Halos lahat ng bata ay nakatingin sa kay Jaxel habang kumakain sila ng tanghalian. "Hala may napakagwapo tayong bisita!" sabi ng isang bata sa kanyang katabi habang ang titig na titig ito sa kay Jaxel. "Boyfriend ba ni Ate Anna iyan?" dinig na sabi ng isa pang bata. Sabay na natawa nang mahina sina Alona, Esperanza, Shawn at Sister Cathlyn. Kapwa nila naalala ang kanilang saliri sa mga batang iyon. Lihim na napatingin si Jaxel sa kay Alona na nakaupo sa may harapan nito. Wala itong suot na salamin subalit na naka-messy bun pa din ang buhok nito. "Mukhang may naalala kayo yata," sabi ni Damon sa kanila. Tumango-tango si Alona. "Naalala namin ang aming saliri sa kanila. Ganyan-ganyan din kami kakulit tuwing may gwapo kaming bisita." "So gwapo ako?" pilyo wika ni Jaxel. Naningkit ang

