagsisinungaling ko. Only to find out in the end na siya naman talaga ang biological daddy ng baby ko. Pero siyempre, may plot twist. May fiance na ang baby daddy ko at ayaw sa akin ng pamilya nito. Aalukin akong layuan siya kapalit ng sampung milyon at mapipilitan akong tanggapin 'yun kasi--- ."
"What the hell were you thinking? We are not in a teledrama, Clarissa." Nakakunot ang nuo nitong saway sa akin.
"Hindi ba tama naman ako?"
"Stop it, Clarisa. Anong buntis? Paano ka mabubuntis? Kahit nga bag mo ayaw mong ipatanggal sa katawan mo. You also slept on my bed with your shoes. And for the record, kakarating lang natin dito sa condo ko 45 minutes ago. Kaya please lang let me sleep for atleast an hour. Your so impossible." Sabi nito bumalik na sa pagkakahiga at niyakap ang unan na ginamit ko.
Sinipat ko naman ang sarili ko. Gosh, nasa katawan ko pa ang sling bag na pinaglagyan ko ng cellphone, wallet, wipes at tint ko. Nahiya ako sa carpet ni Sir Jaime dahil may bakas ng sapatos ko.
At dahil wala na akong mukhang maiharap at nagising na rin naman ang katawang-lupa ko ay nagdesisyon akong lumabas nalang ng kwarto ng amo ko.
"Parang kailangan ko yatang magbigay ng peace offering. Magluluto nalang ako ng breakfast para sa kanya."