"Whatever you say, Sweetheart." Napakasarap pakinggan sa tenga pero masakit sa puso dahil hindi naman ito totoo. Pero bakit nga ba pumayag siya? Maliban kasi sa nangako siya, gusto niya din maramdaman kung paano maging isang espesyal na tao sa buhay ng isang Jaxel Hechanova. Subalit hindi siya hangal para isipin na magkakagusto ang isang Jaxel Hechanova sa kanya. "Boss, pwede bang mag-rest room muna?" tanong niya sa amo, at pasimple na sinulyapan ito. Kunot-noong tinignan siya ng amo. "You look fine to me," banas na wika nito, at tinignan siya mula ulo at paa. "Boss, maiihi ako. Hindi ako mag-re-retouch. Wala na akong i-gaganda pa," sarkastikong niyang wika. "Okey, I gave you ten minutes," sabi ni Jaxel, at agad siyang iniwan. Ihing-ihi na siya kaya mabilis siyang pumunta sa may

