CHAPTER 6

1842 Words
NAPANGIWI ako nang malasahan ang egg drop soup na aking ginawa. Walang lasa at kulang yata sa asin kaya naman dinagdagan ko. Hinalo-halo iyon at tinikmang muli. Shuta, nasobrahan naman this time ng asin! Pero dahil brainy ang lola niyo, dinagdagan ko ng tubig. Hihintayin ko nalang na kumulo pa iyon ng isang beses. “Mukhang perfect nato.” Iniahon ko mula sa stove ang aking niluluto. Sa sobrang kulo kasi ng soup ay bumubulwak na ito palabas ng kaserola. Naglagay ako sa mangkok ng soup at inilagay sa mesa. Nauna ko na kasing niluto ang itlog, hotdog at sinangag. Siguro naman magiging happy na ang bossing ko kapag nakita niya ang pagkaing prenipare ko para sa kanya. In fairness sa kitchen ni Sir Jaime dito sa condo, mukhang mamahalin at parang di nagagamit. Well, hindi na ngayon kasi nandito na ako. “Grabe, ang perfect ko talaga. Ang ganda ng presentation ko.” Nasisiyahan kong sabi sa aking sarili. Bata palang talaga ako ang hilig ko na mag-ayos ng hapagkainan namin. Sabi ng tatay ko magiging mabuting may bahay daw ako in the future. Mapait akong napangiti sa isiping iyon. Para hinidi malungkot ay kumuha nalang ako ng isang pirasong hotdog at kinagatan iyon. Ang tender ng hotdog at ang cheese ay nagmemelt sa loob ng aking bibig. Hindi ko napigilang mapapikit sa sarap. Parang nakikita ko na ang masayang mukha ni Sir Jaime. “What are you doing?” Napamulat ako ng marinig ang boses ng alaga ko. Pinakatitigan ko siyang mabuti. Magulo ang buhok pero mukhang nakapaghilamos na at nakapag-tooth brush na rin. Hindi na siya topless pero nakaboxer shorts pa din. Ang cute cute talaga ni Sir Jaime, ang sarap niyang kurutin. “I am asking you smidget. What are you doing here?” “Eating hotdog, my Tommy?! Ay, sorry sir. Kumakain po ng jumbo hotdog.” “Why do you have to close your eyes while eating that hotdog?” Iritado ang mukha nito habang nagtatanong. Wala naman akong ginagawa pero bakit parang galit ito? “Ninanamnam ko kasi ang sarap, sir. Favorite ko kasi ‘tong jumbo hotdog.” Nakangisi kong sagot. “Perpekto kasi ang pagkakaluto ko nito kaya feel na feel ko, sir. Breakfast na po kayo.” “What did you say?” Anito habang lumalapit sa akin. Hala! Ang bingi naman ni Sir. Minsan talaga parang gusto ko nang iconfirm sa sarili ko na may problema ito. “I am asking you, Clarissa!” At may pagsigaw pa talaga. Sasagot naman ako eh. “Masarap yung hotdog, sir? Ang tender niya.” At sumubo ulit ako at kumagat sa hawak kong hotdog. “No, the last one you said.” Anito habang sinisipat ang pagkain sa lamesa. “Breakfast na po kayo?” “No. Before that!” Salubong na ang kilay nito habang nakatingin ng masama sa akin. “Pinagluto kita? ‘Yun po ba?” Tanong ko rito. I am clueless. Hindi ko alam kung ano ang pinagpuputok ng butse nito. At ‘yun nan ga, natumbok ko! Dahil pala sa ipinagluto ko siya. Eh, ano naman ang masama dun? “Where did you cook this god*mn food?” Padaskol nitong hinila ang sinangag na niluto ko. Halos kalahati niyon ay natapon sa mesa. “Where did you cook, Clarissa? Answer me!” “Sa kitchen po.” Haler? Alangan namang sa banyo ako magluto. Parang ewan talaga ‘tong amo ko. “What kitchen? Where?” Napakunot ako ng nuo. Ang lakas yata ng amats netong amo ko. May iba pa bang kitchen dito. Inginuso ko ang pintuan ng kitchen. Natatakot na akong magsalit kasi pinapaulit