bc

A GLIMPSE OF MOONLIGHT

book_age12+
1.1K
FOLLOW
8.7K
READ
possessive
opposites attract
arrogant
dominant
submissive
independent
drama
bxg
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

ALONA SAVENDRA - At 22 years old, a young woman orphaned from birth, hardworking, diligent, kind yet with a touch of fierceness. She's talkative, curious, but struggles with self-confidence when it comes to her physical appearance. She often laments her lack of a prince charming who could appreciate an ordinary, not exceptionally intelligent woman like her. This fuels her determination to succeed in life.

JAXEL HECHANOVA - A wealthy 28-year-old with a reputation in society, a workaholic, aloof, easily irritated, and reserved. But once you manage to break through his shell, you'll find him kind and dependable. He dislikes those who are rowdy, talkative, meddlesome, deceitful, chronically late, and lazy. He lives by the motto 'obey first before you complain.'

And as fate whimsically unfolds, these two individuals are brought together, their hearts gradually drawn closer.

Will they discover love in the midst of their everyday togetherness?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Alas dos pa lang ng umaga ay naglilinis na siya kaya halos buong kabahayan ay nalinis niya na maliban sa huling banyo sa may guest room. Maigi niyang kinukuskus ang inidoro at panay ang lagay niya ng disinfectant. Kailangan niyang matapos ang paglilinis bago dumating ang alas sais nang umaga dahil may lilinisan pa sila ni Ninay na isang bahay uli. Mas malaki at mas may maraming silid pa daw ito kesa sa bahay na kasalukuayng nililinisan niya ngayon. Sabagay kahit malaki pa iyon ay hindi siya nangangamba. Sanay na sanay na siya sa ganitong trabaho. Simula pa nang umapak siya ng high school ay tumutulong na siya sa kanyang namayapang ina sa paglilinis ng mga bahay. Kahit na mahirap ay masaya naman siya. Sapagkat ang paglilinis ng ibat-ibang bahay ay siyang tumawid sa kanila sa kahirapan. Lalo na parehong 'no read no write' ang kanyang mga yumaong magulang. At siya naman ay pasang-awa na nakapagtapos ng high school. Kung ilang bahay ang kanilang nilinisan ay hindi niya na halos maalala at mabilang. Nagpapasalamat pa rin siya na kahit punanaw na ang kanyang ina ay marami pa rin ang nagpapalinis ng bahay sa kanya. Nakakapagod nga lang pero sulit naman ang sahod na kikitain niya. Kahit na minsan ay inaabot sila ng ilang araw bago matapos ang paglilinis. Nagpatuloy siya sa paglilinis. Subalit napakunot ang kanyang kilay nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Napailing na lang siya nang makitang si Ninay ang tumatawag. "Oh, Ninay, bakit?" mabilis na tanong niya sa kababata. "Ano na Alona? tapos ka na ba maglinis ng bahay nina Sir Howell? Ano tuloy pa ba tayo sa paglilinis sa bahay ni Sir Martin?" usisa ni Ninay sa kanya sa kabilang linya. "Nandito na ako sa may kalsada." "Oo naman! Sayang ang kikitain natin. Pandagdag din iyon sa pambili ng pagkain. Matatapos na ako. Last na itong banyong kinukuskus ko," sagot niya, at agad na inipit ang cp sa tenga sa tulong ng kanyang balikat. "Teka, maaga pa naman." dagdag pa niyang wika, at tinignan ang oras sa lumang relo niya na nasa pupulduhan. "Oh, alas singko pa lang nang umaga. May isang oras pa tayong palugit." "Mabuti na iyong maaga," sagot ni Ninay, at natawa. "You know early birds catches the early worm." "Naku, nag-English ka na naman Ninay! Sabihin mo na lang kasi na may plano kang mag-almusal sa bahay dahil hindi na naman nakapagsaing si Nay Corazon. Ano tama ba ako?" Tumawa ng mahina si Ninay. "P-Pwede ba? Kuwan kasi... kasi," nahihiyang wika nito, at biglang napakamot ng ulo na para bang nakikita siya ng kababata. "Nakakahiya man pero 'yon na nga. Wala na kaming maisaing na bigas." "At kailan ka pa nahiya? Bruha kang babae ka! Sige na, ang mabuti pa'y mauna ka nang pumunta sa bahay para makapag-almusal ka na. Siguradong nakapagluto na si Nay Sally." "Hintayin na lang kita," wika ni Ninay, may pag-aatubili sa boses nito. "Huwag na. Mauna