Lumitaw sa likuran ni Lars ang dalawang lalaking nakasuot ng itim at tila hindi niya napansin ang pagdating nila dahil nasa mga taong nasa harapan niya lang ang atensyon niya.
"Tinatanong mo pa ba sa sarili mo kung bakit walang tao dito maliban sa atin? Well, simple lang ang sagot: Sa akin ang ospital na ito at inutusan ko ang lahat ng empleyado na pansamantalang umalis sa lugar na ito. Sana'y marealize ng mumunting utak mo kung gaano ako makapangyrihan. Walang bagay na hindi mabibili ng pera ko Hangga't mayroon ako niyan, kaya kong gawing pabor ang mga bagay-bagay, tulad ng pagsuhol sa doktor na namamahala sa iyo dalawang taon na ang nakakaraan kaya't nanahimik sila tungkol sa aksidenteng na sinadya kong mangyari."
Tinapik ng isa sa mga lalaking naka-coat ang balikat ni Marco at inilagay niya ang kanyang panyo na may laman na pampatulog sa ilong ni Lars at agad siyang nahimatay.
"Kaladkarin siya sa sementeryo at ililibing ko siyang buhay sa puntod na hinukay ko!" utos ni Andrew, "He is it only one I can revenge on sa lahat ng mga taong sumira sa aking buhay!"
Walang pagdadalawang-isip o reklamo, hinila ng dalawang lalaki ang walang malay na katawan ni Lars patungo sa sasakyan ni Andrew at nagtungo sila sa sementeryo kung saan inilibing ang kanyang asawa. Pagdating nila sa sementeryo, biglang bumuhos ang malakas na ulan mula sa kalangitan.
"Maging ang ulan ay nagluluksa na sa hindi mo maiiwasang kamatayan, Vincent!" sabi ni Andrew habang nakatingin sa harap na salamin.
Sa wakas ay huminto na ang sasakyan sa harap ng bahagyang natatakpan na hukay kung saan nakatayo ang limang lalaki. Masaya nilang hinarang ang kanilang amo at tinakpan ito ng kanilang payong sa sandaling dumampi ang kanyang mga paa sa lupa.
"Okay na ba ang lahat dito?" tanong ni Andrew habang nagsimula silang maglakad patungo sa bagong ukit na hukay.
Sagot ng isa niyang bodyguard. "Syempre sir, lahat ay sobrang ready na!"
"That is a good thing to know. Anyway, I have a change of hearts. I realize how boring it would be kung ililibing ko na lang ng buhay ang tinatawag na tagapagmana ng Montreal Family. Dahil malapit na siyang mamatay, mas mabuting pahirapan mo siya kaya kapag napunta siya sa impiyerno, sanay na siyang makaranas ng matinding sakit!" Ang kalmado ng boses ni Andrew ang nagpatahimik sa kanyang mga bodyguard. Alam nilang malupit siyang tao at gagawin niya ang lahat para makuha niya ang gusto niya, kahit na naapakan pa niya ang buhay ng iba.
Ginising si Lars ng dalawang bodyguard na karga-karga siya sa pamamagitan ng pambubugbog sa kanya.
Hinawakan siya ni Andrew sa kanyang buhok at pinilit na idilat ang kanyang mga mata. "Get up you bastard... hindi pa tayo tapos. You have yet to experience the true pain!"
Puno ng pasa sa mukha si Lars at hindi na siya makilala sa bugbog na nakukuha nito. Iminulat niya ang kanyang mga mata at hindi na siya makakita ng malinaw dahil black eye ang kanyang mga mata. Nakiusap siya kay Andrew na tigilan na niya ang pagpapahirap sa kanya.
"Pl-please stop Andrew... I have suffered a lot at hindi ko na kaya ang sakit sa balikat ko!"
"Yan ang problema Vincent... Hindi ko kayang pahirapan ang karibal ko sa negosyo, sayo lang. Tsaka hindi rin ako papayag na mabuhay ka!" tumingin siya sa iba niyang bodyguards at inutusan sila. "Sige ilibing mo siya ng buhay bago pa lumakas ang ulan!"
Sinunod nila ang sinabi ni Andrew, inilagay siya sa kahoy na kabaong na may cross sign sa gitna. Pagkatapos ay isinama nila ang kanyang cellphone at wallet, isinara ang kabaong at hinukay ang kanyang libingan.
"Tama na. Bukas ng umaga, muli natin siyang bibisitahin para makita ang bangkay niya!" sabi ni Andrew.
Sa sandaling umalis sila sa lugar, ginawa ni Lars ang kanyang makakaya upang makatakas at sumigaw lamang ito ng sumigaw. Gayunpaman, walang palatandaan na may darating upang iligtas siya. Pagkalipas ng limang minuto, isang lalaking naka-red hoodie jacket ang pumunta sa kanyang hukay at pinala nito ang puntod para tulungan si Lars na makalabas sa kanyang kabaong.
Nakaramdam si Lars ng kapos ng hininga at halos hindi na siya makalakad. Gayunpaman, pinilit niyang idilat ang kanyang namumugtong mga mata at isang lalaking naka-red hoodie jacket ang nakatayo sa kanyang harapan. Kinagat niya ang labi para ngumiti at nagpasalamat.
"I appreciate your help pero bakit mo ako tinulungan?" sabi niya habang paos na paos.
Tumalikod sa kanya ang lalaking naka-red hoodie jacket at sumagot. "Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako at ang tanging dahilan kung bakit ako tumutulong ay dahil may sama ng loob din ako sa taong naglibing sa iyo ng buhay, kaya't tumayo ka at alalahanin ang mga taong nagpasakit sa iyo at ipinaramdam sa iyo na ikaw ay parang basura. Mas mabuti rin kung itago mo ang iyong tunay na pangalan sa iyong sarili, sa paraang iyon ay masisiguro naming ligtas ka habang naghahanda para sa iyong pagbabalik.
"Paano kita mahahanap?" tanong ulit ni Lars.
"I don't think we will meet again but once our path crossed, don't consider me you ally anymore! Trust me, you will regret that I saved your life!"
Nawala ang lalaking may pulang hoodie jacket habang gumapang si Lars hanggang sa makarating sa malapit na puno para isilong ang sarili sa malakas na ulan. Nang mapagtantong walang tao sa paligid, napaluha siya habang inaalala ang lahat ng nangyari sa kanya hanggang sa sandaling ito. Kaya naman, ang salitang basura ay paulit-ulit na pumapasok sa kanyang ulo sa tuwing naiisip niya ang kanyang asawa at pamilya nito.
Ang nag-aalab na pagnanais na ipaghiganti ang kanyang sarili ay nakatulong sa kanya na mabawi ang kanyang lakas. Dala ang wallet at ang kanyang cellphone, lumayo siya at hinayaang dalhin siya ng kanyang mga paa sa malayong lugar. Lutang ang isip niya at hindi niya napansin na papunta na pala siya sa harap ng isang lumang bahay at parang walang nakatira dito na kahit na sino. Mistulang haunted house.