niya lang din naman. At tsaka akala ko ba condo unit niya ‘to? Pero bakit parang hindi niya alam kung nasaan ang kitchen? “You touched my kitchen?” “Ahmmm…yes po sir.” Paano naman ako makakapagluto kung hindi ako mangingialam sa kusina niya. “Nagluto po kasi ako ng breakfast niyo.” “Why did you do that? Who the hell are you to touch my kitchen?” “Kasi nga nagluluto ako ng breakfast mo.” Pag-uulit ko kasi mukhang hindi niya narinig ang mga sinabi ko. “Did I tell you to cook for me?!” Galit nitong tanong sa akin. Parang gusto na niya akong kainin ng buo. Natatakot na ako pero hindi ako magpapatalo sa kanya. “Hindi. Pero nagkusa nalang ako. Baka kasi gutom ka na pag gising mo.” “Who the hell are you?! You do what I say! I am the boss here, Clarissa. You have to follow my rules. And you break it. You’re fired!” Sigaw nito sa akin. Nagluto lang ako ng breakfast niya, fired na agad. Nasaan ang hustisya doon? Ni hindi ko pa nga na-enjoy ang sahod ko mula sa kanya, fired na agad. No way! Hindi ako papayag! “You cannot do that, Jaime Sawyer! You are so unfair!” Sinundan ko ito kusina. “How could you ruining my kitchen?! D*mn you, smidget! What have you done?” Halos umiyak na ito habang nililinis ‘yung sabaw na natapon sa stove. “Do you how sacred this kitchen is? Ruined it! How dare you.” “Sorry about that, lilinisin ko nalang.” Akmang kukuha ako ng kitchen towel nang pigilan ako nito at kinaladkad palabas ng kusina. “Don’t you dare come near here! Stay away from me kung hindi isasako kita!” “Hindi pwede! Kapag umalis ako dito, hindi mo na ako pababalikin. No! You cannot use this situation against me. Kung hindi mo pala gustong ipinagluluto ka ng yaya mo, sana sinabi mo.” “But you breached the contract!” “Saan banda?” Noon ko lamang naisip kung ano nga ba ang laman ng kontrata na pinermahan ko? Minsan lang naman akong maging tanga, di pa nagbasa ng kontrata. “You didn’t read the contract, I guess?” “Nabasa ko, nakalimutan ko lang. Sir Jaime, don’t be so unfair. Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo. Can you please enlighten me?” Wala ako sa lugar para magmalaki sa amo ko. I need this job so badly. Saan nalang ako pupulutin kapag nagkataon? Ayokong maging palaboy sa lansangan. Hindi iyon matatanggap ng beauty ko. “No. Just talk to your agency and leave me alone!” Gigil nitong sigaw sa akin. Dahil sa takot kong mabugahan ng apoy ni Sir Jaime, lumabas na ako ng condo nito. Nagsisisigaw ito doon sa kusina. Hindi ko talaga mawari kung ano ba talaga ang problema ng amo ko. Mabuti pa siguro ay itanong ko nalang kay Maria o kay Manang Sonia. Hindi ako na-brief na may ganitong amats si Sir Jaime. Only to find out that it was all my fault. “Hindi ba niya sinabi sayo na bawal kang makialam sa kusina niya? Ang kusina ang pinakasagradong lugar para sa batang iyon lalong-lalo na ang kusina sa condo niya. Weird man pakinggan pero iyon lamang ang kondisyon niya. Miski ako na matagal nang naninilbihan sa pamilyang Sawyer ay sinusunod iyon. Kaya nga malaking pagkakamali ang nagawa mo Clarissa.” “Hindi po alam, Manang Sonia. Nagmagandang-loob lang naman po akong magluto ng breakfast ni Sir Jaime. At tsaka minsan naman ay pinapatulong niya naman ako sa kanya sa pagluluto sa kusina niya dito sa mansion. Please po, tulungan niyo akong hindi masisante sa trabaho.” Umiiyak na pakiusap ko sa matanda. Wala pa si Maria nang dumating ako sa mansion kaya naman kay Manang Sonia agad ako lumapit. “Nasa kontrata niyo ‘yun, Clarissa. Bakit parang wala kang alam na unless sabihin niya ay hindi ka pwedeng makialam sa kusina niya lalo na sa kusina sa condo niya?” “Sorry, manang. Ang totoo po ay hindi ko talaga nabasa ang kontrata.” Umiiyak na pag-amin ko sa matanda. Oo na, tanggap ko na na kasalanan ko. I mean, na may kasalanan din ako. “Ano ka ba naman, hija. Ang mga dokumentong ganyan ay dapat inaaral mo muna bago pirmahan. So, paano yan? May kasalanan ka pa rin.” “Gagawin mo po ang lahat para mapatawad ako ni Sir Jaime at hindi palayasin. Tulungan niyo po ako, manang. Ayoko pong mawalan ng trabaho.” Yumakap ako sa bewang ni Manang Sonia. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. “Titingnan ko ang magagawa ko pero hindi ako mangangako, Clarissa. Na kay Jaime pa rin ang desisyon kung mananatili ka rito o hindi.” “Salamat, manang. Hinding-hindi ko na po uulitin. Bigyan lang po ako ng chance ni Sir Jaime.” “Hala, pumunta ka na sa kwarto mo at ayusin ang sarili mo. Mukha ka nang kamatis. Nariyan na yata si Sir Jaime. Pupuntahan na lamang kita sa kwarto mo kapag tapos na kaming mag-usap.” Matapos kong maligo, magbihis at mag-ayos ay agad akong bumaba upang hanapin sana si Maria. Ngunit sa hindi inaasahan ay saktong paakyat naman ng hagdan si Sir Jaime. In short, makakasalubong ko ito sa pagbaba. Pasimple kong sinipat ang mukha nito. Hindi na ito mukhang galit pero nakikita ko pa rin ang mapanghusga nitong titig sa akin. “Hi, sir. Kamusta po?” Huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko. Hindi naman siguro niya mamasamain ang tanong ko pagkatapos ko siyang galitin? Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Chineck yata kung lalayas na ako. “Naligo na po ako. Hindi na masama ang loob ko sa inyo.” “What?” Kumunot na naman ang nuo nito. “Ikaw pa talaga ang may ganang sumama ang loon sa akin?” “Este, ang ibig ko pong sabihin ay sorry po.” Nakayuko kong sabi rito. “If you are really sorry then look straight into my eyes. Hindi ‘yung kukuyuan mo ako. You are always disrespecting me, Clarissa. Is it hard to accept that you lied to me? You didn’t read the contract that’s why. You are so reckless. Maraming napapahamak sa padalos-dalos na desisyon.” Humarap ako rito. Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko maiwasang umiyak. “Yeah, totoong hindi ko binasa ang kontrata sir. Guilty ako doon kaya sorry na. Please give me a chance.” “Pasalamat ka at wala namang nasira sa kusina ko. That’s why I am accepting your apology. This will be your second and last chance. If you lose this chance, it’s your lost Clarissa.” “Salamat, Sir Jaime! Hindi ko po kayo bibiguin. Gaya nang lagi kong sinasabi sa inyo, I will be your best nanny in town.” Masayang tugon ko rito. Makakahinga na ako nang maluwag dahil sa sinabi nito. Tumango lamang ito at nilampasan ako. “But that doesn’t change the fact na hindi ka magaling magluto, matabang at overcooked ang soup mo, walang asin ang scrambled egg mo at hindi mo man lang tinanggalan ng plastic ang hotdog na prinito mo. Kaya siguro sarap na sarap ka sa pagkain, chewy talaga kasi kapag may plastic pa ang hotdog.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD