EPISODE 5

1008 Words
"Well, frankly saying medyo masama ang loob ko sayo ngayon!" Ibinaling niya ang ulo sa kabilang side at umiwas ng tingin sa mga mata nito, "Ako ang asawa mo pero hindi mo sinabi sa akin kung saan ka pupunta kaya sinundan kita!" "Tingnan mo, marami akong iniisip ngayon at pasensya na kung hindi ko sinasabi sa iyo kung ano ang nangyayari sa akin!" pagpapaumanhin ni Angel. "Hindi, hindi ka talaga nagsisisi sa ginawa mo sa akin. Kung hindi ako hinimatay at hindi hinila dito, hindi ka magsasabi ng mga kalokohang bagay!" Galit pa rin si Lars at alam ni Angel na hindi tama ang pakikipagtalo sa mga walang kuwentang bagay ngunit hindi niya sinabi sa kanya ang tungkol sa negotiation nila ni Andrew, hindi pa sa ngayon. "I wanted to know if you want to keep our relationship or you want to dump me. I am a loser at wala akong ginawa kundi maging pabigat sa pamilya mo," prangkang sabi ni Andrew. "At alam ko naman na wala ka nang pagmamahal sa akin ngayon eh," dagdag pa niya. "Gusto kong malaman mo na hindi kita papayagang umalis sa bahay ko maliban na lang kung bumalik na ang memorya mo." "There is now a way that's gonna happen... not when I am still trapped in this situation. I've got to go to somewhere else, somewhere where I feel appreciated and respected. Unfortunately, it won't happen hangga't nandito ako sa puder ninyo. Utang ko sa iyo at sa pamilya mo ang buhay ko at isinusumpa kong ibabalik ko ang pabor!" Si Angel ay mukhang natakot sa narinig mula sa kanyang asawa at nakita niyang tulala ito sa kanya. "I really understand how you feel, Lars. But given the circumstances, wala tayong magagawa ngayon kundi maghintay hanggang sa bumalik ang alaala mo at mas mabuti kung magpahinga ka at-" "And what? Swallow my pride and just let your f*cking mom treat me like a trash? I'm sorry Angel, nakapagdesisyon na ako at ang gusto ko lang ay lumayo at magkaroon ng peace of mind. Wala kang dapat ipag-alala, I can still give update about myself if you want to." "Nagmamatigas ka na, ano bang nangyayari sayo Lars? I am not supposed to say this pero parang nagkakaroon ka na naman ng alaala, di ba?" "Sa totoo lang hindi ko masasabi... ang gusto ko lang ay makalayo sandali," tumulo ang luha sa mukha ni Lars at lumingon ito sa kanya. "Ayoko nang magtagal dito, baka mataas ang bayarin mo sa hospital." Binigyan ni Angel si Lars ng isang ngiti. "Aalis ka dito kapag pinaalis ka na ng doktor. Huwag mong masyadong i-stress ang sarili mo, Lars!" Pumikit si Lars na parang hindi interesadong ituloy ang usapan. Si Angel naman ay nakaupo lang sa malapit na couch at binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Alas 10 ng gabi ng biglang nagising si Lars at nakita niya si Angel na nakahiga sa couch, mahimbing na natutulog at may nakahain na pagkain sa mesa para sa kanya. Gayunpaman, hindi siya interesadong kumain o gisingin si Angel. Pinilit niyang bumangon sa kama at tahimik na naglakad hanggang sa makarating siya sa pinto. Bago siya umalis, tumingin siya sa asawa at umiyak. Sa loob-loob niya, alam niyang hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita sila. Naglakad siya ng walang saplot sa kanyang katawan sa gitna ng madilim na pasilyo ng ospital mag-isa. Walang taong naglalakad maliban sa kanya at kahit anong pilit niyang lumakad ng tahimik ay umaalingawngaw ang tunog ng paglapat ng kanyang mga paa sa lupa. Nang lalabas na siya ng ospital, napagtanto niyang nakalimutan niya ang kanyang wallet at cellphone. Out of options, lumingon siya pero nakita niya si Andrew sa kanyang harapan niya at may dalawang body guard siya na kanyang kasama. Lahat sila ay nakasuot ng itim na corporate attire. "May nakalimutan ka ba, Lars?" tanong ni Lars. Sa hindi malamang dahilan, nanginginig ang katawan ni Lars at isa na namang flash ng blurred memory ang pumasok sa isip niya na napahawak siya sa ulo niya and his face was twisted with so much pain. "S-s-sino ka? Nagkita ba tayo sa isang lugar?" "Hindi mo na kailangang tandaan ang pangalan ko," sagot ni Andrew. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa at ipinakita kay Lars ang phone at wallet niya. "Are these yours? Mukhang nagmamadali ka at nakalimutan mo ang mga gamit mo." "Yes, those are mine. Uulitin ko na naman ang tanong ko, who the hell are you and why are you looking at me like you are planning something?" kabadong sabi ni Lars. Kinaladkad ni Andrew ang kanyang mga paa patungo sa kinaroroonan ni Lars habang mahinahong nagsasalita. "Sige, mamamatay ka pa rin kaya sa palagay ko ay walang puntong itago ito. Tulungan kitang maalala ang kaunting kaunting nakaraan mo: anak ka ng multi-billionaire businessman na itinuturing kong pinakamalapit kong karibal," sabi niya, huminga ng malalim bago muling nagsalita. "Yung bastard na kinuha ang lahat sa akin, halos naisipan kong magpakamatay noong gabing iyon... pero nagpakita ka at buti na lang nakilala ko sa kalagitnaan ng gabing tinawag akong bangungot. To cut the story short, Pinaalis ko lang ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanya niya!" Gaya ng inaasahan ni Andrew, nanginginig sa gulat si Lars. "You should be thanking me, tinutulungan kitang mabawi ang alaala mo... at least bago ka mamatay!" walang pakialam na sabi niya. "B-bakit... kung may sama ka ng loob sa mga magulang ko, bakit ako ang inaatake mo sa halip na sila? Hindi naman ako kasali sa bagay na ito simula pa lang!" Napangisi si Andrew. “Ang tanga mo talaga, ang masasamang mayaman mong ama ay malapit nang mamatay at walang pumalit sa kanyang posisyon, Mr. Vincent Montreal!" "M-my name is Lars... I am not Vincent Montereal," sagot ni Lars na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari. "Yan ang pangalan na binigay ko sa'yo noong sinadya kitang hampasin ng kotse ko sa ulo. Sayang, sinadya kitang patayin noon pero nabigo ako, at ngayong nandito ka na, hindi na ako magdadalawang isip na ipadala ka sa impyerno!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD