Hindi napigilan ni Alona na makaramdam ng awa habang matiyagang pinagmamasdan si Jaxel at Damon na naghuhugas ng napakaraming hugasan. "Nakakaawa naman siya, Nay," sabi niya kay Sally. "Kanina nga daw nadulas siya sa pag-iigib." "Hindi naman siguro. Mukha maayos naman siyang tignan," sabi ni Sally, at napangiti. "Lumalambot yata ang puso mo." "Nay naman, hindi naman matigas ang puso ko. Saka hindi ba pwedeng lumabot ang puso ko? Lalo na natitiyak ko na sa buong buhay niya ay hindi pa siya naghugas ng pinggan o nag-igib, pero ginawa niya. Hindi siya nagreklamo o' uminda. Hindi din ba lalambot ang puso ninyo? Kilala niyo po ako, madali po akong magpatawad lalo't nakikita ko na taos puso ang paghingi ng tawad. Saka kung tutuusin may pagkakamali din po ako, kung babalikan para kasing ininsu

