CHAPTER 63

2778 Words

Gutom na siya nang marating nila ang Esmeralda, ang tanyag na floating restaurant sa buong Kamaynilahan. May tatlong itong palapag at rooftop. May sumalubong sa kanilang waitress at waiter. Nang sabihin ng amo ang kanyang pangalan ay agad silang iginiya patungong ika-apat na palapag. "Sa may rooftop tayo? Bakit sa rooftop pa, Boss?" "Kala ko ba gusto mong makita ang mga butuin at ang buwan." "Sa ganitong oras? Boss, nagpapatawa ka ba?" "Sumunod ka na lang at 'wag ng magreklamo pa!" "Sabi ninyo eh," sagot ni Alona, at maingat na inakyat ang bawat palapag. Nang nasa may rooftop sila ay napanganga siya. Hindi dahil the table was set romantically pero dahil sa mga kandilang nakalatag sa may sahig nito. At hindi lang iyon, halatang pina-reserve ng amo niya ang buong rooftop. Wala kasin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD