Pinandilatan ng mata ni Alona ang amo habang patawa-tawa lang itong pinagmamasdan siya. "Ano'ng nakakatawa, Boss?" asik niya, at pilit na ikalas ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito. "Kanina ka pa diyan tumatawa. Nakakaasar ka na!" Napatigil ito sa paglakad, at agad na hinarap siya. "I'm sorry, Babe. Pero hindi ikaw ang pinagtatawanan ko, kundi ang aking saliri. Ang tagal ko kasing pinigilan ang aking damdamin. Lalo na lagi mong sinasabi sa akin na hindi tayo bagay. At ako naman ay takot na iparamdam sa 'yo ang naramdaman ko dahil hindi ako sigurado kung ikaw ba talaga ang nakikita ko o si Marikit?" Napatigil si Jaxel sa pagsalita nang mapansin ang biglang pagbago ng mukha ni Alona. Ang kaninang mapagbirong aura nito ay nawala. Napalitan ng pagkabigla, at pagkalito. "Are you still