ka nang kumain. Tataposin ko lang ito, tapos uuwi na din ako," himok niya sa kababata, at simulang binanlawan ang kabuoan ng banyo bago harapin ang malaking salamin. At habang nililinis niya ang salamin ay hindi niya maiwasan na mapatingin sa kanyang aninag. Hindi niya naiwasang na maging malumbay at itanong sa sarili kung bakit kaya ipinanganak siyang 'di kagandahan? Oo, matangkad siya, chinita, morena, may mahaba at malagong buhok, may mapupungay na mga mata, may manipis na labi subalit hindi matangos ang kanyang ilong, hindi din pango. In short, simple o' masasabing ordinaryo lang ang kanyang kagandahan. Kaya siguro walang magkagusto sa kanya lalo na't hindi naman siya pala gala. Sa trabaho't bahay lang umiikot ang mundo niya. Trabaho na minsan ay halos kikukuha ang kanyang lakas. Hindi naman siya makapili ng trabaho dahil high school lang ang natapos niya. Hindi na siya nagkolehiyo dahil hindi naman siya matalino. Dahil kung mayroong beautiful with body and brain, siya naman fair in beauty, body and brain. Napabuntong-hininga siya nang wala sa oras. At nakaramdam ng awa sa sarili. Kung sana'y binigyan man lang siya ng kaunting talino kahit hindi na ganda, 'di sana kahit paano ay naging maayos ang kanyang buhay. Nakapag-aral siya sana ng kolehiyo. "Ano ka ba Alona? 'Wag kang ganyan. Walang magagawa ang awa. Dapat magpakatibay ka at magsipag pa. Walang tutulong sa'yo kundi ikaw lang. At walang magkakagustong prinsipe sa'yo. Dahil hindi ka kagandahan. Magaganda lang ang minamahal ng isang prinsipe," malungkot niyang wika at tinignan nang taimtim ang sariling reflection bago umiiling at natawa ng bahagya. "Kausapin ko ba naman ang salamin. Mamaya may makarinig sa 'kin pagkamalan pa akong may saltik! Kaloka!" Nagpatuloy na lang siya sa ginagawa at nang matapos na ay agad na binuhusan muli ang kabuuan ng banyo saka lumabas. Isa-isa niyang binuksan ang mga bintana ng silid, at sinugurado niyang maayos ang lahat bago patayin ang ilaw. Maganda ang bahay bakasyonan ng mag-asawang Russo. Mapalad siyang inihabilin ito sa kanyang pangangalaga bago sila lumipat sa Negros Occidental. Subrang napakabait ng mag-asawa. Lalong-lalo na si Ate Gwendolyn niya. Inalok pa siya nito na pag-aralin ng kolehiyo subalit tinanggihan niya. Wala siyang sapat na talino upang ipasa ang bawat asignatura sa kolehiyo. Masasayang lang ang perang gagastusin ng mag-asawa dahil tiyak na babagsak lang siya. Kaya hayon, nangako na lang si Gwendolyn na gawin siyang care taker ng kanilang bahay. At hinimok ang mga kaibigan nito na tawagin siya kung magpapalinis ang mga ito ng kanilang bahay. Nakakatawa nga dahil minsan hindi lang paglilinis ng bahay ng kayang ginagawa. Nagiging labandera plus hardenira pa siya. Subalit hindi niya kailanman tinataga ng singil ang mga nagpapalinis sa kanya kahit na pwedeng-pwede naman. Sa yaman ng mga ito ay sisiw lang ang upa na hihingiin niya. Subalit hindi siya ganoon na tao. Ayaw niyang manglamang at umubuso ng kapwa. Mas siya pa nga ang nakakatulong dahil ang lahat ng nagpapalinis sa kanila ay inaasikaso niyang maigi ang mga bahay ng mga ito. At regular niyang nililinisan ang mga ito ng walang dagdag na upa. Minsan pinapalitan niya pa ang kurtina at mga bedsheet. Pati ang mga napupundung ilaw ay inasikaso niya. Kapag may bagyo ay agad niyang pinupuntahan pagkatapos lumisan ang bagyo para tignan kung may nasira at simulang linisin ang mga nagkalat na dahon. Kaya nga kapag dumating na ang kapaskohan ay marami siyang regalong natatanggap mula sa mga nagmamay-ari ng bahay na regular niyang nililinisan. Mabilis siyang lumabas ng kabahayan ng mga Russo at tinahak ang daan patungo sa kubo kung saan sila nakatira. Nadatnan niya doon si Ninay na nag-aalmusal na at masayang nakikipag-kwentohan kay Nay Sally. Ngumiti siya habang nilalapitan ang mga ito. At sa isang banda, nagpapasalamat pa rin siya. Simple man ang buhay niya ay masaya naman siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

Fight for my son's right

read
147.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook