Alona was so busy that she can't hardly breathe. But no matter how busy she was, sinugurado niya na nandoon siya sa tabi ni Ninay, kapag inoperahan sa bato ang ama nito. Kaya nasa loob sila ng isang private room ngayon at naghihintay sa kay Tay Vicente. "Hoy, kumain ka ngang babae ka!" himuk niya sa kaibigan. "Hindi mo pwedeng pabayaan ang saliri mo." "Hindi ako nagugutom, eh," sabi lang ni Ninay, at yumakap sa kanya. "Hindi ko na alam ang iisipin. Natatakot ako sa maaring mangyari kay Itay." "Walang mangyayari kay Tay Vicente! 'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Wala ka bang tiwala kay Kuya Anthony? Maliban sa isa siyang neurosurgeon ay isa din siya sa pinakamagaling na urologic surgeon sa South East Asia, kaya magtiwala ka sa kanya. Mani lang ang operasyon na ito para sa kanya." "H

