CHAPTER 7

1313 Words
Maaga akong nagising ngayon. I mean, inagahan ko talagang magising ngayon kesa sa nakasanayan kong pagising. Gusto ko kasing maging makabuluhan ang araw ko. Halos wala na akong ginagawa dito sa mansion at nababagot na ako. Parehong wala ang magkapatid na Sawyer. Umattend ng kasal abroad. So ang siste, libreng-libre kami sa loob ng ilang araw. Sabi naman kasi ni Manang Sonia ay pwede na kaming magpahinga pagkatapos namin sa aming mga gawain. As for me, bahala daw ako sa gusto kong gawin. Kaya heto ako at nanunuod ng cooking tutorial. Pero siyempre, bago ako manuod ay tumutulong ako kay Maria sa paglalaba at pagsasampay. May allergy kasi ako sa alikabok kaya hindi ako tumutulong sa paglilinis ng bahay. “Ano ba ýang pinapanuod mo diyan át mukhang hook na hook ka?”Untag sa akin ni Maria. “Akala ko ba hate mo ang pagluluto?” Dahil magkababata kaming dalawa, alam nito kung ano ang ibig sabihin ng aking mga galaw. “Hindi naman hate. Tinatamad lang ako. Pero gusto ko talagang matuto.” “So, bakit ka nga nag-aaral? Nagreready ka para sa pag-aasawa mo?” Napatigil ako. Bakit ko nga ba ginagawa ‘to? Kailangan ko ba talagang gawin ‘to? “Remember the day nung muntik na akong masisante dahil pinakialaman ko ang kitchen ni Sir?” “Sinong makakalimot? Record breaking kaya ang ginawa mo, besh.” Natatawang sagot nito sa akin. “Ipagdiinan mo pa, besh. Minsan lang ‘yun at hindi na mauulit.” Kaya nga sisiguraduhin kong sa susunod ay hindi na ako mabash ng amo. “Sus, parang di ka naman mabiro. Bilang kaibigan ay nandito lang ako para sa’yo.” “Okay, besh. Pero para nga sa ikatatahimik ng isip mo. Ginagawa ko ‘to para kay Sir.” Kumunot ang nuo ni Maria. “Bakit? After all that had happened may balak ka pang umulit sa kagagahan mo? Hindi kailangan ni Sir Jaime ang prowess mo sa pagluluto kasi magaling na siya sa ganyan. So, tell me. Saan mo hinuhugot ‘yang eagerness mo para sa cooking cooking na yan” “Tinikman kasi ni Sir Jaime ýung niluto ko. Hindi daw masarap. Binash ako harap-harapan.” Gusto ko sanang magreason-out. Gusto ko sanang sabihin na unang beses ko palang na sumubok magluto. Alam naman iyon ni Maria kaya isinantabi ko na lamang iyon. “At nabother ka naman ng husto? Huwag mong alalahanin ‘yun kasi chef ang boss mo. He has all the right to critic your way of cooking dahil iyon ang strength niya. Hindi naman lahat ay pare-pareho ang strength and weaknesses. Minsan nga, it takes two people to complement each other. Kumbaga, it takes two to tango. Kaya huwag kang mag-worry masyado kung hindi ka magaling magluto kasi pwedeng magaling kang kumain.” Seryoso nitong litanya sa akin. May point naman ang kaibigan ko pero bakit parang kulang nalang ay sabihin nitong wala na akong tsansa sa pagluluto kaya mag-settle nalang ako sa pagkain. “Maria, tinatawag ka ni Sir Miguel. Kunin mo raw ang mga labahan niya doon sa itaas.” Pareho kaming napalingon ni Maria sa matandang mayordoma. “Nandito na si Sir Miguel, manang?” Excited na tanong ni Maria. “Aba’y, kararating lamang. At ikaw naman Clarissa, linisin mo ang kwarto ni Sir Jaime. Ayusin mo raw ang mga damit na dadalhin niya para sa 2-day seminar niya sa Baguio. Sabihan mo ako kapag tapos ka na para macheck ko. Kailangan mong galingan sa trabaho simula ngayon dahil may dapat kang patunayan sa amo natin. Naiintindihan mo ba?” “Opo, Manang Sonia. Copy po. Loud and clear.” Nakangiting sagot ko sa matanda. “Sige na, umalis na kayo at gawin ang inyong mga trabaho.” Katatapos ko lamang linisin ang buong kwarto ni Sir Jaime. Sinunod kong nilinis ang banyo nito. Pero never kong pinuntahan ang private kitchen nito sa kwarto. Parang nagkaroon na yata ako ng trauma. Until now ay parang pelikulang bumabalik sa aking isipan ang mga pangyayari. “Ano kaya ang mga damit na gusto na ihahanda ko?” Tanong ko sa aking sarili habang pumapasok sa walking cabinet ni Sir Jaime. Kinuha ko agad ang maliit na suitcase kung saan ko balak ilagay ang mga damit nito. Sa duffel bag ko sana ilalagay pero dahil metikuloso ang aking alaga/amo kaya sa suit case na maliit nalang. Una kong kinuha ang apat na pirasong underwear nito, since tatlong klase lang naman ang color niyon kumuha ako ng dalawang puti at tag-iisang gray at black. Kumuha ako ng polo shirt, long sleeve at cardigan. Naglagay na rin ako ng tig-dadalawang pambahay at pantulog Hindi din naman kasi sinabi ni Manang Sonia kung anong klaseng seminar ang pupuntahan ng aking magaling na alaga/amo kaya wala akong clue kung anong klaseng get-up ang ihahanda ko. Total ichechek pa naman ni Manang Sonia ang laman ng suitcase. Pero dahil Baguio at malamig doon kaya naglagay na din ako ng jacket. Hindi na ako lumabas ng walk in closet, doon ko na mismo tinupi at inayos sa loob ang mga dadalhin ng amo ko. Na-orient kasi ako sa ganitong klaseng trabaho kaya somehow ay confident ako na tama naman ang ginagawa ko. Pasipol-sipol ako nang lumabas pero bigla akong napasigaw sa aking nabungaran. “Anong ginagawa mo?!” Hindi ko alam kong anong intensity ang taas ng boses na ginamit ko. Napatakip ako nang mata. My virgin eyes! Que horror! Ang magaling kung amo ay nabungaran kong kasalukuyang naghuhubo sa loob ng kanyang kwarto. Mukhang kararating lamang nito at may balak yatang maligo. “What are you doing here inside my room, Clarissa?” Kumuha ito nang unan at ipinangtakip sa toot nito. Well, hindi literal na toot dahil may suot pa ito. “Bakit ka naghuhubo sa harapan ko? Bastos!” Binalinag ko rito ang suitcase na dala ko. Pero agad ko ring pinagsisihan ang aking ginawa nang tumama sa tuhod nito ang suitcase. Nabitawan nito ang unan kaya nakita ko na naman ang hindi ko dapat Makita. “Ouch! You hurt me. How dare you? Get out of my room!” Namimilipit na ito sa sakit. Nasaktan yata ito nang husto dahil tumama ang matigas na bahagi ng suitcase tuhod nito. Sa sobrang taranta ko ay agad akong lumapit dito. Lumuhod ako sa harapan nito at hinawakan ang nasaktang bahagi ng tuhod nito. Pero nagalit lang yata lalo sa akin si Sir Jaime dahil hinawakan ako nito sa balikat at tinulak palayo. At para ipakita na nagsisisi ako sa aking ginawa ay nanlaban ako sa pagtulak niya kaya naman napasubsob ako nang tuluyan sa harapan niya. “Mahabaging Diyos! Santisima! Anong ginagawa niyong dalawa?” Bulalas ng pamilyar na boses mula sa pintuan. Parang nag-slow motion ang lahat. Agad akong napabaling kay Manang Sonia na ngayon ay hindi ko ma-explain ang hitsura. “Manang, this is not what you think it is.” Explain ni Sir Jaime na agad akong itinulak. Napaupo ito sa kama at tinakpan ang agila gamit ang unan. “Aksidente ang nangyari, manang. Hindi ko po sinasadya.” Halos maiyak na ako habang tumatayo mula sa pagkakaluhod. “Ano bang ginagawa niyong dalawa?” “This woman is crazy! Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko?” “Naglilinis ako rito, sir. Pagkatapos ay inayos ko ‘yung dadalhin mong mga gamit sa Baguio. Hindi ko naman alama na hubadero ka pala. Bakit kasi kayo naghuhubad ditto?” “Because this is my room and you are invading my privacy!” Galit na sigaw nito. Napapikit ako. Mukhang ito na talaga ang katapusan nang pangarap kong maging best nanny in town. “Sorry po.” “Get out!” Utos nito sa akin habang itinuturo ang pintuan. Tumingin ako kay Manang Sonia upang manghingi nang saklolo. “Sige na, Clarissa. Iwanan muna natin si Sir Jaime.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD